KATIPUNAN NG MGA SANGGUNIANG MAG-AARAL SA U.P.
 KASAMA SA U.P.

 
Ang KASAMA sa UP ay isang bukluran ng mga sanggunian ng mga mag-aaral na nakabase sa Unibersidad ng Pilipinas. Ito ang kauna-unahan, pinakamalawig at pinaka-komprehensibong bukluran sa pamantasan. Pambansa ang siyang sinasaklaw nito, sakop nito ang kabuuan ng UP system—10 yunit magmulang UP Baguio hanggang UP Mindanao.

Ang KASAMA sa UP ay tumitindig upang :
a. pagkaisahin ang lahat ng Sangguniang Pampamantasan at Pang-kolehiyo sa UP system;
b. kumilos para sa pagpapabalik at pagpapanatili ng mga tunay na sanggunian ng mag-aaral sa lahat ng kolehiyo at pamantasan sa kalakhan;
c. magsilbi bilang forum para sa mga sentimiyento at interes ng buong katawan ng mga mag-aaral sa UP;
d. isulong at pangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga mag-aaral at mamamayan;
e. isulong ang isang makabansa at para-sa-taong kamalayan sa mga mag-aaral ng UP;
f. pagkaisahin ang sambayanang Pilipino sa pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya.

Ang KASAMA sa UP ay naniniwala na ang ating kolonyal, represibo at komersyalisadong sistema ng edukasyon ay dulot ng atrasadong-agrikultural, pre-industriyal at banyagang-dominadong lipunan.

 

 
                                 
                                 
 

Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa U.P. National Congress 2008


October 23 to 27, 2008
Mintal, Davao City


*for details, please contact the KSUP Secretariat at 0917.501.8444 (Hannah)

Hosted by www.Geocities.ws

1