d-t: 022605 [ next ] [ prev ]
gus2 ko ng trike na may radyo!
  di na ako nagk-kwento. ok tong weekend na to. ewan ko ba, lately i've been quite different. di na ako kasing atat sa mga bagay than before. siguro tumatanda nko. not really, more of humihina na katawan ko amp. eto, normally kac ako ung tipo ng tao na tlgang maghahanap ng dahilan makipagkita sa mga tao, specially kung ka-vibes ko tlga ung tao na pde makita. as in di ako mapigilan. ung tipong kakauwi lang, kakain tas alis nanaman. pero lately di na gaano nakaka-enganyo lumabas. parang ayus lang sakin kung me lakad edi aalis, pero kung wla di ko na pinipilit. ang labo, ngyon pa ako nawalan ng pake kung kelan lahat ng tao sinusulit na nila ung high school. nagkaroon ako bigla ng ugali na "don't force it" kung wla mangyayari don't feel bad. it's kinda wrong sometimes specially when you could be doing something productive, though. un na nga rin, buti naging gan2 ako, pag wla ako magawa siguro pipilitin ko matapos pa ung reviewers. check back here over the next 2weeks! i promise gagawa pa ako.

done w/ d munimuni part (heh, arlene) eto naman kwento. un na nga, kac nga di ko na pinipilit or hinahanapan ng dahilan to push every get-together so nung thursday ay pupunta dapat town manunuod ng movie kasama ung barkada ko (ung magkkasama pag breaktime) pero di nga napilit so nauwi sa pagtambay sa skul. sabay went wid eLeS nalang sa palawan tapos nakakita ng mga supposedly kasama ko that day sa palawan din. so ended up going to town w/ both groups. tambay lang, actually umalis na ako nung tumambay na yung mga tao sa b-connected/Coffee experience/royal caribbean area. mga alas-otso na un. kulit pa nung umuwi ako, ung trike na nasakyan ko may radyo at speakers! as in kulit, ok pa nga un driver ehh ayus lang sa kanya palitan ko ung stasyon. hahaha! tapos ang lakas pa ng volume sabay trike ehh ang kulit tlga. for documentation purposes tyka if u find urselves commuting dito sa loob ng bf tandaan nyo bftoda trike sya # T-009. ayus kac eh, masastig pa kesa sa trike na nasakyan ko dati which had cool lighting, leather seats tyka makulit na busina. eto meron tlga loudspeaker.. ok tama na sumosobra na eh. so un, nagchat nalang as always pati tv. still no progress sa pagd-desisyon ko concerning my college at career. im currently choosing between dlsu na comsci or up engineering. ngyon kung ndi ko makuha ung financial aid thingy, it's gonna make my decision easier. pero who knows baka may magustuhan pa ako sa ateneo after the open-house thing.
friday ay nagising ng maaga pero sakit ng ulo ko. it went on the whole day hanggang madaling araw. pumunta ako sa town ng mga 5.30 nakita ko dun ung justice league programa thingy, nadaanan ko. aliw kac eh, lumilipad tlga ung mga characters na lumilipad. not really pero may nakalagay na mga tali sa taas tapos me pang-lower sa kanila.. u get the picture. pagdating ko sa cinemas area sakto nakita ko sila neil moja at dale. sa kanila ako sumama hanggang gabi na un. tambay tambay lang. may carshow uli tapos tanga ko di ko nanaman natanong pano napasok ung malaking mitsubishi montero sa atc! egh. so un nung gabi na ay nagpunta kela ger para sa bday painom/paparty ni asper! puro sr-f kya nga ang konti ng pumunta, pero ayus din ung gabing yun. meron nga lang makukulit na pangyayari talaga. lagi naman eh, lalo na pag sr-f. sabog ung dalwa sa mga kaibigan ko sa class. ung mga di ko ka-close sila ung matino kausap. tas cympre andun si masa at mark at carla. umuwi alas-dos na. salamat mark! tyka sori hassel ko! sabay sana di naakyat ung bahay nila ryan. di namin masara ung gate ehh.. haha.
Mga pagbabati: malaking "oi!" sa lahat ng kaibigan ko! yun lang.
Song of the Moment Lacuna Coil - The Prophet Said
       
d-t: 022405 [ next ] [ prev ]
pag nawawala ung halaga
  finally nabawi ko na ang aking tulog mula pa nung el fili days (mga illegal na practis sa alabang hills area) na di ko masukat ung oras, tapos nagtapos pa ang week ng el fili sa uaap games so pagod na pagod na ako. pag-gising ko nung martes ay sobrang sakit ng ulo ko, dulot ng pagkulang sa tulog at sama ng loob. parang akong me lagnat nun, dami pang tests. kinonsulta ko pa ung mom ko sabi nya sakin pag nag-exert na ng maraming lakas (4 days uaap).. tapos kulang pa sa tulog (normal sleep pattern = kulang talaga) bababa ung blood pressure, di sapat para sa brain. so un kinabahan ako at natulog ako maaga. pag gising wednesday ayus na! wla lang.

