People's Tonight
by: Nel Alejandrino
July 19, 2004
 

MAJA Salvador is, no doubt, a star to watch. At 14 going on 15, nagpapakitang gilas na siya sa pag-arte. She is proving na isa nga siyang tunay na Salvador.

Sa mga sumusubaygay sa top teleserye na It Might Be You on ABS-CBN 2, Maja is becoming a revelation, wika nga. Aba, sa isang eksenang magkasama sila ni Jean Garcia, one of our better actresses, she was able to hold her own.

Ang maganda kay Maja, waring hindi siya nag-i-exert ng effort kung umarte. Ang galaw niya ay natural. Kahit ang pag-deliver niya ng kanyang dialogue ay masasabing timpladong-timplado. Parang 'di minemorya.

Nagagandahan din kami kay Maja. She may not be extraordinarily beautiful, but hers is the kind of beauty that grows on the one looking at her.

I doubt if Maja is aware na may auntie siya — kapatid ng kanyang amang si Ross Rival — na ang screen name ay Chona Sandoval, who was a beauty in her time. Dating LVN star, she was dubbed the Aubrey Hepburn of the Philippines.

Kahit ang ama ni Maja na si Ross was one of the better-looking actors of his generation. Sayang nga lang at may sakit si Ross. Kaya 'di na maipagpatuloy ni Ross ang kanyang pag-aartista, gustuhin man niya.


thnx chum... ok... u know, kilala ka ni maja kc lague rin syang nagvivisit sa site mo 4 john prats... at there was this time na sabay kameng nag nternet dalawa, at ako mismo, kita ko na bukas sya sa site mo.. lague rin syang nag chechek ng yahoogroup nya, kya kilalang kilala ka nya... maraming salamat....

Hosted by www.Geocities.ws

1