Another Salvador enters showbiz

ISA na namang Salvador ang inaasahang gagawa ng pangalan sa showbiz.

She’s no other than Maja Salvador, 16, anak ng dating aktor na si Ross Rival (real name: Rosauro Salvador).

Kakaiba ang paraan ng pagka-discover kay Maja bilang artista. Umapela si Maja kina Boy Abunda at Kris Aquino, hosts ng The Buzz, na tulungan siya para ma-locate ang kanyang ama whom she had not seen since she was five years old.

Ang kanyang appearance sa The Buzz ay hindi lang naging daan para magkita silang mag-ama muli (it turned out na may sakit si Ross), kundi naging dahilan para ma-attract sa kanya ang isa sa top guns ng ABS-CBN, si Charo Santos-Concio.

Charo had Maja summoned kaagad. In her mother’s presence, pati na ng ngayo’y talent manager niyang si Chit Ramos (who is also the talent manager of Mickey Ferriols), Maja was offered a contract.

Now, Maja is a mainstay ng bagong teleserye ng ABS-CBN 2 na It Might Be You, starring Bea Alonzo and John Lloyd Cruz. Not only that, Maja is also paired kay John Prats.

In It Might Be You, she plays Cara, na magkakaroon ng kaugnayan hindi lamang kina John Lloyd, Bea at John, kundi sa mga iba pang tauhan ng teleserye, na kinabibilangan nina Tirso Cruz III, Maritoni Fernandez, Gardo Versoza at Jean Garcia.

* * *

AWARE si Maja na tinitingala sa showbiz ang familia Salvador. In fact, na-meet na niya si Phillip Salvador, half-brother ng kanyang ama. One of these days, alam niyang she will cross paths with other Salvadors in showbiz.

Maja also has yet to meet Alicia Alonzo, the former wife ng kanyang amang si Ross. She looks forward na makasama si Alicia sa isang show, kung hindi man pelikula.

"Ang pangaral sa akin ng aking ama ay ang maging mapagkumbaba. At maging magalang sa mga nakatatanda sa akin," ani Maja.

* * *

TODAY is a red-letter day sa mga taga-Bahay Bata 163. They are holding a benefit concert called Once Upon A Christmas at the Meralco Theater at 7 tonight.

Talented young children ang pangunahing performers sa concert.

Kabilang ang acclaimed choir ng mga kabataang taga-Loboc, Bohol, na nanalo sa Europe at sa 6th International Folksong Choir Festival held this year sa Barcelona, Spain. Also in the concert are the talented young performers ng Ayala Foundation’s Center of Excellence (Centex) and child actors from the theater group Trumpet.

Ang magiging hosts ay sina Korina Sanchez, Aga Muhlach, Heart Evangelista, Jodie Santamaria at Drew Arellano.

The performers will include Regine Velasquez, Gary Valenciano and daughter Kiana, Bayani Agbayani, Sunshine Cruz, Vhong Navarro, Camille and John Prats, Marvin Agustin, Dominic Ochoa, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Ciara Sotto, Angelika dela Cruz, Agot Isidro, Troy Montero, Ayen Laurel, Robert Sena, Bituin Escalante, Ana Fegi, Rachel Alejandro, Lana Jalosjos, Antoinette Taus, Michael Josh Santana, King, and the finalists of ABS-CBN’s Star In A Million.

By NEL ALEJANDRINO

 

Hosted by www.Geocities.ws

1