umabot ka na ba sa puntong sobrang dami mo nang kasalanan sa isang tao, hingi ka ng hingi ng tawad everytime tapos napudpod na yung routine? iniisip na nung tao na un "eto nanaman, papatawarin ko nanaman tapos uulitin lang nya uli". bakit yung pinaka importanteng sorry mo - ung sorry that holds changes already - that's the one which will no longer be tolerated? kung kelan tapos na ang iyong papel, tyka nawala yung halaga mo. nabitin pa, di pa pinalusot ung kahuli-hulihan. as u can see, nangyari nanaman sakin ang "kung kelan pa.." sitwasyon (check literature section) na hindi ko talaga maintindihan bakit.
sana humingi sya ng explanation sakin. kac handa ako magpaliwanag. gusto ko magpaliwanag. yun na nga lang, ang feeling ko naman. ako na nga yung gago dito, ako pa ung unang lalapitan para humingi ng aking side ng storya. para namang interesado yun. and how am i gonna explain w/o looking pathetic, w/o looking like im trying to excuse my behavior. kadalasan, ang mga explanation ay palusot ehh. pero i guess makikinig naman un, may modo naman un eh. it's just a matter of when, hopefully.

kelan ang huling time na naiyak ka over someone? kelan ung last time na sobrang lakas ng emotion mo na nakatulala ka lang, yet the tears fall? kelan yung last time na nagsulat ka ng liham, o tula, o kanta, tapos nailagay mo lahat ng damdamin sa simpleng mga salitang yun? ako kac di ko maalala eh, pero di ko lang sigurado kung kakayanin ko tong weekend na to sa bahay. di ko na kac naiisip ung mga problema kong pansarili, lagi nalang sitwasyon ng ibang tao. yun pala sobrang lala na ng kundisyon ng mga bagay sa buhay ko. di ko namalayan, eto pala ung resulta ng pagiging pabaya.
di na ako maka-antay. gusto ko na ng pagbabago sa buhay ko. if college life can bring me new things edi tara na! for once di ko na iniisip ang mga maiiwan ko sa zobel. naniniwala akong madadala ko ang mga ito hanggang dulo ng buhay ko, kung kelan man un. kahit na maraming pagbabago ang mangyayari, eh kelagn tlga natin i-keep in mind na laging merong changes. siguro tong fact na to will keep us sane and will give us the answer to most of our questions. "bakit ganto na?" "kac iba na kesa nuon." "kac nagbago na." kaya't wag na mag-alala at wag na mag-alangan.
ako man, i'm tryin not to be afraid, not to be worried. ung mga mahahalagang bagay, kung isipin mo tlga, di na ganun ka-importante o komplikado. sana nga, everything will turn out alright.
Mga pagbabati: mga kachat ko ngaun ger ryan sandro. 1o8. batch2005. eLeS. track team. xmas kada. ung isa pang kada.
Song of the Moment Sepultura - Bullet the Blue Sky
       
d-t: 022205 [ next ] [ prev ]
countdown, happiness amidst despair
  i wasn't supposed to blog today. kaso nga lang tinamaan ulit ng katotohanang patapos na nga ang high school. i'll try to blog daily dahil motibo ko ring maalala lahat ng araw ng high school, specially tong last days na ito.
bakit paminsan nagiging hypocrites tyo? we preach about stuff tapos lalabag din pala tyo sa mga pinagsasabi natin. siguro mali lang ang aking choice of words. at the end of the day, magkaibigan parin ang turing sa isa't isa, hopefully.
onting araw nalang at summer na. probably the last 'real' vacation we'll ever have in our lives. di natin alam kelan tyo magkakabreaks and rest periods sa college and i can already see my lifestyle changing drastically. siguro sa college magiging uso ang matulog ng maaga at gumising ng hating-gabi para magtrabaho, dere-deretso pasok sa skwela. isang example lang yan sa mga pinagiisipan ko, lalo na't palapit na ang deadlines ng pagconfirm sa colleges. sana'y mabigyan tayo lahat ng enlightenment at tamang judgment para matamo natin ang ligaya sa buhay. ipagdasal na rin natin ang buong zobel experience natin. paniguradong malaking bagay ng ating buhay ang isa't-isa. everyone's getting so sad about leaving each other, takot na magkalimutan. sa totoo dapat tignan natin ito bilang isang positibong pangyayari. let's all just be happy that we're graduating together and that finally we can say that we've made it. bagaman mahirap ang magkalayo-layo, sa totoo ay kung tadhana talaga ay magkikita-kita rin tayong lahat. tyka madali naman magtawag ng reunion ehh andyan naman ang selpon! ay.. potek.. wla nga pala akong selpon (holdap)... makakuha na nga ng isang ganun! hahahaha! by the way, pag sinabi kong ipagdasal ang zobel experience, ibig sabihin ay magpasalamat tyo sa Diyos for all the opportunities He gave, whether we took them or not, yan ang buhay.

