Si Maja Ang Ipapalit ni John Kay Heart
by: Pacita M.

Kung my Richard Gutierrez at Lucky Manzano na ngayon si Heart Evangelista, dumating naman sa buhay ni John Prats sina Jenny Hernandez at Maja Salvador. Kaya wala na sana munang kokontra sakali mang napagkikita si John sa ilang malls na kasama si Jenny (yes, she is that girl from MTB: Ang Saya Saya at nakikihataw sa pagsasayaw kay Maja sa It Might Be You)

Eksperimento lang noong una ang pagtatambal nila John at Maja sa pataas nanng pataas na rating na teleserye. Pero, kinilig ang buong Pilipinas, lalo na noong nakaraang Linggo, kung saan sa isang dance sequence lamang ay sangkatutak na emails agad ang natanggap ng ABSCBN, ganon din ang inyong lingkod.

Pawang na humihiling na ulitin ang pagbabalabas ng eksenang iyon at partnerin ang dalawa sa lahat ng musical variety shows ng ABSCBN. Dance partners silang tatanghalin at new love team in the making kuno.

Hindi na kailangang gimikan pa silang dalawa na nga ngayon o baka mahulog ang loob nila sa isa't-isa. Sapat na raw na nakasasayaw sila sa tugtog nang sabay. Isa pa, hit naman ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo kahit hindi talaga sila sa tunay na buhay. Puwede ring ganon sina John at Maja, di ba?

Anyways, nakita sina John at Maja noong Lunes sa St. Lukes's Hospital nang isugod ang mahal nilang direktor na si Gilbert "Manong" Perez. Nauna sympre si John at simunod naman si Maja. Pareho silang nagbantau noong nasa emergency room ang mabait na direktor.

Panay-panay ang tingin sa kanila ng mga tao kahit dis-oras na ng gabi (madaling araw na yata). Hindi rin sila umalis hanggang hindi nila natiyak na stable na ang condition ni Manong.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1