Lei:
Nung bata pa ako sabi ng isang kaibigan, sa madaling araw
nagtitipun-tipon ang mga anghel para magdasal. ‘Pag nagpaputok ka sa
mga oras na ‘yon, makukuha mo ang atensyon nila at matutupad ang
kahilingan mo.
Jing:
Nung naroroon pa ‘ko sa France, may kasabihan do’n. Ang bawat isa,
dapat may magandang pares ng sapatos. Dahil ang sapatos na ‘yon ay
dadalhin ka sa pinakamagagandang lugar.
Ah
Si: Ang ibig sabihin ng Meteor na napapaligiran ng liwanag ay gamit nito
ang pakpak ni Kupido.
Shan
Cai: Ang liwanag na sinabi mo ay pakpak ng pag-ibig?
Ah
Si: Um, kaya ‘pag nakita ng mga nag-iibigan sa buong mundo ang meteor
na ‘yon bago ito bumagsak, mas titibay ang pag-ibig nila… na parang
naka-lock ng mahigpit sa pakpak ni Kupido. Magkakatatak na ang pag-ibig
nila habang buhay.
Shan
Cai: ‘Pag nagpapalipad ka ng saranggola, para kang may tinitingnan sa
malayo sa kinatatayuan mo. Parang hindi masusukat ang layo. Pero ang
puso, hindi dapat mawalan ng pag-asa dahil alam mo, hawak ng mga kamay
mo ang tali. Tulad din ng kapalaran ng tao, nagsisilbing gabay.
Lei:
Noong bata pa ako, tinuro sa akin ng isa kong kaibigan kung pa’no
tumayo nang pabaligtad sa tuwing naiiyak ako... para hindi na tumulo ang
luha.
Ya
Men: Nakatakda nang mangyari sa mga tao na pagkatapos ng tatlong taon,
maglalaho na ang pag-ibig.