yun lang, i'll probably explain further the advantages of a positive outlook on graduation through the use of an essay, pero di ko pa sure. basta't makulit tong araw na to, pinlano ko makauwi ng maaga kac tuesday naman ehh. instead napa-hangout kela dino ng medyo matagal din, lagpas 2hours. andun din si reo gumawa ng eng comics (onga pala di ko pa natapos ung amin). after a while dumating si mabel at si ger.. labo ah. na sinyor-ep tuloy ako, medyo. un pala papunta si ger sa bahay ni angela para gumawa ng eng comics (potek, so naisip ko "kelangan ko na gawin ung amin!"). after a while ay umalis na rin ako, naglakad pauwi. paglabas ko pa ng village ay nakita ko si dale, neil at moja kakasakay lang sa trike on their way to tubbie's. tapos un, ginwa ko ung eng comics dito sa pc. ngyong gabi ay nakachat ko si sandro na matagal ko na di nakakausap since last week pa. maayus dahil nag-agree cya sa mga sinabe ko hahaha. parang outlet na ewan, but didn't really change anything. so yun dat was basically my day. happy monthsary sa mga sinagot ng 22 at happy annibersaryo sa sinagot at sumagot ng feb 22. buti nalang pala nilagay ko ung date bigla ko naalala ung sulatin na di ko pa natatapos, ewan ko pano ko naisip ung sulatin bigla. basta't ganun.
Mga pagbabati: dino reo mabel at ger. dale moja neil. carlos nicco gelo sandro mikki anjuli ryan gaille arlene angela carla. ate ko at si onie. dianne nancy. pol bryan. ung mga nanalo sa SRCC eleksyon. la ko actually pake kung sino nanalo eh, pero congrats kac nagtagumpay cla. yun. basta't siguraduhin nyong kung SRCC kayo, serbisyo ung pakay nyo! wag kyo plastik ah! ayus!!
Song of the Moment Foo Fighters - Learn to Fly
       
d-t: 022105 [ next ] [ prev ]
"la salle t.a.f.t.", at bakit ang bano ko?
  last week was very tiring for me, sobrang busy, in fact, na tinagurian ko na itong "career week" para sa akin. halos hindi nko nakapasok sa klase buong week na un and now ang nangyari ay tambak nko ng mga make-up work para sa tests and projects. but it was fun and it bore a lot of fruit, siguro maaalala ko itong linggo na ito for years to come.
a brief summary: monday ay interview for scholarship sa dlsu manila. valentines day pa nun, tapos ay nagcommute lang ako both ways pagdating ko sa zobel patapos na lunch. tuesday ay whole day practis ng rondalla kasama na ung orchestra at chorale. wednesday ay el fili day, a very good day for me and my classmates. thursday at friday ay uaap games sa track, this went on hanggang kahapon, sunday.
nakakapagtaka siguro ung "la salle t.a.f.t." na title, cguro ay sa una onga, lasalle taft! pero im not talking about the street where dlsu is located. ang tinutukoy ko dito ay ang acronym na yan w/c stands for track and field team asteg noh? nakita ko yan sa mga jersey ng mga teammates namin na college.. t.a.f.t. pala un pala ung ibig sabihin nun! anyway, what's nice about being a part of the lasalle t.a.f.t. ay ung support na nakukuha from each other. ung ibang mga teams todo suportado ang isa't-isa. they even know each other's names. ang naiiba dito sa lasalle team ay hiwalay kac ung hs campus sa college campus. so ang magkakakilala lang tlga ung mga college women at college men. still, they made every effort to talk to us and make us feel welcome dun sa tambayan or waiting area for those w/o events yet. ang saya tlga pag ganun ung mga tao lalo na't sa uaap lang kami nagk-kita kita ng mga un. at masaya rin na nakita ko uli ung mga kaibigan ko dati pa na hindi ko nakita ng sobrang tagal na panahon.
yesterday marked the end of my track and field career. di na ako makakapagtrack sa college and i can see the whole time i've been a member of the team as a very good experience for me. naka-meet ako ng maraming tao, nagkaroon ng maraming kaibigan, natuto akong makisama, lumakas ang katawan ko, nagka pakinabang ang mga free time ko na wlang ginagawa, and most of all dito ako nagkaroon ng maraming exposure on how life really is, ano ang takbo ng buhay sa iba't-ibang panig ng bansa. natutunan ko paanong makipagusap sa mga tao sa public schools, paano makisama sa mga atenista, at magbigay ng lahat ng meron ka sa bawa't race na takbuhin mo. maganda ang experience ko sa lasalle t.a.f.t. and i'll never forget those times. i haven't been the best team player, team member and i've been a not-so-good team captain and i regret all the mistakes i've made, i regret that i got so much out of track at hindi ko natumbasan dun sa sobrang konti na naibalik ko sa zobel. pero ang saya tlga, di ko malilimutan.

