John, Hapi Na Kay Maja
by: Liza Endaya
Matagal na palang magkakilala at nagkasama pa noon sa Ang TV sina John
Prats at Geoff Eigenmann. Kaya kung pinagtapat man sila over Heart
Evangelista, mas umiiral ang kanilang pinagsamahan noon kesa
magpaapekto sa mga intriga sa kanila ngayon.
"Kilala ko si Geoff, mabait si Geoff. Nung huli ko siyang makita, bata
pa kami, sa Ang TV," ayon kay John.
Former at present ka-loveteam kasi ang mga ito ni HEart, that's why.At
sympre, di maiiwasang maipagkumpara ang dalawa. Mismong si Heart nga
ang nagsabing finally ay nagtagpuan na niya ang knayang ka-loveteam na
talagang bagay sa knay in the person of Geoff.
Kaya naman, curious ang lahat sa magiging reaksyon ni John tungkol
doon.
"Kaswak niya? Ako rin, e, nakita ko na yung ka-love team ko. OKey
naman, at least I'm happy for her na ganon. Wala namang kaso yun, okey
lang. Ayos lang," very cool at kaswal sa sinabi ni Heart.
At kung marami manng nagsasabing baka mauwi rin sa magandang samahan
ang partnership nina Heart at Geoff onscreen, "Ayoko kasing mag-comment
sa knaila, sa kanila yun, e. Basta ako, happy ako ngayon kay Maja,
kuntento," pagtatapat pa ni John.
Si Maja Salvador ang ka-lovetam ni John sa It Might Be You. And in
fairness, bagay din silang dalawa at maganda ang chemistry nila sa
harap ng kamera. Puring-puri ni John ang kanyang bagong ka-loveteam.
"Mabait, sobrang bait. Pag kausap mo, talagang matalino. Masarap kausap
kasi may sense. Kahit ano, puwede nyong pag-usapan," description pa ng
aktor sa kanyang partner.
Samantala, nang hiningan naman ng reaction si Geoff tungkol sa sinabi
ni Geeff tungkol sa sinabi ni Heart, "Siyempre, sobrang flattered ako,
kasi may mga naka-love team na siya before and I guess they're okey.
Pero ngayon, according to her, happy siya na nakahanap siya ng bagay sa
kanyang, so, happy din ako," ayon kay Geoff.
At nang mabanggit naman sa kanya ang tungkol kay John na dating partner
ni Heart, "We don't have any blood naman between us. This is just work,
man! Peace tayo, no problem"! mensahe ni Geoff kay John.
Hindi raw niya gustong maintriga at para sa guwapong anak nina Gina
Alajar at Michael de Mesa, di naman dapat bigyan ng kulay dahil trabaho
lang talaga! So there.