|
Buod ng Meteor Garden 1
Nagkaroon ng sandaling nagtagpu-tagpu ang landas nina Shan Cai at iba pang miyembro ng F4. Ang oras na ito ang naging daan tungo sa isang masalimuot na ugnayan. Sa simula, nabuo ang pagtingin ni Shan Cai kay Hua Ze Lei dahilan sa pag-aakalang kaiba ito sa tatlo. Tahimik nga si Lei at walang pakialam sa iba. Gayunman, nang magkaharap na sila ni Dao Ming Si, siya naman ang napagtuunan ng kakaibang pag-ibig nito. Dahilan din kay Shan Cai, nagkaroon ng di magandang pagkakaunawaan ang F4 sa kauna-unahang pagkakataon.
Sinubukan ni Dao Ming Si na ligawan si Shan Cai subalit ayaw nga talaga ng dalaga rito. Nang mga panahong nasa France si Lei kasama ni Jing, inanyayahan ni Dao Ming Si si Shan Cai na lumabas. Pumayag si Shan Cai bagaman ayaw nga niya kay Dao Ming Si. Ang pagpayag namang ito ni Shan Cai ay inakala ni Dao Ming Si na katumbas ng pagpayag nitong maging girlfriend niya. Samantala, nang mga sandaling iyon ay si Lei pa rin ang laman ng isip ni Shan Cai.
Nagbalik si Lei at mas naging magulo ang ugnayan nina Shan Cai at Dao Ming Si. Muli, nagkaroon ng di pagkakaunawaan sina Dao Ming Si at Lei. Ito ay matapos na mahuli silang dalawa ng Ah Si na naghahalikan sa kanilang bakasyon sa Okinawa.
Sinubukuan ni Dao
Ming Si na ipaalis sina Shan Cai at Lei sa Ying De at pinilit niya ang
prinsipal ukol dito. Ang kapatid niyang babae na si Dao Ming Zhuang ay
inisip na talagang naloloko na ang
Nagpasya si Dao Ming Si na magpunta sa New York upang mag-aral sa pag-aakalang may unawaan na sina Shan Cai at Lei. Nang malaman ni Shan Cai ang tungkol sa pag-alis ni Dao Ming Si, hindi niya ito nagustuhan sa hindi maipaliwanag na dahilan. Bago tuluyang sumakay sa eroplano si Dao Ming Si, sinabi ni Lei sa kanyang siya (Dao Ming Si) talaga ang gusto ni Shan Cai. Habang umaandar ang eroplano, paulit-ulit na naiisip ni Dao Ming Si ang sinabi ni Lei at sa huli ay nabuo ang loob na huwag ng tumigil sa New York.
Lumapag ang eroplano sa New York at muli naman siyang sumakay sa sumunod na lipad ng eroplano pabalik ng Taiwan. Nang pauwi na si Shan Cai mula sa pinagtratrabahuhang bakery, nadatnan niya si Dao Ming Si na nakatayo sa may kanilang bahay. Sinabi nitong bumalik siya dahil mahal niya ang Taiwan, pero sa totoo lang, ayaw niyang iwan si Shan Cai. Nakita sila ng nakatutuwang nanay ni Shan Cai at niyakag sila sa loob ng bahay upang magpahinga. Ang bawat sumunod na tagpo ay nagpatibay sa mga nararamdaman nina Shan Cai at Ah Si para sa isa't isa.
Pagkatapos ng insidenteng iyon, nagtungo si Dao Ming Feng sa London para sa isang pulong na may kaugnayan sa negosyo. Naiwanan namang mag-isa sa bahay si Shan Cai dahilan sa lumipat ang mga magulang niya sa isang tabing dagat. Pinilit ni Dao Ming Si na tumigil si Shan Cai sa kanilang mansyon. Nang inuwi ni Dao Ming Si si Shan Cai, si Auntie Jade na matagal ng katiwala sa bahay ay naroon. Pinagtrabaho niya si Shan Cai kapalit ng pagtigil nito. Di nagtagal, nakita ng matandang mabuting bata si Shan Cai at malayo ito sa mga sinasabi ni Dao Ming Feng. Isang gabi, dinala ni Dao Ming Si si Shan Cai sa kanilang balkonahe, gamit ang isang telescope, nanood sila ng meteor rain. Binigyan niya ng isang napakagandang kwintas si Shan Cai at humingi ng isa pang pagkakataon. Bagaman kapwa nawiwirduhan sa kanilang kondisyon, nagkasundo silang ititigil ang relasyon matapos ang dalawang buwan kung walang mangyayari.