on to da next topic, bakit kaya ang bano ko?? have you ever achieved something unexpectedly? it's a nice feeling, di mo akalaing makukuha mo ang mga bagay bagay na yon sabay mabibigla ka nalang.. it happens to everyone at pag nangyari ito nakakapagpasaya sa tao garantisado. eh pano kung baliktad un nangyare?? sobrang pinagsikapan mo ang isang bagay, and u expect to get something out of it pero wla ka nakuha, wla nameet sa kahit anung expectations mo. un ung nangyare sakn ehh, der's dis specific motibo na gus2 ko mangyari pero dahil sa kabanuan ng pamamaraan, wla, baliktad ung nangyari, sumama pa ung sitwasyon. egh?! mga pamamaraan natin, kelagn natin baguhin. o kaya, wag mo nalang gawin, leave well enough alone at wag mo na pilitin maging bahagi ng isang bagay na wla ka namang sapat na karapatan or dahilan to be included sa sitwasyon na un. parang ganun. anyway, eto na ung blog na hiningi ng ilang mga kasama ko kanina sa town. sori nalang at di nakanood ng sine, ganyan naman mga plano kadalasan ehh. so un. wakas.
Mga pagbabati: rondalla people, orchestra people, chorale people. mga taong nabati ko or nakamayan ko kanina. mga srcc na makulit ung eksena kaninang breaktime. mga miyembro ng lasalle t.a.f.t. ngayon, dati at pati na rin ung mga me balak sumali. pls join! masaya solid. carlos, nicco and gaille. mga nakita sa town.
Song of the Moment Dave Matthews Band - Crash Into Me
       
d-t: 021605 [ next ] [ prev ]
hectic week, hell week
  kakauwi ko lang ngayun, it's 9.30pm na at ako'y wla magawa. this week has been a pretty busy week for me at ang rest of the week naman ay paniguradong magiging sobrang nakakapagod. ngayong week na to ang kabuuan ng aking mga kareer as a student.
nanalo kanina ang aming play na pinamagatang Bulong: Habi ng Dila bilang best play, kasabay dito ang pagkapanalo ni ger marasigan bilang best director. kasama sa iba pang awardees ng senior-f ay sila apang florescio (best actor, best poster) at ako (best lights). di ko inasahang manalo ako, ang inasahan kong manalo ay si ryan sa best sounds dahil ang ganda ng mga musika na nilagay sa halos every scene.. may music lahat. sayang. owell, may sari-sariling pananaw naman ang mga judge ehh.
sa mga nadidinig ko ay may selebrasyon daw someday this week, kaso di ako makakapag-attend. bukas na bukas ay magsisimula na ang uaap season ng track and field. last year, last time i'm gonna run for my school. tong tournament ay isasagawa hanggang linggo. so lahat ng victory party ng sr-f at pati narin ung mga wla lang parties for da weekend ay di ko na mapupuntahan. ayus lang, uaap naman eh! ung badtrep lang talaga ay di ako makakapunta sa pakain and stuff ni dino for dis week. birthday nya ngayong araw na ito at meron daw siyang pakain sa sabado. too bad, may game pko next day hassel tlga hehehe.
nung monday ay pumunta ko dlsu para sa interview ko nga para sa scholarship. it sucks na i committed to that interview at sinira ko na ung routine ko para lang sa interview na iyon. sabay ung interview lasted only 10mins. nagcommute pa ako going to and coming back. ung trips ang nagtake up ng buong umaga ko that day. tapos valentine's day pa nun. pumasok pa ko sa zobel, kaso nga lang pagod na ako, wla na ko gana magpa-epek or mang-gimik ng babae na gus2 ko pormahan hahahaha. ok lang, atleast nman ay naasikaso ko ang aking scholarship dahil isa tong bagay na makakatulong ng malaki sa amin.
pag-uwi ko sa bahay steady pagod kac nagpractice pa kmi sa audi after school. tapos pagchat ko me sinabe sakin c arlene tungkol sa benilde! waaaa, asteg! tuloy pinagiisipan ko pumasok na ng benilde. grabe, di ko mapaniwalaang ganun ko kinareer ung entrance exam. benilde pa! potek, loser ko tlga. sana lasalle nalang ung na top-notch ko hahaha, pero it's still good news tlga. ayus!
kahapon naman ay excused buong araw para sa rondalla practis. di naman masyado inayos kac daming oras na breaktime ehh. sabay me time na kasama orchestra. nakakailang ung conductor nila, di light mood pag tumutugtog. heh. after skul ay nagprac nanaman sa audi. ang tagal. mga 430 hanggang 730 kmi andun, dalawang run-through un. it was tiring, pero nagbunga naman ng magandang resulta sa araw na ito. yehess. ayus tlga first time ko napasali sa class na nananalo sa kung anu-ano. sabay lagi ko pa sinusumpa ung class hahaha!
cge dats it. kelagn ko magpahinga para sa uaap.. seh
Mga pagbabati: production staff ng el fili sr-f! ayus! ung nag-interview sakin, ung mga taong sinamahan ako sa taft. mga nakasama ko ngaung araw na to spec. ryan, gaille, dino (happy bday), ger, ung tropa ng mga nasisindak. tropa sa palawan. tropa sa auto nila apang. yun lang..
Song of the Moment Head Automatica - Please Please Please (Young Hollywood)
       
