<< Back to Home
Mark, regular na sa ASAP
Pilipino STAR Ngayon 02/23/2004
Regular nang mapapanood sa ASAPMania si Mark Bautista.
Makikipagtagisan na siya sa pagkanta sa mga veteran singers like
Gary Valenciano, Zsazsa Padilla, Kuh Ledesma among others.
"Hindi ko po ma-explain ang feelings nang malaman kong magiging
regular na ako sa ASAPMania. Before kasi po, napapanood ko lang sila
sa probinsiya, pero ngayon, kasama ko na sila sa show," sabi ni Mark
na unang nakilala nang maging finalist sa Star For A Night.
Actually, hindi lang sa ASAPMania makikipag-showdown si Mark with
Sarah Geronimo, Erik Santos and Sheryn Regis kung saan may sarili na
silang portion sa Sunday noontime show ng ABS-CBN, one of these days
ay makikipagtagisan na rin siya sa acting, sa sariling soap opera
nila ni Sarah, sa ABS-CBN din.
"Nung una medyo may napi-feel pa akong nerbiyos, pero gradually,
nakaka-adjust na ako. Minsan hindi ko na ma-explain ang mga
nangyayari sa career ko, sobra-sobra na ang blessing na dumarating
sa akin. I wanna thank God sa lahat ng binibigay niyang blessings,"
he said.
Aside from ASAPMania and soap opera, nai-excite din siya sa showing
ng Annie B. starring Jolina Magdangal. "Cute ang role namin ni Sarah
sa movie."
Hanggang ngayon busy pa rin siya sa promo ng debut album niya under
Viva Records na may 12 cuts – "Ngayon at Kailanman," "Ako'y
Maghihintay" (a duet with Sarah), "Kapag Ako'y Kailangan,"
"Another
Chance," "Sayang Naman," "One Girl," "Lahat
Sa Buhay Ko" and his
version of well-loved hits "Will You Still Love Me Tomorrow,"
"Out
Here On My Own," "Lost Without Your Love" and "Power
of Love."
Mark's album is now out in the market with the song, "Baliw,"
as
carrier single.
Kasama rin siya sa Sarah: To Love Her More at the Aliw Theater on
Feb. 27.
At kung merong mas proud sa nangyayari sa career niya, yun ay ang
kanyang parents na naka-base sa Cagayan.
"Hindi rin kasi po nila ini-expect na mabibigyan ako ng ganitong
chance. Dati, sa Cagayan lang ako kumakanta," he recalls.
Naging member ng apat na banda si Mark sa Cagayan bago siya naglakas
loob na makipagsapalaran sa Maynila at maabot ang kanyang mga
pangarap.
Si Mark ay naka-kontrata sa Viva Artists Agency, headed by Veronique
del Rosario-Corpus.
<< Back to Home |