d-t: 123104 [ next ] [ prev ]
bagong taon, bagong buhay
  ngayong araw na ito ang huling araw na ng taong 2004. it's been a pretty good year, a year of changes, at least for me. senior year marked the biggest change in me personally. maybe i stopped being so afraid of doing things the usual way, the "by the book" way. hindi na ako naghesitate magtake ng chances. although cympre may mga opportunities na mami-miss mo rin (maaari bang wla?), dis year was marked by great success for me.
bakit ko nasabi ito? unang-una, sa pinaka-obvious category: academics. hindi naman ako nakakuha ng exceptionally high grades, but what i gave back to my parents im sure naman naging proud sila sakin kaht papano. kahit na sabog akong anak, at sinasabi nilang "wla nko respeto", "puro barkada lang ang nasa isip", i guess deep down inside lam ko namang they're jus reminding me of the important things na dapat gawin.
un na nga, the important things in life aren't the best grades, the most money, or a reputation that screams success. the most important thing is how you relate with people. nagkaroon ako ng maraming new friends sa taon na ito. tapos me mga kakilala ako dati, lost contact w/ them, pero dis year ay muling na-meet at naging kaibigan! meron din naman mga dati di ko akalaing makakausap ko tapos un pala e ayus naman pala kasama ung taong yun. isa pa ay ang ugnayan ko sa maraming iba't ibang klase ng tao, ung di ka nas-stereotype w/ dis kind of group or sumthin. and most importantly, there's this one friend na nagkalabuan kmi, took some patience for things to ease up tapos ngyon ay ayus na ayus na ang pagssama namin.
personal experiences ay madami. firstly nakuha ko na ang matagal ko ng inaabot na posisyon sa track team, naging captain nko this yr. so far the year sa track could've been better pero ayus din naman ang nangyayari ngyon, i was just busy near the end of the year kya di ko naasikaso ang track. sa banda ko naman, nakasali na rin sa battle of the bands! after nung isang banda na sumali from the batch nung 2nd yr (parthenophobia) won 2nd place, pinangarap ko rin sana one day magkaroon ng banda na masasali sa battle. nagawa ko to dis yr!! asteg!! yun actually ang aking tinrabaho sa me end ng october kaya ko nag-absent sa track ng matagal. di nko maka-antay makabalik sa field in january.
ano pa ba ang mga nangyari dis year? i guess tong website ko accomplishment na in itself. i'd like to take this opportunity to thank everyone who has been visiting and even more thanks sa mga regular dito, kahit amboboring ng mga blog ko lalo na ung mahahaba. almost 1000 hits in 4months, ayus! ako'y natutuwa pag nakikita ko ung hit counter tumataas ng malaki since last time i checked.. asteg. hmm, i was thinkin of reviewing the year (music, movies, sports, events, batch, etc) kaso nakulangan ng time ehh.. malabo na magawa un ngyon.. hehehe.

to recap the last two days i went to visit jc (na nagkasakit im sure u know) kahapon. ksama ko si nicco. gaille din dapat pero she went to town nlg. tas nagtown din, met up w/ gaille tapos pumunta na sa congo grille for dre's party. asteg! after nun tumambay sa may general area (westgate, festi, atc/madrigal area) paikot ikot sa mga kainan and hangout places. i was with jc, sandro, gelo, reo, nicco, janeca and gaille. tapos umuwi kela dino, pero pumunta muna kela melo. met up w/ neil and dale, dino melo herky at moja. tapos ay umuwi na kela dino nag-ps2 till the sun came up. umuwi ako mga 3, binake ung mga order ni gaille na crinkels tapos na2log sandali, gumising tapos eto. baka me lakad mmya post-midnight di ko pa sure.
Mga pagbabati: lahat ng nakasama ko nabanggit ko lahat yan dyan sa taas. at si ryan nga pala na ewan ko kung nsa hong kong pa ngyon or nakauwi na (ah ulul). si carla na kachat ko ngayun. and! belated happy bday to ate mon.
Song of the Moment Third Force - Force of Nature
       
