BABY TALK Ni Salve V. Asis
Pilipino STAR Ngayon 09/14/2004


Hindi naman pala totoong nanliligaw na ang binata nina Janice de Belen and Aga Muhlach na si Igi Boy sa young star na si Maja Salvador. Mismong si Maja ang nagsabi na once pa lang silang nagkikita ng binata ni Aga, sa Kooka Bar in Greenhills at pagdating ng gabi ay nag-bonding sila sa Libis. Pero hindi lang sila ang gumimik, kasama niya ang buong entourage, manager niyang si Chit Ramos at ang kanyang ina.

After that, bigla na lang siyang pinadalhan ng flowers sa isang presscon na ikinagulat niya. "Nang tingnan ko ang card, pangalan niya ang nakalagay," sabi ni Maja.

Actually, wala pa sa plano niya ang mag-boyfriend lalo na nga’t nagkakaroon sila ng problema sa Sn. Benildo dahil binigyan siya ng ultimatum na ten absences na lang ang pwede sa kanya. Kaya kailangan na niyang mag-transfer sa distance learning school ng ABS-CBN immediately. Graduating na si Maja ng high school this coming March kaya ayaw niyang matigil ang kanyang studies.

Tungkol naman sa kanila ni John Prats, react ng manager niyang si Chit Ramos, nang malaman daw nitong maraming umaaligid sa kanyang alaga, aba nagtatanong na kay Maja as if nagseselos.

Kung sabagay, sila kasi ang magka-loveteam sa It Might Be You kaya siguro nagre-react ang young actor. Si Maja kasi ang ipinalit na ka-loveteam ni John after Heart Evangelista.

At any rate, si Maja ang bagong endorser ng Navy/White shirts. Ka-level na niya si Alessandra de Rossi na previous endorser ng nasabing teen wear. First time ni Maja na magi-endorse na may ads kaya mas excited siya rito.

Available na sa all SM outlets and other stores nationwide ang Navy/White tops. * *

 

 

Hosted by www.Geocities.ws

1