Ang Websayt na Ito

 

Mayo 5, 2003 nang unang natunghayan sa bansa ang seryeng ngayo'y pinagmulan ng taguring 'chinovela.'

  

Sa may isang linggong observasyon, kapansin-pansin ang matinding paghatak nito sa mga manonood. Noong mga panahong iyo'y kasalukuyan akong nababato sa aking vakasyon. Kaya naman, upang matugunan ang biglaang kagustuhan at hangarin nang maraming kabataang manonood, sinimulan kong pag-isipan ang tungkol sa websayt na ito.

 

Halos buong araw akong nag-internet upang mangalap ng mga larawan at informasyon ukol sa kinalolokohang METEOR GARDEN (MG). Pagkatapos nito, sinimulan ko na ang pagdidisenyo sa mismong websayt na kasabay naman ang aking pagsasalin sa mga banyagang teksto patungo sa ating sariling wika.

 

Kasingbilis ng pagsikat ng panoorin ang pagdami ng visita sa aking websayt. Sa tulong nang ibang nakilala sa ilang chatroom na may kaugnayan sa MG, nagtuluy-tuloy na nga ang mga pagbabago rito. Minsan na itong humawak nang isang grupo na tinaguriang METEOR GARDEN CLAN. Subalit dulot ng problema sa oras, ang angkan ay lumipat sa isang yahoo group.

 

Bukod dito, mayroon ding kaugnay na forum ang websayt na ito. Sa forum ay malaya ang lahat na pag-usapan hindi lamang ang mga tungkol sa MG kung hindi pati na rin sa kani-kanilang favoritong tauhan sa palabas. Gayunman, ang kalayaan sa kanilang pamamahayag ay limitado sa hangganan ng wastong asal sa pakikitungo at pananalita.

 

Ang isang bagay na nais kong bigyang diin ay may kaugnayan sa mga materyal na naririto. Totoong ilan sa laman nitong websayt ay hindi mula sa aking orihinal na pag-aari. Kaya naman pinaaabot ko ang aking pasasalamat sa maraming websayt na siyang sandigan ng websayt kong ito. Gayundin sa mga visitang nagbibigay tulong upang mabago at mapaunlad pa ang diwa nitong taglay.

 

Sinadya kong gamitin ang ating wika sa pagbuo ng mga pilas ng de-dagitab na koleksyon ng mga pahinang ito. Ito ay sa layong pagtulong na iangat ang antas ng ating salita. Hindi po Tagalog ang aking gamit kung hindi Filipino. Bilang karagdagan, ang midyum ay batay sa revisyong ginawa rito noong 2001.

 

Ngayon, nasa ikatlong mukha na ang websayt kong ito. Ngayon, patuloy na lumalawak ang lahat dito. Mayroon ng mga galeriyang katutunghayan ng mga eksenang mula sa serye, tagboard para sa mas interaktivong ugnayan ng mga visita, mga pwedeng i-download na screensavers, icons at wallpapers. At sa mga paglipas pa ay patuloy pa ring pinauunlad ang lahat.

 

Bunga nang minsang pagkabato, narito ang likhang nagtitibay para sa mga Pinoy!

Mga Petsa sa Kasaysayan

 

Marso 13, 2003

Inilathala ang unang mukha ng websayt na ito. Ang websayt na ito ay taglay ang mga pangunahing datos para sa MG1. Laman nito ang mga larawan at informasyong hango sa iba't ibang banyagang websayt.

 I-klik upang lumaki. 

 

Hulyo 13, 2003 - Inilabas ang ikalawang mukha ng websayt na ito bilang pagtugon sa mas lumalagong pangangailangan ng mga visita. Ito ay mas malawak na sapagkat nagtitibay na rin ang kaugnay nitong forum sayt at yahoo group. May tagboard na rin sa ayos na ito.

I-klik upang lumaki.

 

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1