d-t: 122904 [ next ] [ prev ]
isang araw na nasulit
  makulit na day. last night nagchachat ako pero na-interrupt ng aking mga magulang. so me mga conversations na naputol. naurat ako, slept early, 12midnight, tas ung mom ko was still in my room using my pc. argh. nagising ako ng 2am, gcng pa dad ko at nagn-net pa sa office nya. kumain ako tas natulog uli mga 4am. woke up again at 7am. nagkape. tapos dami ko nagawa ngyong araw na to. nagpunta lto, finally na-asikaso na ng erpat ko ang pagkuha ng aking lisensya.. (actually student permit palang ito kahit me alam na ko sa larangan ng pagpapatakbo ng auto. kac nga di inasikaso) (ah ulul) un, nagpunta kmi ng mga 10.15 kac nagcng ate ko 9am ehh kasama din cya.
tapos nun ay nagpahatid sa alabang hills (ortuoste house) andun si gelo at reo tapos pumunta kmi sa bahay ni gaille. tumambay duon at nanuod ng Finding Nemo. me makulit pa nga na "purple fin"...ah ulul. di nag magic-sing si adrao. tapos neto ay umuwi, tumambay si nicco at gelo sa aming bahay. dumaan pa nga c gaille for a while (kac may kinuha ung mom nya sa conti's d2 sa bf) (ah ulul).
after nun ay sinamahan ko si gelo pumunta sa bahay ni dino kung san cya sinundo (alam na kc ng sundo nya ung bahay ni dino tas di alam san ung bahay ko) (ah ulul). nakita ko dun si vitug at si melo. mga 8pm nko nakabalik sa house, kumain ng dinner na steamed na isda.
di pa nakakatagal matapos ang hapunan, nagdoorbell si neil at dale sa bahay. after some persuasion ay napaalis nanaman nila ako sa bahay para muling bumalik kela dino. pagdating dun tumambay at nag jam ng onti si dale at neil. tapos ay sabay-sabay na kmi umalis nina dale at neil.
nung umaga tinawagan ko si jc na nsa baguio. turns out na-ospital pala cya dahil sa isang viral na inpeksyon. i think it's the meningo-sumthin-coccima ek-ek thing na nsa baguio. ok na daw cya ngaun. kulit nga eh sbi nya sakn "could u tell every1 dat im sick" (referrin to mga tao-tao na me kinalaman sa kanya) ehh tapos lahat pala ng sinasabihan ko ay me alam na ng balita na to. un pla nagtxt txt un mga un.. cympre di nanaman ako makasali la ko fone ehh (holdap)
Mga pagbabati: mga nakasama ko kanina.. dad ko at ate ko (95 ako!); si reo (pusa), gelo (tsk bat di mo sinabe agad?!), nicco (ayus, drums ah), gaille (crinkels!); dino (adik adoook), melo(gta), herky (bat ka napadpad d2?); dale (buk report, huh?), neil ("naglakad kmi d2 para syo!!"); special mention jc (umayos kaa!)
Song of the Moment lostprophets - To Hell We Ride
       
d-t: 122704 [ next ] [ prev ]
what d hell is wrong wid dis year?!
  has anybody else noticed how many people have died this yr? probably mga iba dyan wlang pakialam kac di naman nila kilala ung mga namatay. this year was stock full of tragedies and other stuff. hindi ito panakot at lalong hindi ito means of questioning our faith. bagkus ito ay isang obserbasyon lamang so pls don't tell me na "ano ba yan! wag ka magdwell on death etc.." or "eh it's god's plan.." because i already know. i'm merely enumerating the things i have observed about this year.
siguro para sa ibang tao ay naranasan na nila ang sunud-sunod na news ng death of someone they know or are related to, pero para sa akin eto lang ung year na tlgang nasa harap ko kadalasan ay news ng may namatay. so siguro this influences my view on this year as d most tragic year ever. wag naman sana kyo mabigyang stress or trauma sa mga i-enumerate ko dito.. tignan natin:
  > January palang ay meron na tayong bad news right away. ang trahedya ay tumama sa ating home away from home - sa school. ang tragic death ni francis perlas ay shocking news indeed. buong school ay nabulabog sa nangyaring ito.
  > also in January nadiagnose ang aking pinsan ng acute mylogenous leukemia. ito ay isa sa mga agresibo at rare na leukemias.
  > terrorist killings specially in Iraq. may mga amerikanong pinatay dun.
  > calamities abroad. nagka hurricane sa may Florida. also, there were some earthquakes in Japan.
  > in september, namatay ang aking lola. it was followed by the death of my cousin 3 weeks later in october.
  > various news of freak accidents dito. tyka various news of deaths from friends and family members.
  > towards the end of the year, consecutive typhoons dito sa pilipinas. hundreds dead.
  > death of public figures/icons/celebrities/famous people. sa international news, si Yasser Arafat passed away, also actor Christopher Reeve (sandro, wlang 's' sa dulo!). dito naman sa pinas "da King" Fernando Poe Jr. and daughter of Jose de Venecia.
  > mga balita sa batch: father of chris dizon.. bro. ng lolo ni gaille reyes.. and (on xmas day!) the brother of batchmate myka morales.
  > the latest calamity: tidal waves sa southeast asia killing thousands in multiple countries. ("tidal waves they rip right thru me...." Blink-182 - Down)..
di naman natin lugar para i-question bakit nangyayari ito. it just really happens. di mo pde pigilin ang sarili magtaka bakit sunud-sunod parang kaht san ka tumingin may namatay. but it's true. this yr was full of death. un ung characteristic ng 2004 para sa akin. it was a sad year. so just pray nalng for all the souls of those who passed away and keep trusting in God dahil sa wakas ng lahat Siya din ang magliligtas sa atin.

