Pilipino Star: BABY TALK Ni Salve V. Asis

December 5, 2003


Kung malaki man ang nawala kay Jean Garcia nang masunog ang nire-rentahan niyang house sa La Vista, napalitan naman ‘yun ng sunud-sunod na blessing. "Puwede namang palitan lahat ng mga nawala. Ang importante, walang nangyari sa mga anak ko," she said sa presscon ng newest teleserye ng ABS-CBN, It Might Be You starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.

Bukod kasi sa It Might Be You, kasama rin siya sa pelikula ni Ai-Ai delas Alas na Volta under Star Cinema.

Ilang milyon din ang nawala sa kanya sa nasabing sunog kasama na ang isang Expedition na hindi niya napa-insure. Mahal daw kasi ang comprehensive insurance, so for 2003 hindi siya kumuha ng comprehensive, TPL lang. "Kasi naman for the last two years, insured siya ng comprehensive wala naman nangyari. Pagkatapos, no’n namang naka-TPL lang, bigla namang may nangyari," kuwento ni Jean. Medyo nag-kuripot daw kasi siya that time kaya ganoon ang nangyari.

Pero ayaw nang pag-usapan pa ng actress ang mga details ng mga nangyari. Gusto na raw kasi niyang kalimutan dahil baka magkaroon na naman ng problema sa kanila ng may-ari ng nasunog na bahay.

"Wag na lang nating pag-usapan. Baka magkaroon na naman ako ng problema. Ang abogado ko na ang nakikipag-usap sa kanila," sabi niya.

Anyway, once a month kung bumisita sa bansa ang husband niyang Hapones. Kaya nga forced to good siyang isara ang restaurant na binuksan niya dahil nalulugi na. "Hindi pala puwedeng pagsabayin ang business and career. Kailangan kasi sa restaurant, nakatutok ka. Hindi puwedeng iasa mo sa iba," she averred.

Kaya ngayon, concentrated na siya sa career niya at sa pag-aalaga ng dalawa niyang bagets, si Janica Alexis Garcia na anak niya sa dating actor na si Jigo Garcia at si Kutaro na 1 year and six months na. Kulang sa buwan as in six months lang si Kutaro nang ipanganak, pero ayon sa actress normal ang anak niya. Bihira kasi ang nakaka-survive na baby na ipinanganak ng six months kaya very thankful siya.

Anyway, ngayon ay sa may New Manila na sila nagri-rent ng house - four bedroom ito at mas cheaper ang renta kesa sa nauna niyang house.

At any rate, kakaibang Jean ang mapapanood sa It Might Be You. Hindi siya maldita rito na ginawa niya sa dalawang natapos na teleserye ng ABS-CBN. "I have a new role here, because Ola is such a different role for me and that makes it an exciting challenge," sabi niya.

Aside from John Lloyd and Bea, kasama rin sa It Might Be You sina John Prats, Tirso Cruz III, Bodjie Pascua, Sarsi Emmanuelle, Gardo Versoza, Baron Geisler and introducing si Maja Salvador.

It Might Be You will be directed by Gilbert Perez and Don Cuaresma.

Wala pang timeslot pero makakasama ito sa ABS-CBN Primetime Bida.

http://www.philstar.com/philstar/Pinoy200312067304.htm

 

Hosted by www.Geocities.ws

1