d-t: 021305 [ next ] [ prev ]
da prom experience, sr year
  kagabe ginawa ang senior prom ng aking buhay. if last yr's was a steady, kinda sucky prom, dis yr naman ay sagad sa sabog, pero sagad din sa saya. lam mo un? parang last yr, ok lang nothing special, tapos ung mga nakakainis na ngyare di naman nablow out of proportion. dis yr naman, ung mga nakakainis ay mas grabe kesa last yr, pero ung masasaya ay tlagang masaya! hehe.
saturday morning gumising ako maaga at nagpunta sa isang pagpupulong about el fili sa alabang hills. tapos sinundo ako dun ni mark, diretso na sa dusit. inantay ko ung mga kasama ko sa room namin tpos nagpunta na dun nung nakacheck-in na sila. tapos wla lang, kalokohan hanggang naghanda na kmi for da prom. dumating kami on time pa, di pa nagsisimula ung prom. mas masarap ung pagkain kesa last yr, pati mas madami kac buffet. tas un, da usual. di na tumugtog 1o8. nung friday pa ay nagpacancel na kmi ng performance. tapos inannounce ng tao na tutugtog kmi so nabulabog ung buong band. buti nga ay nadecide ni neil na pumunta sa prom. so un, set na kmi tumugtog at humiram na ng instruments ung mga kabanda ko. tapos pagdating ni dale ay nagisip uli, naisipan wag na tumugtog talaga. so pinacancel na uli, final na. tapos inannounce nanaman nung emcee.. di pa pla nasabi sknya na nacancel so game na tlga kami tumugtog, kumbaga no return na. tapos sakto un nasabi na cancel. so final na un, di na tumugtog ung banda ko. ako personally i would have loved to play. pero sympre, everybody has their reasons naman eh. so paumanhin nalang to those who expected us to play, pero ang gulo kac ng arrangement na un, on the spot nagiba ung plano ehh. tapos ang bano pa ng sistema sa picture taking. di nko nakapagpa-pic, sayang.
so un, sayaw sayaw, skor ung mga iba, usap usap sa mga chikk, spot at kung anu-anong ginagawa kapag prom. after nun ay cympre lumabas at naglako sa makati ang mga tao. nag-clubbing mga tao hanggang mga alas kwatro ng umaga. ang ingay nga ng mga tao sa hotel ehh, nagrereklamo na mga other customers ng dusit. nagkaroon ng medyo party sa 4th floor nung nakabalik na galing club ung mga tao. again, dami nagskor sa isa't isa. tapos mga 6am na natapos at nagsialis sa floor na un. ang iba ay lumabas at nag-almusal/kape. ang iba ay bumalik na sa sari-sariling room/ginagamit na room ng iba. dpat ay naligo na ko nung oras na un, kaso di ko matyempohan. di ako nakatulog sa room namin. pagdating ko dun lahat tulog kya't inoff ko lahat ng ilaw. tapos naghanap nanaman ng makakasama. pagbalik ko ng mga 8am andun na ang mga iba at nagsimula na maghanda para umuwi. sumabay ako ke dino pauwi.
all in all, asteg din naman ung weekend na to. biruin mo huling prom na sa buong buhay. i can't rili say na nasulit ung event, pero astig din. di nanaman ako nakatulog. magf-40hrs nko gising. tapos ay may interview pko bukas sa dlsu. tapos ay papasok pa ako para sa valentine's day thingy ng zobel. pls cooperate. salamat.
Mga pagbabati: mga kachat ko ngaun: FCAR, carla, treeya. mga nsa bahay ni apang kahapon: ger, boy lapa, apang. mga nasa room: gaille, carlos, dino, gelo, reo, boy lapa, roque, gaston. ung mga nasa same floor. ung mga nagprom. ung mga di nagprom pero nasa hotel. ung mga taxi driver ng makati na ndi makakita ng taong nagtatawag sa inyo. ung mga nasa 4th floor nung umaga. mga bumisita. ang bandang 1o8. paumanhin sa mga nagrequest ng tugtog. salamat sa mga nakasayaw ko. salamat ke dino.
Song of the Moment Incubus - Nice to Know You
       