...on a lighter note, nagtown nnman aku kanina after lunch. same people pero slightly modified may dumagdag at may mga wla.. haha! dami zobel kanina sa town (lagi naman ehh!) and also zobel alumni. i finally bought pahabol xmas gifts para sa mga di ko nabigyan spec. pamilya ko. actually pauwi na ehh naisip ko lang parang afterthought lang "onga no, wla ko regalo sa kanila.." so that was it.
Mga pagbabati: mga kasama sa town kanina: gaille, nicco; sandro; mikki, gelo, dino; pati lhat ng nakita ko sa town kanina. si reo na di ko naabutan umalis na bago ko nakarating town. si jc na nasa baguio ngayun. ayus!
Song of the Moment lostprophets - Goodbye, Tonight
       
d-t: 122604 [ next ] [ prev ]
humabol nga kyo! haha
  kachat ko si gaille kagabe, actually madaling araw na rin so technically kanina, tas sbi nya ano gus2 ko 4 pasko kac inde nya ko nabigyan gift. so cnabi ko sknya na icheck nya ung nov. blog ko na tungkol sa xmas wishlist!! haha. andun ung mga gus2 ko. ako naman naisip ko tignan ko din ung wishlist nakalimutan ko na kung ano mga pinaglalagay ko ehh. tapos nung nakita ko na, chinek ko na rin anu-ano dun ang mga nakuha ko.. so eto un:
Mga nakuha:
  > damit (polo, shirt na may kwelyo, sapatos)
  > CDs (not all of them nagus2han ko pero meron ako nagus2han)
  > maraming maraming kape (not as a gift tho, bumili sa tagaytay)
  > pera. cash. asteg.
  > remembrances/other fun stuff
So cympre mga di ko nakuha ay:
  > drumset, motorsiklo (hahahaha!!)
  > damit (pantalon, medyas, brip) haha
  > i-pod or non i-pod mp3 player
  > video card, monitor, speakers
  > karagdagang sapatos at slipknot stuff, relo

Sa tingin ko maayos naman at masaya ang pagsasama ngaung pasko. la naman ako nakaaway, astig din ung days b4 pasko nung bakasyon. halos pare-pareho lang kasama ko pero astig kac cla. tignan niyo mabuti ung listahan! specially kung wla ka pa regalo sken!! [rubs palms] (amp.. haha.) loko lang.
Mga pagbabati: mga nakasama ko this vacation so far. ung crowd na un. ang bandang 1o8. si jc at gaille na mga kachat ko nung sinusulat ko to pero umalis.
Song of the Moment Foo Fighters - Generator
       
