Before anything else, make sure your monitors resolution is set to 800x600.

Ano 'yan! Ano 'yan! Bakit ganito ang title ng write up na 'to? Itanong n'yo kay Rodel na taga Batangas Backpackers. Its cause might have something to do with the combination of gin and lambanog. Kinulang lang ng tagay ata si Rodel o nasobrahan hikhikhik. Pwede mo na ring tawagin na friendship climb 'to. Nandyan ang MESAU, Globe Adventure Club, UP Org, MAENOC, Balisong, Loyola, PALMC, CMC, OMC and of course our host the Batangas Backpackers who is currently applying for membership with the MFPI. Umaga pa lang marami ng nangyari sa 'min.

Ang hirap gumawa ng article, buti na lang maraming pictures na kuha sa climb...
 


    

This is the first resting stop. View here is ok. From here you could see the camp site and vice versa. You could also see Talim Island. Tingnan n'yo si Richard, hindi humihinga, tinatago n'ya yung mga taba nya.

    

Socials agad. Ano pa ba ang gagawin mo sa itaas? Matulog? Baliw! Hindi kami nagpakahirap umakyat para matulog lang sa itaas.

    

It is already early in the morning. Tuloy ang kasiyahan at inuman. Alak pa!

    

Pagkababa sa bundok, wash-up agad. Pagkatapos socials ulit!

    Ang galing mo Yay!

Ang ganda ng pwesto namin, tabi ng beach. Ang sarap tuloy mag-tagayan. YAY! ano yang ginagawa mo?! Naglalakad ka sa beach na naka...

    

Ang titino ng kuha namin dito o. Pinagbabato na kami ng mga locals kaya bigla kaming tumahimik. Na-culture shock ata yung mga locals. Hindi sanay makakita ng mountaineers cum alcoholic.

    

Pinagbabato na nga pero ang kukulit pa rin hehehe. Good.

    

Bakit kami nakasakay sa parang kulungan? Wala na kaming masakyang jeep na bumibyahe kaya naki-hitch na lang kami sa delivery truck ng lpg gas. Nakaupo kami sa tangke tapos malubak. Aray! S'yempre, as usual, nagtatagayan kami dito. Yung mga naka-kotse inggit sila k'se wala silang tagay sa 'min. Tinatagayan din namin yung driver para masaya. Mahirap ng masabihan na hindi kami nang-aalok.

Jessie and Gilbert. Happily married by Rodel.    Yay and Tirtir. Sweet naman...

Love team ng araw na 'to. Si Jessie at Gilbert na kinasal ni Rodel kinagabihan. Si Yay at si Tirtir. Ang swet-swet nila. Nilalanggam pa nga sila eh. Hulaan n'yo kung sino yung tinamaan sa apat sa kanila?


Kaya kayong mga mountain pipol, kung gusto n'yong makasama sa mga ganitong ala friendship climb, pumunta lang kayo sa Alberto's Grill and Restaurant located at 2119 F.B. Harrison St., Pasay City near Buendia every Wednesday from 6:00pm onwards. Tapos nyan pag lasing na tayong lahat, lilipat tayo sa Verve Room sa Nakpil St.,Malate para makipagyugyugan habang tumutugtog ang Spy band. You'll be surprised na marami ring baliw na mountaineers na pumupunta dito. Yun nga palang tungkol sa climb, walang registration dito at hindi rin exclusive sa mga select mountaineers. Sinong gustong sumama okey lang, EVERYBODY IS WELCOME! Di tulad ng ibang club dyan... hehehe. Magdala lang kayo ng maraming alak.


Acknowledgement: Sincere gratitude to the Batangas Backpackers for hosting us the second time around and to Aye for providing us with the pictures used here.



Return to Photo Gallery
Return to Tambayan ng MESAU Inc. main page

Get your free web site at Y!Geocities.
 
 
 
 
 
 
 

Hosted by www.Geocities.ws

1