PRAYMER HINGNGIL SA BALIKATAN 02-1
Ang Panghihimasok ng US



Ang US ang nag-iisang "superpower" sa mundo, ngunit ang pag-atake sa Twin Towers at pentagon ay napakalaking insulto sa isang imperyalista. Sa pagpapahayag ng US sa "digmaan laban sa terorismo," isinama ang Pilipinas sa panghihimasok ng US sa iba't-ibang bansa. Ano ngayon ang kinalaman ng Balikatan 02-1 at agresyon ng US sa Pilipinas?

  1. Ano ang Balikatan?
    Ang Balikatan ay isang pagsasanay militar ng mga tropang US at Pilipino na tinatawag ding "Kalayaan-Agila 2002." Ito ay lalahukan ng 660 tropang Amerikano kung saan ang mga kalahok ay karaniwang ginagamit ng US sa kanyang digmaang agresyon.
  2. Ligal ba at Konstitusyonal ang nagaganap na Balikatan?
    Sinasabi sa Article 10, section 25 ng Philippine constitution, "... upon the expiration of the Military bases agreement (MBA) in 1991, foreign military bases, troops or facilities shall not be allowed in the Philippines except under the following Cconditions: a treaty duly cocurred in by the Senate; when Congress requires, ratified by the people in a national referendum held for the purpose; and when such treaty is recognized as such by the other contracting state."Malinaw sa Saligang Batas na labag ang pagpapahintulot ng Malacanang sa armadong panghihimasok ng US.
  3. Bakit pumayag ang pamahalaang GMA sa paglunsad ng Balikatan?
    Ito daqw ay para sa "global fight against terrorism' kung kaya't dinala sa asya ang krusadong ito dahil nakabase daw sa Timog Silangan ang mga teroristang grupo ni Osama Bin Laden, ang al-Qaeda, kung saan kabilang daw ang Abu Sayyaf.
    Ito rin daw ay para sa "training at technical assistance" kung saan sasanayin daw ng US ang AFP sa mga bagong kagamitan upang sugpuin ang Abu Sayyaf.
    Ang pangatlo nilang dahilan ay upang maibigay ang pangakong $4.6 bilyong tulong para sa ekonomiya at militar, $92.2 milyon para sa dipensa, $1.5 bilyon sa ayudang pang-ekonomiya at kalakalan, $246 milyong utang at grants mula sa World Bank (WB), $2.6 bilyong ayuda mula sa pribadong sektor ng US.
  4. Ano ang tunay na pakay ng US?
    Nais nitong pagalawin at pamumuhunan at kakalan sa mga kliyente nitong bansa ayon sa kanilang interes at sa wakas ay makontrol ang ekonomiya ng buong mundo kung kaya't'ginagamit lamang ng US ang International Monetary fund (IMF), World Bank (WB) at world trade Organization (WTB) na sumasailalim sa kanyang kontrol.
    Nais nitong pwersahin ang mahihinang koalisyong militar.
  5. Ano ang implikasyon ng Balikatan sa mamamayan?
    Nagiging taliwas ang pagtulong ng US sa pagkamit ng katahimikan sa Basilan dahil ang paglunsad dito ay nakapipinsala sa kabuhayan at maging sa buhay ng sibilyan sanhi ng paggamit ng high-tech live immunition.
  6. Bakit kailangan natin itong tutulan?
    Kailangan nating ipaglaban ang karapatan natin bilang isang mamamayan, bilang bahagi ng ating pagiging Pilipino.
    Ang paglunsad at paglahok sa mga kilos protesta ay mahalaga upang malabanan ang panghihimasok ng tropang US at mapabagsak ang imperyalismo.

 

Go to next page

Home
Hosted by www.Geocities.ws

1