d-t: 021105 [ next ] [ prev ]
aba, ndi ginanahan.
  this week ay di ako ginanahan magblog during the weekdays. ewan ko, siguro tinatamad nanaman ako. sabay bitin lagi ung mga nangyayari sakin dis wk. ang bano ko naman, di ko tlga masulit ung mga opportunity. di ko rin naipaglaban ung mga ilang dapat ipaglaban. tapos lalong ang bobo ng paghandle ko sa mga sitwasyon this week. tapos gumigiba na ako slowly, ung mga sinet kong mga objective, principles, etc ay di ko na masunod o makuha. ewan. siguro naapektohan lang ako ng paligid.
egh.
basta't ok lang naman ung week. isang beses lang ako umuwi ng bago mag dinner time d2 sa bahay. that was nung ash wednesday. sabay lumabas din ako agad after kumain para makijam sa bahay ni dino kasama ang 1o8. this week ay isang week ng mga tikoy, week ng mga el fili fest posters at flyers, week ng pagkalabo, at week ng maging regular na ang sakit ng ulo ko everyday, mga lunch time sabay di pa ko nagdadala ng gamot kya hassel. anyway. astig naman sana ang mangyayari sa prom bukas pero di ko rin alam. di ko lam kung matutuloy ang tugtog. di ko lam kung me magagawa ako na gus2 ko. di ko rin lam if i can step up to my own expectations for myself. sana naman umayos.
so un, pahinga na ako. may meeting pa ang prod. staff ng el fili namin bukas ng umaga eh. badtrep, diretso pa ko hotel. amp naman eh.
buti nalang me magagandang points tong week. mga pwde pagkuhanan ng inspirasyon at tuwa.
Mga pagbabati: ung mga naka-enkwentro ko sa linggong ito. apir! ang dami nun... si jc! ang bandang 1o8! si ana na kachat ko ngaun! asteg!! hehe
Song of the Moment MuDvAyNe - Cradle
       
d-t:020605 [ next ] [ prev ]
da weekend.
  hmm.. i got home from mass kanina mga 7pm. malaki ang nagawa ng pagsimba para sa akin ngayong araw na ito. i had all these negative thoughts bout stuff kanina kc nasermonan ako ng dad ko at lolo ko. mostly telling me na disappointment ako at nagsasayang daw ng potential. ewan. basta't nagpunta ako sa simbahan, tinitigan ko lang ung imahen ng diyos dun. so un.
friday ay medyo hassel na araw. me mga pangyayari na di ko nagus2han. me mga sitwasyon na lookin back on them, cguro dapat di ako nagreact da way i did. cguro lost again in the wake of what just happened. after school di ako nakapagtraining dahil sa schedule tyka pagaayos ng transpo. un naman pla aabot parin ako dun sa transpo kahit nagtraining ako. dapat pala nagtrain nalang. sayang eh nakakaburat un ah. nagpunta nalang sa alabang hills para maki-labo sa sr f tapos un pala di na dapt ako pumunta. argh. sabay naglakad lang ako mula gate ng alabang hills hanggang sa bahay kung san ung el fili poster making. tapos late pko nakauwi so badshot nanaman. nakakainis ung friday na un. wla pang nagawang makabuluhan sa buhay ko.
sabado ay nagising ng maaga tapos pumunta ko skul para magpractice sa audi w/ lights na. dito ayus na, nasulit ang practice sa audi kahit medyo kontrobersyal. at me mga times na nir-run through ung scene tapos si charles parang gago sinasara ung curtains. amp pano ko malalaman what scene na tas di ko pa makita ung ginagwa nila, pindot lang ako ng pindot! tapos ayaw pko kausapin sa walkie talkie! ang labo, sr f nga tlga. after nun ay nagpunta festi naghanap kung san pde paprint ung poster. tapos me time na nakakailang. tapos pumunta sa town at dun nakahanap ng printing place. tumambay muna, tas nakita ko pa si rico at sandro at mikki at emilio. after kumain pumunta seattle's at naghintay lang dun. nung paalis na cla sandro ay sumabay na kmi ni dana. convenient ehh. umuwi, nagchat. nagoffline mga 3.30am na. cguro ung kachat ko ay andun pa, ayaw lang magparamdam.
sunday - nagising late. mga 9am. tinry ma2log uli pero wla ehh, nakahiga lang ako mahigit isang oras tapos bumangon narin. wla ginawa d2 sa bahay, and2 ung lolo ko me pinagawa sa ngipin. tapos ay un na ung sermon sakin nangyari some time after lunch.

