butterfly butterfly

¤  www.mhei.tk  ¤ the official web site of Mary Lou Garcia Alacapa ¤





YOU ARE
HERE:


Home

About me

My Web Journal

Thoughts
--->SmokingYou are here!

Photos

Butterflies

Cool Links

Site Map

mhéï_onLine

Feedback

Ang panganib sa yosi

Smoking is dangerous to your health

Ang paninigarilyo ang pinakapangunahing sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo.Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.


Ayon naman sa World Health Organization, mahigit kalahati ng kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gumon na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa buong mundo. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil dito. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Asya.



BAKIT MASAMA ANG PANINIGARILYO?

Ang paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay may mahigit 4,700 mapinsalang kemikal, 3 sa kanila, ang tar, nicotine, at carbon monoxide, ay mga pangunahing sanhi ng kapinsalaan sa kalusugan at maging sa ating kapaligiran. Ang Nicotine na sinasabing nakaka-addict ay itinuturing na dahilan kung bakit mahirap iwasan ang paninigarilyo.



ANO-ANONG SAKIT ANG
MAARING IDULOT NG PANINIGARILYO?

Ayon pa sa mga pag-aaral, ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag, at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan.



PAANO NAAPEKTUHAN
NG PANINIGARILYO ANG MGA BAGA?

Ang tar at carbon monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakairita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan ng ating mga katawan ng pagprotekta sa usok.


Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia, at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng emphysema.



PAANO NAGIGING SANHI
NG SAKIT SA PUSO ANG PANINIGARILYO?

Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng sakit sa puso. Ang nicotine na nasa usok ng sigarilyo ay nagpapataas ng blood pressure. Dahil ditto, nagiging mas mabilis ang pagtibok ng puso, at mangangailangan ng mas maraming Oxygen, ngunit dahil sa Carbon dioxide, ang kemikal na nasa usok ng sigarilyo, nababawasan ng 15% ang Oxygen na nakararating sa puso. Ang Nicotine ay sanhi ng mga buildup ng taba sa mga ugat, na nakapagpapababa ng blood pressure. . Ang iba namang mga kemikal ay pumapasok sa agos ng dugo at humahadlang sa normal na sirkulasyon ng katawan. Dahil sa nababarahan ang mga ugat ay nagkakaroon ng mga sakit at atake sa puso. Maari ring magkaroon ng pananakit ng paa, at pamamaga ng hita.


Kapag ang mga ugat sa utak naman ang inatake nito, maari ring magkaroon ng problema sa paningin tulad ng pagkabulag.



ANO ANG RELASYON NG PANINIGARILYO SA KANSER?

Ang paninigarilyo ay nagpapataas ng posibilidad ng pagkamatay sa lung cancer ng 8 hanggang 20 beses, ayon sa Lung Center of the Philippines. 9 sa 10 taong namamatay sa lung cancer ay naninigarilyo. Ang paninigarilyo rin ay maaring maging sanhi ng pagakakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at esophagus ng 2 hanggang 20 beses. Ang pagkakaroon ng kanser ay tumataas rin maging sa mga bahaging hindi direktang apektado ng usok ng sigarilyo tulad ng pancreas, kidneys, urinary bladder, at cervix.



ANO PA ANG MAARING IDULOT NG PANINIGARILYO?

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin, at umuubo, sumasakit ang ulo, at nagbabago ang pang-amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot nga mabahong hininga.



NAKAAAPEKTO BA ANG USOK NITO
SA MGA TAONG HINDI NAMAN NANINIGARILYO?

Oo. Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ang usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa iyo. Mas marami pa nga ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang mga taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.


Ang mga bata / anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia, at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.



PAANO AKO MAKATITIGIL SA PANINIGARILYO?

Ito ang mga maaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng inyong mga sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon mong huminto. Ito ang mag-iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakakadama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag-ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagpapabuti sa inyong kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain nang regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap ninyong alisin ang ugaling paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, komunsulta sa Smoking Cessation clinics.



Do not smoke WALANG MABUTING MAIDUDULOT ANG PANINIGARILYO

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis, at kanser. Nakapagpapahina din ito ng resistensiya ng ating katawan. Ito rin ay nakamamatay.


Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay.


Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.







MGA SANGGUNIAN:
  • Global Encyclopedia. 1991. Virginia: Global Industries, Inc.
  • The Secretariat, Smoking Cessation Clinic, Lung Center of the Philippines, Quezon Avenue, Quezon City
  • Wagman, Richard. 1993. The New Complete Medical and Health Encyclopedia. Volume 2. Chicago: J.G. Ferguson Publishing





Return to top


| my hOmE paGe |

aBoUt tHe weBmAsTer | sOmE tHoUgHtS | pHoTo gaLLeRy

| aLL aBoUt butterflies | fAve pLaCeS OnLiNe | the siTe MaP | aBouT mHei onLine






GOVERNMENT WARNING: Cigarette Smoking is dangerous to your health.






"Our lives are not determined by what happens to us but by how we react to what happens, not by what life brings to us, but by the attitude we bring to life. A positive attitude causes a chain reaction of positive thoughts, events, and outcomes. It is a catalyst, a spark that creates extraordinary results.



"All the world's a stage, And all the men and women merely players. They have their exits and their entrances, And one man in his time plays many parts, His acts being seven ages." -William Shakespeare, As You Like It






WARNING!


All rights reserved.

No part of this site

may be used,

reproduced,

stored in a

retrieval system,

or transmitted

in any form

or by any means:

electronic,

mechanical,

or otherwise,

without the

permission

of the webmaster.






Copyright 2005

~mhéï onLine~


All rights

pertinent to

Intellectual

Property

Rights


apply.


© All Rights Reserved ©
~ m h é ï ~
Mary Lou Garcia Alacapa

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
Diliman, Quezon City
MARCH 2005

Hosted by www.Geocities.ws

1