Hinanap ni Shan Cai ang kanyang mga magulang sa tabing dagat. Doon, nakilala niya si Ah Song. Naging magkaibigan silang dalawa. Ang kanilang kani-kanyang istorya sa pag-ibig ang nagpalakas ng kani-kanilang loob upang harapin ang mga pagsubok sa buhay. Ilang araw, natagpuan nina Lei at Qing He kung nasaan si Shan Cai. Pinilit nilang bumalik ito. Sa pagbalik ni Shan Cai, pilit itong umiiwas sa tuwing makikita si Dao Ming Si. Samantala, napagtanto niyang walang mangyayari kung patuloy siyang lalayo. Kaya naman hinarap niya si Dao Ming Si at isinauli ang kwintas. Ngunit itinapon ito ni Dao Ming Si sa isang fountain. Pagkaalis ni Dao Ming Si, nagpatulong siya kay Lei upang maibalik ang kwintas. Gumawa ng paraan si Lei para maayos ang lahat. Sinubukan niyang pagselosin si Dao Ming Si pero hindi ito umubra. Subalit sa loob ni Dao Ming Si ay nagseselos ito. Sa pag-uwi ni Shan Cai sa bahay na tinutuluyan, nakita nila ni Lei ang mga ilaw na nakahugis kagaya ng kwintas na ibinigay sa kanya ni Dao Ming Si. Labis siyang naantig. Di nagtagal, kinailangan ni Lei na magtungo sa Japan upang tulungan ang ama sa isang negosyo.
Dinala ni Xiao Zi si Shan Cai sa isang blind date. Isa sa naroon ay si Qing Yong na ang bawat galaw ay nagpapaalala sa kanya ng mga gawi ni Dao Ming Si. Sinabi ni Qing Yong na pinsan niya si Dao Ming Si gayong ang totoo ay binayaran lamang siya ni Dao Ming Feng upang magkahiwalay sina Dao Ming Si at Shan Cai. Sa pagdating ni Qing Yong, na sa tunay ay nagngangalang Ya Men, lalo lamang naunawaan ni Shan Cai kung gaano niya kamahal si Dao Ming Si. Nagbalikan sila at masayang nagsimula muli.
Nang mga panahong iyon, ang matalik na kaibigan naman ni Shan Cai na si Xiao You ay dumaranas ng mga pasakit. Labis itong umiibig kay Xi Men mula nang siya ay tulungan nito laban sa rati niyang boyfriend na walang kwenta. Nang mga sumunod na tagpo ay hindi naging maganda ang pakikitungo sa kanya ni Xi Men. Matapos gugulin ni Xiao You ang isang gabi sa piling ni Xi Men, umalis siya kasama ang buong pamilya na maninirahan na sa Canada.
Isang gabi, matapos ihatid si Shan Cai, kinidnap siya ng mga tauhan ng ina. Ikinulong siya sa kanyang kwarto at itinakdang makasal kay Xiao Zi. Sinubukan ng mga kaibigan (Lei, Xi Men, Mei Zuo) na iligtas si Dao Ming Si subalit sila ay nabigo.
Nagtungo si Xiao Zi kay Shan Cai at sinabing ipaubaya na si Dao Ming Si. Sinabi rin niyang ayaw kumain at uminom ni Dao Ming Si. Nakadepende na lamang ito sa medikasyon. Nagpasya si Shan Cai na kausapin si Dao Ming Si. Pumayag si Dao Ming Feng subalit sila ay nag-usap nang hindi nagkakakitaan. Nasa kwarto si Ah Si, samantalang nasa labas, sa may pinto si Shan Cai.
Tinanong
ni Shan Cai kung dapat na ba nilang itigil ang pagkakaunawaan. Sinabi ni
Dao Ming Si na kung ayaw na niya, dapat ay sa simula pa nang magka-break
sila ay hindi na sana siya nagpilit ayusin ang lahat. Dahilan dito, nabuo
ang loob ni Shan Cai na harapin ang problema. Kung ayaw kumain ni Dao Ming
Si, hindi rin siya kakain. Sa pangyayaring ito, nabwisit lamang si Dao Ming Feng. Sa labas, nagtigil sa kalye kinagabihan si Shan Cai
sa kabila ng matinding buhos ng ulan. Nakita ito ni Dao Ming Feng at sinubukan
lamang kung hanggang saan ang itatagal ni Shan Cai. Dumating si Dao Ming
Zhuang at pinagsabihan ang ina na si Shan Cai ang pinakamabuting taong
nakilala niya.
Kinaumagahan, masayang ibinalita ni Auntie Jade kay Shan Cai na umalis na si Dao Ming Feng. Nagpunta kaagad si Shan Cai sa kinaroroonang silid ni Dao Ming Si. Nawalan siya ng malay sa mga bisig nito at nanumbalik ang mga sandaling sila ay magkasama. |