|
O sadyang kayayabang., mga tinamaan ng lintek, akala mo kung sino ang mag wika ng ingles. pupulaan pa ang mga usal kong tagpi, ako daw ay bobo at mangmang sa ingles.
Anong magagawa di ako amerikano, at ang ingles na nalalaman ko'y napaka limitado Eh! ang niyayabang mo ba ay ganun din ka garbo? kasing milya ba ito ng mga kaibigan kong ka g-gwapo?
Oo na,magaling ka sa wikang banyaga. pero sa pakikisama ba ay ganun karin ba? dadami kaya kaibigan mo sa wika mong nangaalipusta? baka ang letrang tangan mo'y limitado din pala.
Pasalamat ka nga at may kaunti lang ang nalalaman dahil kung ako'y bihasa di kita uurungan kung sabagay,ngayon palang di kita pag titiyagaan, maging maalam man ako sa ingles,ibabasura kalamang.
Ako nama'y di tutol sa mga amerikano gusto ko lang ipadama sa mga tao sa mundo itong mga taong ito ay napaka delikado ang wikang sarili,kinahihiya sa kapwa pilipino. |
|