JoKe JoKe JoKe
Mga kaibigan tunghayan po natin ang isang lihim na liham ng isa sa giliw nating ka tropa .Ang pamagat kasaysayang ito ay "WAG PO ITAYY"
Dear ka tropa,
Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Malakas ang ulan noon
nguni't maalinsangan ang simoy ng hangin.
Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at
nakatapis pa lamang noon.  Narinig kong kumakatok si Itay sa aking
pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan
daw naming mag-usap at humiling na papasukin siya.  Binuksan ko ang
pinto at siya'y kagyat na pumasok sa aking silid.
Laking pagkagulat ko nang ipinid niya at susian ang pinto. Hinawakan
ni Itay ang aking mga kamay,hinaplos-haplos niya ang aking buhok, ang
aking  mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa
aking  mga pisngi,sa aking mga labi.
Napasigaw ako. "ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!"
  Nguni't parang walang narinig ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata dahil ayaw
kong
makita ang mukha ng aking ama habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang
ginagawa sa akin.
  Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at nagpipilit na
ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan sa anak mo!
Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan".
Subalit wala ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay.
Nanatili na lamang akong walang katinag-tinag at ipinaubaya ko na
lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay.
Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking Itay. Iniharap
niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking pagkamangha at
pagkagulat sa aking nakita. Magaling naman palang mag-make-up si Itay.
Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya.
Labis akong nagalak sa galing at husay ng aking ama. Naisip ko na
matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong gumanda ngayon. Niyakap
ko si Itay at pareho kaming napaluha sa labis na kagalakan. Masaya na
kami ngayon at nabubuhay nang matiwasay.


Lovingly yours,
BADONG
back to main
OTHER JOKE
Teacher: What is the color of  my teeth?
Pupil: Pink!
Teacher: (nagtataka) Again, what is the color of my teeth?
Pupil: Pink!
Teacher: Shit, di ko pala suot ang  pustiso ko!
[email protected]
[email protected]
[email protected]
www.geocities.com
www.angelfire.com/creep/shinchan0
Hosted by www.Geocities.ws

1