BASTA
NITZ MIRALLES
People's Tonight

Maja Salvador is looking forward to her birthday on October 5. First birthday niya itong nakikilala na siya at may regular TV show, kaya, may dapat siyang i-celebrate. Tuwang-tuwa ito na hanggang December pa ang It Might Be You at kung hindi siya aalisin, ay hanggang sa buwang nabanggit ay may regular siyang kikitain. Three times a week din siyang lumalabas sa ASAP Fanatic kung saan naipapakita niya ang galing sa pagsayaw.

Maganda palang intrigahin si Maja dahil malulutong na tawa muna ang reaction bago itanggi ang involvement niya kina John Prats, Railey Valeroso at Igi Boy Muhlach.

"Ka-love team ko lang si John sa IMBY, hindi siya nanliligaw. Nakakahiya nga sa kanya at baka sabihing inili-link ko ang sarili ko sa kanya. Close friends kami noon at nagsasabihan kami ng problema."

"Friend ko lang si Railey. Friend kasi ng family niya ang manager kong si tita Chit (Ramos). Lumalabas kami pero, group date at 'di siya nanliligaw. Marami rin kaming magkakasama noong nakita kaming nagbu-bowling."

"Una naman kaming nagkita ni Igi sa birthday ni John Ling sa Club Filipino at 'di nga kami ipinakilala sa isa't isa. Muli kaming nagkita sa Kookoo Bar sa Greenhills na pagmamay-ari ni tita Pilita (Corrales). Kasama niya ang mommy niya (Janice de Belen) at kasama ko si tita Chit at doon lang kami nagkakilala. Wala pa sa isip ko ang mag-boyfriend, trabaho muna't marami akong pangarap," paliwanag ni Maja.


Sunday, September 12, 2004

Hosted by www.Geocities.ws

1