d-t: 122604 [ next ] [ prev ]
happy christmas to all
  unang una sa lahat maligayang pasko sa lahat! ang araw na kakalipas lang ay isang testimonya sa ating pagiging mga kristyano at mga mabubuting tao. convinced na ako na we didn't really "not feel" xmas, it's just dat, dis yr was diff't for all of us.
pauna na sa lahat na this year was not an exceptionally happy one. di makalilimutan na at this yr, so many people passed away. either those close to us, those close to our friends, one beloved school mate or even the hundreds who perished during the typhoons, this year seemed to be ruled by death. im not saying it's a bad thing. it's just that un talga ang nangyari this year. and it's such an inappropriate day to come to that realization.. kakatapos lang ng pasko. so ill end that chain of thought there.
oh un, today bumisita kmi sa both sides ng pamilya! actually, sa house ng tita ko, dun kmi nagkita- kita. konti rin lang kmi kanina dahil ang iba ay nasa states. sa other side naman, di na din kami nakapunta sa main selebrasyon pero binisita nlg namin lolo ko sa baclaran.
ang magandang nangyari ngayong araw na ito ay nakakuha ako ng pera. di ko naman iisipin na sobrang laki netong perang ito pero im really thankful to God for whatever sum i got. umayos ang pasko ko bigla, parang binawi lang Niya ung pagkakaholdup sakin, at sobra sobra pa ung "binalik" Niya sakin. He is good.. maligayang kaarawan nga pala sa ating savior, Jesus Christ.
on a similar note.. happy bday din ke christian blanco! ayus!
Mga pagbabati: buong Liwanag side, at mga ilan sa Medina side (hehehe!)... si gaille na aking kachat ngaun. si christian blanco na may kaarawan ngyon, er.. kahapon. asteg!
Song of the Moment melody-valentine - Housing Romance (live at the Battle of the Bands 2004)
       
d-t: 122404 [ next ] [ prev ]
isang munting seleksiyon tungkol sa isang munting pasko..
  so eto na, nabasa ko ang mga blog-blogs ng mga tao at sa 22o ay mixed ang moods ng lahat ngayong pasko. marami ko nkikita dyan na di excited, di feel ung pasko, parang wlang saysay, parang "what for?" ang iniisip nila. meron din namang mga solid excited, mga "waaahh!" (pano-pano? "waaahh!"), mga di na mapakali, mga handang-handa na. and still, meron din mga parang wla lang, magdadaan ang pasko di nila namalayan. sa kabila ng lahat ng selebrasyon (or lack thereof) ay di nila nahalatang the holidays are upon us.

simula nung tayo'y bata pa ang pasko na ay napakaspesyal na panahon para sa ating lahat. dito tayo nakakakuha ng regalo at pera, lahat ng laruan na gus2 natin, daan-daang piso pambili ng mga gamit na para sa atin din. dito tayo nakikipagkita sa mga pinsan at tito/tita, mga kapamilya. dito tayo pwede kumain ng timba-timbang ice cream at kung ano man ang gus2 natin kainin dahil ang pasko para sa atin ay isang malaking fiesta! walang bawal, kaligayahan ay wlang limit. kahit just for 1 day ay pwedeng magwala tyo ng todo, at pwede natin ipakita na deep inside, gus2 lng tlga natin makakuha ng regalo! at siguro, after ng selebrasyon ay magkukulong na tyo sa kwarto para paglaruan ang mga bagong gamit na ating natanggap sa pasko. pilit pa tayong pinag-"thank you" sa nagbigay sa atin ng regalo (well, cguro di naman)..

as times went by lumaki na tayo. xmas day was fast becoming a bore. pag nakikita ang mga kapamilya, parang routine nalang. sawa na tayo, taun-taon ay pareho lang ung mga mukha, pareho lang ung mga nakahanda, pare-pareho lang ang nakukuha nating regalo katulad ng mga kapinsan natin. lahat tayo ay nakakuha ng t-shirt, magkaiba nga lang ang kulay. mas gus2 pa nating pera ang ibigay sa atin para pde nalang tayo mamili ng anong regalo ang nararapat sa atin... ayon sa atin. naging isang cycle lng ng pag-aantay, konting pag-usap sa mga kapamilya and other boring stuff.

