|
Nagawa ka bang tulungan ng pahinang ito? Saang aralin ka nahirapan? Gaano karami ang iyong natuhunan sa pahinang ito? Marami Meron Wala First Name: Middle Name: Last Name: Age: Email Address: Comments/Suggestions: |
||||
|---|---|---|---|---|
|
||||
| Tahanan | Mga Tauhan | Mga Kabanata | Tungkol sa Manunulat | Tungkol sa Maygawa |
| ||||
Ang Florante at Laura ay isang aklat na isinulat sa awit ni Francisco Balagtas. Ito ay nangangahulugang ang mga taludtod nito ay naglalaman ng 12 pantig, habang ang mga saknong naman nito ay naglalaman ng 4 na taludtod. Nagsisimula ang salaysay nito mula sa isang binatang naghihirap na nakagapos sa isang puno ng higera, hanggang sa isang masayang pagtatapos at pagkamatay ng Konde Adolfo, ang pangunahing kontrabida sa salaysay. Ang awit ay pinanahon sa bandang ika-15 siglo, ang panahon ng pananakop ng Imperyong Otomano sa Kaharian ng Albanya. At isa sa mga katangian nito ang paggamit ng mga makalumang salita sa Tagalog, at ang pag-aalis ng letrang "i" sa ilang mga pandiwa, paghihiwalay ng pang-akop mula sa inaangkupan nitong mga salita, at pagdaragdag ng mga salitang karaniwang hindi ginagagamit, katulad ng dagdag na pantangi, upang mapagkasya sa 12 pantig.
Lahat ng pagtutukoy sa "Diyos" ay tumutukoy sa diyos ng kristiyanismo maliban na lamang kung ipinahayag. Marami rin itong mga terminong latin at griyego na nabanggit espesipiko na ang mga diyos at diyosa sa mitolohiyang griyego.
| ||||