PANGALAWANG TINGIN
By: Baldaur
Lokohan lang ang alam ko.
Pero hindi ito sadya.
Nais lang kitang mkasama,
Sa ligaya at tuwa.
Alam mong may mahal akong iba,
at alam ko ring meron ka.
Bakit nga ba kailangan pang sabihin sa kanila.
Tatlong linggo na tayong magkasama.
Wala namang problema.
Kelangan na bang pagisipan
ang dapat paghantungan?
Di ko din naman ninais na makapunta sa ganito.
Ligayang wala punto.
Ligayang magulo.
Siguro nga hanggang dito na lang.
Siguro nga ganito talaga.
Siguro wag na dapat umasa,
Sa katinuan ng isat isa.