ngayon naman, na tayo'y matanda na at mayroon ng nalalaman sa mundo, di ko maisip bakit nawawala ang meaning ng christmas para sa iba. ito ba'y dahil sa suliranin natin sa pamilya? sa skwela? sa ating mga kaibigan? pag-ibig? marami na tayong pinag-iisipan at most of the time we don't stop ourselves from thinking too much and just focus on the holidays. hinde, ang naiiisip natin, nako, pasko na uli! mawawalan nanaman ako ng pera pambigay ng regalo!, at di natin namalayan na naging hassle na ang pasko para sa atin. dati tayo ang nakatatanggap, ngayon naman mas malaki pa ang binigay natin kesa sa natanggap natin. lahat tayo wla na msyadong binibigay na halaga sa pasko, at ung season ay di natin naf-feel. parang un lang wala lang, pasko, ano ngayon? hindi dapat ganito..

sa tingin ko ay ang pasko na ngayon, nagiging obligasyon sa halip na selebrasyon. we're just doing it for da sake of doing it, tyka dahil it's always been that way. ngyon most of the time ay katext natin ang ating mga kaibigan, nagtataka ano gingwa nila, sinasabing dapat sila nalang ang kasama natin ngayong pasko.. TAMA! sa modernong panahon, mas gus2 na natin na kasama ang kaibigan kesa sa pamilya, mas "kool", mas fun, mas masaya kung ang pasko ngayon ay isa nalang malaking gimik. sad as it may seem, pati ang pasko ay ginagamit na dahilan para kumita ang mga tao. madaming xmas promo sa mga credit card companies, cellservice providers, etc! kahit saan may promo, pero ang motibo nila sa likod nito ay para kunin ang pera ng mga tao! when did it start becoming like that? dati, pag pasko, lahat nagbibigayan mga stores ay bukas at mga market may mga libreng prutas and stuff. pero ngayon, wla na. mismong ang pagsasama ng pamilya ay nasira na, replaced with more "urgent matters" that we have to attend to. bakit ang pasko ganito?

ang pasko ay about family. the "pamilyang banal" spent their christmas in a cold manger, and at this time they brought a savior into the world. sa tingin ko ay ito na ang pagmamahalan that rili captures ano ba talaga ang pasko? ung munting pamilya nila ay nakapagbigay ng ginhawa sa buong mundo during christmas eve. sana'y maintindihan natin na hindi lang ito obligasyon o tradisyon. sana'y di natin makalimutan na ung pasko mismo ang xmas gift ng Diyos sa atin - the fact that we are here and now celebrating christmas in honor of His love for us. im no preacher, sinasabi ko lang na pasko ay talagang araw ng saya and peace and giving and all that. just give yourself up to christmas day and all will be ok. kahit ung mga kaaway nyo ay makakausap nyo bigla and be able to wish them a merry merry xmas. try nyo lang, gagaang tlga loob ninyo.

personally, i'm excited for xmas. there's a lot of new things na mae-experience ko dis year. for 1 thing, kulang na kami sa pasko dis yr, since my lola and my cousin passed away - w/in 3wks of each other sila magkasunod. tapos prior to xmas ay na-holdup pa ako! and dat put a setback to my plans kac nung araw na un pa ako nagplano magstart mamili ng xmas gifts! kamalasan ehh!.. and i also got depressed about d situation w/ my friends, ung kada ko (read sandro's blogs for more bout dat) and then there's this certain person im really confused with, di naman todo confused pero nakakapagtaka sya! pero despite this, i learned to appreciate xmas dahil din naman sa aking pamilya. parang, sa pangaraw-araw na pagsasama namin ay parang tama lang ung mga nangyari, kahit meron din away, parang sakto lang din ung away. so in a way it was god's plan din, kahit nung times na may away iniisip mo din "bakt nangyayari ito??" so ngayon ay tatapusin ko na ang blog ko. ang haba na eh.

da thing u should remember is to spend christmas the way it should be spent. ang pasko ay once a yr lang dumadaan and we should make it as happy as possible not only for ourselves but for everybody else as well.

