John
Pratts, may bagong ka-loveteam
by: Aya Martinez
MAY
bago ng ka-loveteam ang young actor na si John Pratts dahil talagang tsugi na
ang tambalan nila ni Heart Evangelista. Tinigbak na ang parehang ito dahil
kulang sa kilig factor at halos wala raw sa kalahati ng tambalang Bea Alonzo at
John Lloyd Cruz.
Okay naman sana si Heart at John kaya lang tipong kulang sa hatak, kaya
nagpasya ang istudyo na bigyan ng bagong partner ang young actor sa katauhan ng
baguhang si Maja Salvador. Pamangkin ito ni Philip Salvador at anak ng kapatid
niyang si Ross. Ngayon pa lamang ay marmai na ang umaasa na magki-click ang
bagong tambalang ito dahil sa kakaibang karisma na taglay ni Maja at sa
magandang chemisry nila ni John.