nagbasa ako ng mga x-men stuff. nabasa ko kung pano nachange ung buhay ni magneto. dati kac, gus2 nya ng revenge sa mga nazis kac nalagay cya sa camps nung bata sya (jew sya eh). tapos during one encounter w/ d x-men muntik na nya mapatay si shadowcat. eh bata lang un, so nakita nya na he was turning into the people he wanted revenge on. naging ganun narin cya, pumapatay ng mga bata na nsa same species nya in cold blood. paminsan gan2 tyo ehh, we turn into the things we despise. cguro pag nangyari eto ay mamumulat na tyo agad. sana sapat na ung maliit na example bago pa lumala ang sit. it's much better for everyone, including ourselves.
wla siningit ko lang yang part na yan dahil bored ako at feeling ko wlang kwenta ung mga kinwento ko na weekend ko. tyka aliw kac x-men ehh. naghahanap na tuloy ako ng bagong issue hahaha! adik!
Mga pagbabati: mga online ngayun. mga kachat ko: si adrao, si jamee, si nicco. 108, track, etc. mga nakausap at nakachat during the weekend. ung mga taong di ko maintindihan. si magneto.
Song of the Moment MuDvAyNe - Trapped in the Wake of a Dream
       
d-t: 020305 [ next ] [ prev ]
isang sulit na araw. at isang sulit na blog
  today was a long and tiring day na thankfully ay nasulit tnx to a lot of circumstances at mga timing issues. nagsimula ito ng normal. pagkagising ko bigla kong naalala ung mga events of da previous night at kung bakit napaaga ako ng tulog. some house thingy. tapos ay pumunta sa skul, napa-aga kami ni dino sa skul at nakita ko ang mga 'preparasyon' ng mga tao para sa birthday ek-ek kay camille cruz. so yun, muling happy bday sa kanya. itong mga bday ek-ek na ito ay nakapagpaisip sa akin..

think back to the very first memory you had.. sobrang tagal na nito pero bakit nakaukit parin sa ating mga isipan? bakit nasa ala-ala natin ang partikular na pangyayaring iyon? think about the stand-out moments in your lifetime. bakit kaya ang mga ito ang alalang-alala pa natin pero ang iba ay hindi na, mahahalungkat nalang later on pag may nakita tayong pangyayari w/c reminds us of it? think back to the recent events which happened to you just dis week. bakit ang konti ng naaalala natin? how significant is life to us? bakit parang ang maraming memories ay naiiwan na, nakakalimutan. bakit kaya ang buhay ay sobrang bilis, at ngayon ay palapit na tayo sa ating mga huling araw as a batch???

ayaan. ang sabog ko na kac ehh, ung utak ko parang nilapa na ng buwaya sa mga oras na to. yung day mismo ay steady, nakakaurat din nung simula palang. nakuha ng mga kaklase ko ang mga gradpic nila. sa totoo ay natanong ko pa "yan na ung binayaran nyo ng eight pipti??" specially ang mga makukulit na pics tulad ng ke dana at sa mga ibang lalaki sa sr-f. pero sa totoo naisip ko din "buti pa kyo me pambayad kyo!!" sabay nakitingin na rin sa mga ibang gradpic habang nagppractis sa el fili during certain periods. recess time ay may nalaman ako sa aking kabarkada. meron din naka-setup na band stuff dun parang nung tuesday. tapos nun, nung lunch ay me mga gus2 ako gawin na di ko nagawa nung umaga, pero di ko ulit nagawa kac nawawala ung mga importanteng tao. lunch time nakita ko na din si camille at nakapagbati ng pormal.


pagdating ng club time ay pinilit kong makapagbihis agad at magsimula sa training. solid ang hina ko na pala. sa warm-up palang hingal na ko tapos ang light na nga ng training ko sabay wla na ko lakas ngyon, just enough to type. napaisip din ako ngayon..

parang, in four years na nasa track and field ako wala akong naiuwing malaking mga premyo o medals. alam ko rin naman from the start na ang body ko ay ndi built para sa sports, ang payat ko ehh! sabay pinagsikapan ko lang ung track and i was at the peak of my "lakas curve" nung 2nd yr high school. dun ako lumakas ng todo and although nung 3rd yr ay lumakas din ako ng malaki, it took more time for me to improve than when i was in 2nd yr. at the end stages of my track and field life naiisip ko na ang mga kaibigan na nagain ko sa track ay higit na importante kesa sa kahit anong mga medalya o tropeyo! ang mga ito ay nakakalimutan, in just one year ehh iba na ung champion ehh! ang higit na nakakatuwa, every year ay nakikita mo ung same faces at masayang malaman na magkakakilala pa kyo, kahit once a year lang nagkikita. kaya salamat sa pagkakataong magkakilala: marco batch (onie, sean, jondy, sabaw, belay, vic-vic, adi, enzo l at t, ung mga iba na kabatch! si manalad at santi pa pla!); mon batch (jobo, bernal, aimee, anco, dan, the others); tina batch (ana, dee, fed, ung mga sa team building 1!, jed at kaye at tracy); luis batch (kyo-kyo! mga srs na nagtrack! kahit nagquit o kung ano man!) ayus

