Ang history ng LuPon

written by:PUTOTS


KAHIT ANO..
.   Mag-uumpisa na ang kwentong napaka-haba.....ang kasaysayan ng aming lupon.   Nag-umpisa kami noong SECOND year highschool kami. Ngunit nang mga panahong ito ay hindi pa pormal ang aming barkada. Kami yung mga tipong kahit ano pwede. Nang mga panahon ding ito ay kung sino-sino lang kami sa grupo. Masaya kami nitong year na ito. Nagkasama-sama kami lahat noong 'dance' namin. As in talagang kami'y nagwala at nag-enjoy sa pag-sayaw, lalo na si ch**m (joke...)!!! Hehehehe!!!!

ANG LEGION...
  Ngayon naman ay taon ng THIRD year. Dito ay ang formal na pagkaka-buo!!! Kami ay nag-join sa isang org ngunit kulang kami ng isa.....kilala nio na kung sino yun. Anyway, magkaganun man ay doon kami nagkabuklod-buklod. Ang org na yun ay tinatawag na 'LegioN oF MaRy'. Oo mga kaibigan, kami ay kasali sa grupong ito. Maaring sabihin ninyo na bakit kami natanggap sa org na ito samantalang hindi namin ito linya? Ngunit hindi ninyo alam ang katotohanan.....oo hindi ninyo alam.... Syangapala, si Pags ang secretary nito (o diba, holy...) Kakaiba talaga kami. Kaya kilalanin ninyo ang pagkatao ng bawat isa dahil each of us is unique in every way.

BASBASAN...
  At dumako tayo sa aming finale....FOURTH year.....ang pagkaka-basbas sa aming pangalan. Naganap noong lunch time na wala kaming magawa at batong-bato sa buhay. Oo, inspired by the 'Parokya Band' kaya nangyari ang lahat. Dahil rin sa kami ay mahilig sa ANIME (well almost all...) ay naging sponsor namin si InuYasha! Yup....thus it happened......ang pagkakapanganak ng Lupon Ni InuYasha!!!! ( Singit: sa mga ka-chat ko......ayan ang dahilan kung bakit ganun ang pangalan ko sa chatrum!!!!!) Pagkatapos ay nagawa na rin namin ang aming official theme song. Hinango namin ito sa kanta ng 'Parokya ni Edgar' na 'YesYes Show'. Yup.....we are an official fan nila....kaya we would also like to thank them personally. Balang araw ay magiging sikat rin kami tulad nila......hopefully ay matanggap nila ang aming kanta at very natural born talent......hehehehe..... At yan ang history namin. Oo kung yan ay matatawag na history, yan na nga yun. But the truth is there is no words to describe the history of our friendship. Dahil ito ay ang aming special moments together na hindi mapapantayan ng kahit ano o ng kahit sino.....


home | back

setstats 1

Hosted by www.Geocities.ws

1