ABOUT
SHOWBIZ Ni Nitz Miralles
Pilipino STAR Ngayon 09/14/2004
Birthday ni Maja Salvador sa October 5 at sa nasabing petsa’y 16 years old na
siya. Simple lang ang wish ng young star, ang magpatuloy sa magandang takbo ang
kanyang career at makasama ang amang si Ross Rival.
Masaya si Maja na bukod sa It Might Be You ay nakakapag-guest siya sa MTB: Ang
Saya-Saya at semi-regular siya sa ASAP. Pero, mas matutuwa siya kung sa kanyang
kaarawan ay makapiling ang ama na madalang niyang makita.
"Wala akong tampo at ‘di ako nagagalit kahit lumaki akong wala siya sa piling
ko. Lagi kasing ipinapaalala ng mommy ko na ‘wag magtatanim ng sama ng loob sa
kanya para mas gumanda ang kinabukasan ko. Nakakatawa lang dahil every after
seven years ko siya nakikita. I was 7 years old nang magkita kami after naming
umalis ng mommy ko sa bahay at 14 years na ako nang muli kaming magkita. ‘Wag
naman sanang pagsapit ko ng 21 years old saka kami uli magkikita. Ang
nakakalungkot lang, never kong na-experience niyang makipaglaro sa kanya,"
malungkot nitong wika. * * *