after training ay magb-bihis na sana ako agad pero napatambay pko sa gazebo and had a chat w/ julie ortuoste. nakakuha pko ng campaign pin kahit wla naman kwenta ibigay sakin. napahalungkat tuloy ako sa bag at nakita ko ang mga loyal pins na meron ako, only had 3 inside the bag, though, kompleto yun last yr ehh. sayang. nung pabihis nko ay pumasok gym 1 and bumped into gaille for a while. anjuli kasama nya pero di ako pinansin. egh?! tapos nun ay nagbihis na, sabay inabangan ako ni masa sa dressing room egh?! tapos punta na kmi audi for el fili practis. duon ay nagsounds nalang sa lights and sounds booth kasama si ry at si antz at si masa. nung tapos na ung practis ay wla ko transpo pauwi kya napapunta pko sa bahay nila jerry (medyo malabo nga dahil it was even deeper inside da village) at tumambay kasama ang mga ibang production staff. wlang mga artista kya nagbaraha nalang uli. hinatid kami ni diaz pauwi.
all in all, buti naman at nasulit ang araw. di na pde ung mga "ahh bukas nalang yan". kelagn ko pa pala magbayad ng gradpic argh la ko pambayad. sana meron magbayad para sakin, kahit sa kanya nalang lahat ng pic ko. tsk, loser ko tlga.
tlgang pinaghahandaan ko nalang sa mga araw na ito ay ang kolehiyo, sabay may interview pa ko sa sfa monday after ng prom. yun pa. der are quizzes and tests tomorrow but nobody's studying. seh.
Mga pagbabati: diaz salamat, jerry salamat din, masa anthony ryan, anjuli gaille, ria tonicci arlene (pins nyo ung mga nahanap ko sa bag), julie, mara auds dre (mga nagclub), camille (happy bday nanaman)
Song of the Moment Wolfgang - Center of the Sun
       
d-t: 020105 [ next ] [ prev ]
isang exercise sa pagbabati
  first day of february. graduation is just around the corner at ang anxiety level ay tumataas nanaman. etong day was a normal day, un nga lang medyo naplastikan kmi sa itsura ng skul kanina. ang ayus kac ehh, dahilan ay ang paascu observation. biglang me damo na sa mga garden, may mga 'keep off the grass' signs pa nga ehh. parang ang ayus ng skul kanina, di nya ipinakita ang da usual worn appearance. pati ang mga campaign posters kanina, solid ayus ng mga ito at mga mukhang kinareer. so anyway, un na ung araw. wla nga nag-observe samin kanina ehh. after skul wla transpo kami ni dino. after skul ung natatandaan ko pa na part ng araw kya try ko imention lahat ng nakita namin ni dino at nakasama/nakausap kanina. medyo matagal din kc kami wlang ginagawa kaya umikot-ikot at bumati sa mga tao. exercise nga ito sa pagbabati.
Mga pagbabati: ryan, jan, aries, wally, choi, marc, neil, rico, dale, bea (nabackrub pa nga ko nito ehh). gaille (lotion), gelo, nicco (boljak), samahang sr-g na gagawa ng props. cabe (tnx sa ride offer pero di na kinailangan), samahang sr-b na gagawa ng props. samahang sr-f na gagawa ng props. sandro tyka ung samahang sr-a na gagawa ng props. greg (most anticipated album), la ("lost inside, how can i go.."), fran (si dino ay loyal parin), janine. arlene (pake ko?!). camille cruz (apir!). dianne (huy). mga bata na nasingitan sa pila sa canteen. mga other kids. cy, rhia, celina, other track people (bakit ayw ninyo magtraining). anjo, tonicci (kaw ah..), anthony (adik), asper, mga ibang tao na in-apir. mga taong napagmasdan at naobserbahan. and lastly si taber, mga utol nya, pati driver nila kung kanino kami nakisabay pauwi.

**got d dlsu envelopes today. tuloy napagisipan ko nanaman ung interview sa sfa.. waah. pls read the previous blog for details. ayus. sana wla ko nakalimutan batiin.
Song of the Moment New Found Glory - Time After Time

i am lost in the crowd i'm standing in line i'm feeling so down and i am full of doubt she's not the one take notice hear me out //and i want her, need her and you always will pull me through// i'm tired this games so dumb she never played, her race's won i'm tired can't smile no more i've sure caved in just like before // and i want her, need her and i want her, need her and i want her, need her and i, and i, and i
BoxCar Racer - And I
Hosted by www.Geocities.ws

1