Tambalang John Pratts at
Maja Salvador, May Hatid Na Kilig
KUNG kinakikiligan daw ang loveteam nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, ganoon
din ang epek ng tambalang John Pratts at Maja Salvador. Magkakasama sila sa
sikat na teleseryeng It Might Be You sa Channel 2 at ngayon daw napagtanto ng
management na panahon na para pagandahin ang tambalan nina John at Maja.
Noong una kasi ay bantulot pa ang Dos dahil identified pa si John kay Heart
Evangelista, pero ngayon ay kitang-kita raw na tanggap na ng mga fans ang bagong
ka-loveteam ni John. Marami pa ring fans si John sa una niyang loveteam, pero
ngayong si Maja na ang laging nakikitang kasama niya sa mga eksena sa
telebisyon, lumilikha na ng kilig ang pagsasama ng dalawa. Sa isang banda, si
Heart Evangelista naman ay balitang magkakaroon din ng isang teleserye na kasama
sina Kris Aquino, Dina Bonnevie at John Estrada.