BACK
TO HOME PAGE | CLASS OF 67 | PHOTOPLAY | PHOTO
GALLERY
Elvie Lu - Faelnar "Met her on a Monday and my heart stood still. Da-do-ron-ron-ron, Da-do-ron-ron." Heto yung sikat na kanta noong mga panahong nakilala ko ang aking future partner. Bata ba siya, seksik na! We were both 18, mga bagito sa college - University of the East. Tandang-tanda ko pa ... Madalas kaming magkasabay sa bus. MD Transit. Yung kulay pula at ang body ay gawa sa kahoy at lawanit. Kapag papasok ako sa school, meron akong isang kaibigan na kaeskuwela ko pa since high school na madalas kong kasabay. Tiga Taft Avenue siya, sa harap ng Rica Theater siya sumasakay. Ang paborito niyang bus ay Super Transit, yung may asong naka-drawing sa tabi. Ang akin naman ay MD Transit, simple, kulay pula ang pintura na may stripe na itim at puti sa gilid. Madalas na topic ng usapan namin noon ay kung sino ang mas magaling na bus, MD o Super Transit. Natapos ang pagtatalo namin nang maunang mabangkarote yung Super Transit. Nag-iba na rin siya ng escuela kaya hindi na kami nagkakasabay. Nasa ganoong mode pa ako nang makilala ko si Elvie. Man, biglang nagbago ang aking pananaw. Mas masarap palang makipag-usap sa chick kaysa sa kalot. At ang napag-uusapan ninyo ay mga interesting at kakaibang bagay, hindi na bus at truck lang. Pero kamo, niloko po niya ako. Ganito yung story. Pareho kami ni Elvie na pang-hapon ang schedule. Lumalabas ng school around 6 pm. Dahil pareho ang sinasakyan namin, pareho rin kami ng abangan. First time na nakita ko siya, napansin ko agad yung mahaba niyang buhok (hindi sa ilong) at b-a-l-i-n-g-k-i-n-i-t-a-n niyang katawan. Ilang araw ko na siyang nakakasabay at gusto ko na siyang makilala. Tuwing mag-aatempt ako, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Lagi akong natitiyope. Hanggang isang araw, hindi ko na talaga natiis (dahil nakita kong kinausap siya ng isang kapwa pasahero, sabi ko sa sarili ko - baka pa ako maunahan). Kaya isang gabi, lakas loob akong lumapit at nakipagkilala sa kanya. Ang sama ng kalye sa Maynila noong araw. Kaya habang dumidiskarte ako, panay naman ang talbog namin dahil sa mabakong daan. Sukat bang sabihin niya sa akin na ang pangalan daw niya ay Laura. Sabi ko naman, Laura ni Lagalag? Tawa siya ng tawa. Ilang araw na ang tawag ko sa kanya ay Laura hanggang naawa yata, sinabi rin niya yung totoo. Pinatawad ko na siya agad. Sa totoo lang, ayaw ko ng pangalang Laura. At that time, police character ang dating sa akin. Kaya pasalamat ako't hindi yun ang pangalan niya. We went through college, nakatapos naman ng maayos. Nakapagtrabaho and later on, we decided to get married at the very old age of 20. Ang witness lang ay dalawa naming mga kaibigan at sa Manila City Hall kami nagpunta. Mga bata talaga, daring! Walang nakaalam sa mga magulang nami't kapatid. Talagang secret (sa kanila lang). Four years bago namin sinabi sa Tatay at Nanay niya na kami'y kasal na. Yoon ang unang kasal namin. We had another (church) wedding sa Don Bosco chapel 15 years later. We named our first born Tanya. Two years later, came Nadia. Akala namin tapos na. Yun pala, humabol pa si Korinna after four years. Mahirap man ang buhay sa 'Pinas, pilit naming nilagay sila sa St. Scholastica noong elementary nila. Afterwards, both Tanya and Nadia went to Manila Science High School. Hanggang sa lumipat na nga kami sa tate. Ngayon, Tanya is graduating Magna Cum Laude sa kurso niyang Occupational Therapy. Si Nadia, tapos na rin sa UCLA at si Korinna, nag-iisip pa, dahil nauna nang maghanap-buhay. Life is beautiful, ika nga. And we thank the good Lord for having blessed us with all the things (material and non-material) that we can afford or have the privilege to enjoy. Sa samahan ng mag-asawa, ang kailangan ay mahabang pasensiya at understanding. Ako naman daw ang may final say sa bahay - "Yes, dear". Kailangan bigayan. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. Para pantay, di ba? I guess Love means being able to accept all the sides (from the worst to the best) of one's partner in life. Kasama na doon yung paghahanda niya ng pagkain pagdating mo sa bahay, pag-aalaga sa mga bata, pagsisipilyo niya ng pustiso, pangungulit, pag-utot sa kama, etc., etc.
|
Nasa
ganoong mode pa ako nang makilala ko si Elvie. Man, biglang nagbago
ang aking pananaw. Mas masarap palang makipag-usap sa chick kaysa sa
kalot.
|