Nagawa ka bang tulungan
ng pahinang ito?
Oo
Hindi

Saang aralin
ka nahirapan?

Gaano karami ang iyong
natuhunan sa pahinang ito?
Marami
Meron
Wala


First Name:

Middle Name:

Last Name:

Age:

Email Address:
Comments/Suggestions:


Tahanan Mga Tauhan Mga Kabanata Tungkol sa Manunulat Tungkol sa Maygawa


Tungkol kay James Paul Rosas

Si James Paul Rosas ay isang mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa Dalandanan National Highschool. Siya ay nagkaroon ng malaking interes sa literaturang Pilipino dahilan upang siya ay gumawa ng website na nakadedika sa pagpapalawig ng kaalaman ng ibang tao sa obra maestro ni Francisco Balagtas Baltazar. Ang obra maestra ni Francisco Balagtas na "Florante at Laura" ay maituturing na isang napakagandang halimbawa ng napakasakdal na gawang tula na nagpapakita ng napakamasining na paggamit ng tayutay at mga patagong ibig sabihin na hindi madaling makikita maliban na lamang kung gagamit ng matinding konsentrasyon at masidhing pagunawa sa bawat salita, taludtod, saknong at kabanata, dahilan upang mabighani ang maylikha ng pahinang ito na ibuhos ang paghanga sa paggawa ng pahina na may layuning ipakalat ang kaalaman tungkol sa Florante at Laura at sa ganda nito na hindi madaling makikita ng mata at hindi madaling mapakikinggan ng tenga.

Aking ipinaguumanhin kung mayroon mang kapintasan sa pahinang ito. Ang lumikha ng pahinang ito ay isa lamang mag-aaral sa antas na Baitang ika-walo kaya't ang kakayahan at kaalaman sa paggawa ng mga pahina sa internet ay hilaw pa at mura. Aking ipinapangako na kasabay ng paglawig ng kaalaman ko sa pagdesenyo ng mga pahina ay ang pag-unlad ng pahinang ito na aking dinedika sa Florante at Laura. Inyo ring asahan ang mas detalyadong mga paglalarawan at mga ilustrasyon na aking gagamitin upang maging mas madali at kasiya-siya ang pag-aaral ng Florante at Laura.

Salamat sa pagbisita sa pahinang ito. Sana�y nakatulong sa inyo ang kaalaman na nakahain sa pahinang aking nilikha. Nawa'y hindi ninyo abusuhin ang kaalamang aking ipinamahagi at kayo'y maging madunong sa paggamit sa kaalamang inyong nakamtan.