I have to dig up old poems (love lost, dead dreams, longings to post here....be patient and visit once in a while)

 

Alaalang People's Service Corps

 

Naaalala nyo pa ba...

Ang lamesang blue na pinaitim na ng panahon?

Nag siyang saksi sa saya at lumbay sa Palma Hall noon

 

Naaalala nyo pa ba...

Ang ikatlong palapag ng bulwagang Palma?

Matiyaga't maya-maya inaakyat nang tayo'y magkasama-sama

 

Naaalala nyo pa ba...

Ang logbook na nawala ng ating samahang PSC?

Puno ng minutes, doodles, at tula sa mga pinipintakasi

 

Naalala nyo pa ba...

Ang bench na mahabang, kulay brown?

Na kung sino man ang umupo at tanggal ang kanyang frown (this is getting worse!)

 

Kung naaalala nyo pa nga

Ang lahat na ito

Naaalala nyo rin kaya

Ang mga nakasama nyo

 

Nakipagsaya,

Nakitawa

Naki-kain

Naki-kanta

Naki-gawa

Naki-aral

Naki-isa?

 

Salamant sa mga ala-ala.

back to My Writing Page

Hosted by www.Geocities.ws

1