Kung si Heart ay Geoffrey, si John Naman ay May Maja
by: Joey Diego

While Heart Evangelista is being paired with Geoffret Eigenmenn, nauna nang binubuild-up ng ABS-CBN ang tandem nina John Prats at Maja Salvador who's making a group of fans na talaga namang nakatutok sa daily show nilang It Might Be You. Going strong na ang team up nila kaya asahang mas lalong magiging interested ang maraming executive producers ng iba't ibang show ng ACS-CBN na i-guest ang dalawa sa mga shows nila.

Aside from John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, plus factor na ring masasabi ang John-Maja loveteam sa show dahil lately ay puro nakakakilig ang mga eksena nilang dalawa. Unti-unting nabubuo ang chemistry nila kaya posibleng mag-move on ang dalawa interms of loveteam at maihelera sa pinakasikat na loveteam sa ngayon.

When we had the chance to talk to John, sabi niya sa amin, na noon pa man, excited na syang makapareha si Maja. Noong sinabi sa kanyana ito ang magiging ka-loveteam niya simula ng mabuwag ang dating tambalan nila ni Heart, naging magaan ang pakikitungo niya kay Maja although noong una ay asiwa siya dahil mas bata ito sa kanya pero later on, na-develop ang friendship nila at nagkaroon sila ng bonding.

Medyo elite ang dating ni Maja kung titingnan pero masang-masa ang dating nito kapag wala syang make-up. Sabi ni John, mas bagay kay Maja ang simpleng get-up at simpleng ayos nito. Attracted kasi siya sa babaeng simple lang.

According to Maja, intimidated siyo noon kay John dahil sikat na sikat na ito pero noong nakilala na niya, napaka-down-to-earth pala at madaling maging kaibigan. Inamin niya na naging madali ang adjustment niya kay John kaya ngayon, close na close sila.

Naimbitahan kami sa pictorial ng dalawa through Manong Gilbert Perez at Manay Chit Ramos na may pakana ng pictorial nila.
 

Hosted by www.Geocities.ws

1