Toro 2 & Rancho Sakate
Coming Soon!!!
Please click here.

Ang Alamat ng Mais


Once upon a time, mayroong isang maliit na bayang nagngangalang San Antonio. Ang buong paligid ay malungkot at puno ng karimlan. Pero wala akong pakialam dahil hindi ito parte ng kwento. Hindi lang ako makaisip ng simula. Lumipas ang ang maraming panahon, may bulalakaw na bumagsak sa daigdig. May sampung gwapo at magigiting na lalaki at isang ano (sabi niya kasi eh!) ang iniluwal. INILUWAL; ipinanganak o isang kaganapang paglabas ng sanggol mula sa sinapupunan ng ina ( From the book of pidong's Di mahukay na salita) Siyempre, hindi muna lahat ipinanganak dahil hindi naman tayo magkakasintanda di ba? At sa mga sumunod na taon, dumating din ang mga magaganda, kaibig-ibig at dinadakilang mga kababaihan at isang maputi at napakahusay sa gitarang si Jay. (Ganado naman kayo. Sabi ko lang yon He he!) At nagsimula ang pakikibaka ng bawat isa sa bawat sandali ng kanialng buhay. Dumating na ang pagtatagpo ng mga nilalang na bubuo sa isang samahan ng malulupit ang pananaw sa buhay. Ang Bato-batong katawan at ang six pack abs ni Mark Lester Parenio, ang long and shiny black Hair at ang cute na boses ni Charlton Miranda, ang nakakatakot na round house kick ni Albert Agapito, ang pinagsamang malatopak na isip ni Ivan At Boyet, ang mabait at peaceful na taong si Israel, ang mala-modelong katawan at tindig ni Jonas Rodriguez, at higit sa lahat ang maladambuhalang personality ni Gabo. Lumipas ang isang taon ay cute pa rin kami. At naganap ang mga second year classic stories na hindi pwedeng mawaglit pa sa aming isipan. Sorry, may mali ako. Ang gwapong si Charlton ay nakilala namin noong second year na kami pwera lang yung mga schoolmates niya noong elementary. Lumipas muli ang isang taon, wala lang, Nag New Year na. Year 1997, may isang kalunos-lunos at kahindik hindik na pangyayari. Nagkahiwahiwalay na kami ng landas. Masakit mang isipin, nakasama namin nila Ivan at Boyet si Bryan at ang masaklap pa, si Miss Tiqui pa ang adviser namin. Tsk tsk tsk napakalungkot. May nadagdag na na dalawang nilalang. Ang Bayot at ang Kuneho. Sila ay nakadaupang palad nina Tonton at Teteng. Ang magbespren na si Pidong at Israel ang nagkasama, tapos si Jonas at si Jeffrey Tan. Dito namin naramdaman ang kakulangan at kalungkutan. Ewan ko ha. Dito yata nabuo yung PYM. Eh hindi naman ako kasali dun eh. Dito daw yata nabuo yung kasama na yung mga girls eh. Basahin ninyo na lang yung ibang version ng kwento baka nadoon. Ganoon na nga ang nangyari. Marami akong nalaktawang sa taong ito kasi busy kami ni Boyet sa date naming dalawa noon. At dito daw nagsimula ang lahat ng kabaduyan sa mundo. From overacting to insanity. Ayan tuloy isa na ako sa mga sira ngayon. AND THEY LIVE HAPPILY EVER AFTER���� "ALSO READ TETENG AND IVAN'S STORY. MAY MAPUPULOT KAYONG ARAL DOON. BAKA MAY MAPALA PA KAYO!"


home

Hosted by www.Geocities.ws

1