TARAY
by Pacita M.
From: Taliba
Tuesday, November 09, 2004

Cry me a river ang naganap kina John Prats at Maja Salvador sa last taping
day nila ng It Might Be You noong Biyernes.

Nagpaalam na kasi si Cara (Maja) sa mahal niyang si Gian (John) pagka't
pupunta na siya sa America.

Naging masakit para sa magka-love team ang pangyayari, pagkat hindi lang
sa kanilang teleserye sila maghihiwalay, kungdi sa kanilang love team na
sumikat nang husto sa nasabing teleserye sa loob ng 7 buwan lamang.

Panay-panay nga ang haplos ni John sa likod ni Maja habang sila'y magkayakap
(sa eksena huh). Naapektuhan din siyempre ang binata dahil, kahit ma-dalas
silang mag-away ni Maja, eh, naging very close friend naman sila. Mas
matibay nga ang kanilang friendship, pagkat hindi ito kailanman nahaluan ng
ma-lisya.

Pati staff ng IMBY ay napaiyak din sa eksenang iyon kung kaya't
nagtuluy-tuloy ang iyakan even after the director shouted "out!"

John assured Maja na kahit maghihiwalay na muna ang kanilang projects ay
magtatagpo pa naman sila marahil in some ABS-CBN future shows. Meanwhile
kasi, magpo-focus na muna si Maja sa Spirits at si John naman ay sa
pelikulang The Anaders at Mano Po 3.

"Ang bilis kasing su-mikat ng batang iyan (Maja). Hayan tuloy, marami na ang
nakapapan-sin. Anyways, bida na siya sa Spirits together with other young
stars ng Star Magic, kaya't masaya na rin kami para sa kanya," wika ng EP ng
IMBY.

Actually, ayaw sa-nang tanggapin ng manager ni Maja ang project na ito sa
takot na baka hilaw pa si Maja para maging bida. Ayaw niyang too much, too
soon ang mangyari sa career nito. Mas gusto niyang slow but sure sana, pero
kinausap siya ni Direk Chito Roņo na hindi siya puwedeng tumanggi. Eh, sino
nga ba naman ang puwedeng tumanggi sa isang box office director?

Hosted by www.Geocities.ws

1