HUWAD ANG LARAWAN by Ailen Polan Ilang kulay na ba ang iyong naipinta? Kulay na kinuyom ng iyong mga malalapad na palad Pinilit mong pigilan Pinilit mong itikom ng mahigpit ang iyong kamao Inilabas ang mga ugat ng iyong mgs braso't kamay, Wala ka ring nagawa pagkat Nagpupumiglas, naghihiyawan ang mga kulay Nais kumawala sa iyong sariling mundo At sabugan ng kulay ang huwad mong larawan Huwad ang larawan, huwad ang iyong larawan! Walang kulay, walang buhay! Pakawalan mo ang mga kulay! Pakawalan mo ang iyong buhay! Pakawalan mo ang nagsisilakbong damdamin! Huwag mong pigilan ang mga kulay! Bigyan mo ng kulay ang larawan mong huwad.