Pilipino Star Ngayon - Pebrero 4, 2004

Maja, Niregaluhan ng Altis ng Japanese Stepfather Niya

 

Hindi pa pumapasok ang character ni Maja Salvador sa teleseryeng It Might Be You kung kaya understandable kung hindi pa pamilyar ang mga manonood ng TV at maging ang tagasubaybay ng local movies sa kanyang mukha't pangalan.

 

Pero, once na dumating na si Cara, ang kanyang gagampanang role, tiyak, pagkakaguluhan siya. Hindi lamang dalahilan sa kilala ang dinadala niyang pangalan sa mundo ng show business at ito ay hindi isang screen name kundi tunay na apelyido ng kanyang ama na ipinasya niyang gamitin sa kanyang pagpasok sa mundo ng pinagharian ng marami sa kanyang kamag-anak.

 

Si Cara ang gagawing singer ni Maritoni Fernandez sa naturang palabas, sila ni Bea Alonzo. Siya rin ang sinasabing magiging bagong kapareha ni John Prats, na tinututulan ng mga tagahanga ni Heart Evangelista kung kaya ngayon pa lamang ay intriga na nila siya.

 

"Hindi ko pa po alam ang magiging extent role ko, kung magiging magkapareha nga kami dahil wala pa pong sinasabi sa akin. Basata ang alam ko, magiging discovery ako ni Maritoni," sabi ng napagandang 15 taong gulang na baguhan.

 

Anak si Maja ng dating aktor na si Ross Rival, isang salvador pero, pitong taon silang di nagkikita dahilan sa probinsyasila naninirahan ng nanay at kapatid. Kung hindi dahil sa programang The Buzz ay baka di pa sila magkikitang muli ng kanyang ama. Pero, sa minsang paglalabas sa naturang palabas ay nabanggit niya ang di nila pagkikita ng ama, ang kapatid ng kanyang ama na si Philip Salvador ang gumawa ng paraan para sila magkita.

 

When asked bakit ngayon lamang niya tinunton ang ugat ng kanyang pamilya sa side ng kanyang ama, sinabi ni Maja na "Nahiya akong lumapit sa kanila nun kasi baka sabihin nilang nanghihingi ako. Hindi pala ako dapat magkaroon ng ganung damdamin dahil sa napakabait nila. Winewelcome nila ako with open arms. Dun ako nag-spend ng Christmas kina Tita Alice (Alicia Alonzo, ina ni Jon Hernandez at naging asawa ng kanyang ama.). "Iniimbita niya akong dun tumigil sa kanya dahilan sa ang kanyang anakay nasa Amerika na pero, sabi ko walang makakasama ang mommy ko't brother."

 

Mabait naman ang nakapangasawa ng kanyang ina,, isang Japanes businessmanna nakilala nito nung kumakanta pa ito sa Japan. Mabait ang kanyang stepdad, ito ang tumatayong ama niya at nagpapa-aral sa kanila ng kapatid niyang si Kirby na ngayon ay walong taong gulang na. Simula pa nung maliit siya. Kaya lamang ay mas madalas ito sa Japan dahilan sa nag-aasikaso ito ng negosyo dun pero, nangmalamang mag-aartista siya ay ibinili siya nito ng kotseng Altis.

 

And paglabas niya sa The Buzz ang nagbukas sa kanya ng pinto para siya makapag-artista. Nakita siya ni Charo Santos sa show at ipinatawag siya't pinag-audition.


 

Hosted by www.Geocities.ws

1