New generation of stars sa 'Spirits'
ITO ANG L8ST NGAYON! Ni Eric John Salut
Pilipino STAR Ngayon 11/04/2004
Isang bagong fantasy adventure ang ilulunsad ng ABS-CBN ngayong November. Ito ay
ang Spirits na pinagbibidahan ng walong kabataang artista na dumaan sa matinding
audition para sa kanilang respective roles. Ang walo ay kinabibilangan nina Maja
Salvador, Serena Dalrymple, Jiro Manio, John Wayne Sace, Rayver Cruz, Mico
Aytona, Michelle Madrigal at Joseph Bitangcol.
Ang Spirits ay kwento ng pitong kabataan na nabigyan ng ibat ibang powers
habang sila ay ipinanganganak sa isang bayan.
Sa Spirits balik-telebisyon si Chito Roņo. Yes so many years na hindi nagdidirek
sa telebisyon, balik ang award-winning director sa ABS-CBN.
Ideya ni Direk Chito ang Spirits. Aniya, gusto niyang magkaroon ng mga new
generation of stars sa telebisyon. Knowing Direk Chito, kilala ito sa pagdi-develop
ng mga kabataang artista.
Karamihan sa mga eksena sa Spirits ay kinunan sa Bicol. Yes, lumilipad ang buong
cast sa Bicol para sa mga importanteng eksena. Sometime mid November magsisimula
ang Spirits. Kasama rin dito sina Ricky Davao, Sandy Andolong, Cris Villanueva,
Maimai Davao at Lito Pimentel. Si Richard Reynante ang creative consultant at si
Shugo Praico naman ang headwriter.