Mga pagbabati: una kong binabati ay si xtina, na nangungulit ngayon as im typin this. next, kayong lahat na nagbabasa neto. wish u all a merry xmas! ayus!
Song of the Moment New-Found Glory - Ex-Miss
       
d-t: 122304 [ next ] [ prev ]
TAGAY TAYo..
  today, i woke up quite early.. kac ung previous blog (also an entry for this day) ay inupload ko mga 12.30am so yun. i actually felt like lying down na mga 1am so it was kinda early ayus! kaso nga lang mga dalwang oras lang ako nakahiga bago ko nakatulog haha (dalwang beses nagbeep ung relos ng change hour.. hayy). kya un, pero bumangon ako kanina mga 7am! nagtry makatulog uli and slept till around 8.30am. tas nun ay nagpc, waiting for d supposed plan na ggwin namin nila jc for da day.
tapos ung dad ko sabi magbihis na daw ako bibili daw kami ng KAPE. haha. kac kami bumibili kami ng either fresh coffee beans o kaya grounded barako beans sa tagaytay. ginagawa ito pag december pati at end of summer break... kaya un, sumakto pa 2day. kaya pumunta tagaytay, kumain sa isang resto na home style (LZM restaurant, try nyo!!) tapos after lunch ay bumili na ng kape! ung coffee house ay solid tagal na namin pinupuntahan, dun ako natuto uminom ng great coffee! as in sila ung may tanim na beans and stuff (oo na!) tapos uminom narin ng coffee dun, so yun. while there ay tinext ko ang aking mga prends na pupunta ng town. tapos nun pauwi ay solid trapik nastress pa tuloy ung dad ko. medyo badtrip na pagdating d2 sa maynila. so un, nagpahatid ako sa town center at nimeet ang mga prends na katxt ko. (btw nakigamit ako ke ate ng selpon! la kac ako, holdup...)
so un, sa town ay halos la ginwa, just bummed around, hinintay ang mga prends matapos maglaro ng pc sa netopia tas nagikot-ikot.. yun. went home early din, mga 7pm nasa bahay na.
ung title na TAGAY TAYo ay dahil itong blog na to ay nagrerelate ng isang TAGAYTAY experience.. pero ngaung pasko ay gus2 ko rin makiTAGAY! sa mga tito or lolo or kahit saan! onting inom, onting saya, pero dapat may onting moderasyon din!! asteg..
Mga pagbabati: ang aking pamilya! ang mga tao sa LZM resto, ang mga tao sa Brewed 4u! pati un mga ksama ku sa town: jc, jello, nicco, jac, anjo at gaille. pati un mga nakita ko sa town kanina.
malapit na tlga ang pasko.. onting hintay nalang.. masaya!
Song of the Moment 1o8 - Arrows Always Flying (Live at the Battle of the Bands 2004)
       
d-t: 122304 [ next ] [ prev ]
of plans, udlot plans, and bigger plans
  today ay twisted day. i woke up, had coffee tapos nagpc ng sandali. ung sandali na yun naging ilang oras sabay narealize ko 8am pala ko nagising tapos nagppc pala ko hanggang 1130. so nung lunch time na ay kumain malamang tapos humanap ng lakad. i called up jc tapos ortuoste tapos dino. ehh ang labo din ng sked sabay di pa ko nakaligo kac naubos ung tubig sa tanke kac stupid ng bf waterworks. kaya nag-antay pa ko ng delivery bago ako nakaligo. d original plan was pupunta ko kela dino para maghangout tapos punta kela ortuoste tas punta kela jc. tapos ang gulo so nachange ung mga plano. tapos paglabas ko ng banyo sabi ng dad ko lalabas daw kami. so ang pinlano ko pupunta nlg ako ke dino after magtown wid family. ehh napatagal paguwi namin ay dinner time na kaya't di na ko nakapunta kela dino. lumabas ay di rin naman pala natuloy ung iba (jc at nicco) kaya nagbum nalang ako sa bahay at nagonline sandali tapos nakaisip ng bagong pakulo tapos to nagblog. so dat's bout it for d day.
abangan niyo ung pin-prepare ko para d2 sa blog. it's turning out to be really long so siguro ay di na ganun ka "in-depth" ang pagkakagawa neto pero astig ung pin-plano ko! i hope.. haha!
Mga pagbabati: binabati ko si dino at si jc at si nicco o. we make good plans haha. binabati ko ang mga nakita ko sa town kanina among them si adrao and anaR. also, the HAC ppl i saw di ko kyo natignan masyado kaya di ko lam cnucno. tyka ung mga iba na di ko maalala. binabati ko din ung mga nakachat ko paguwi kahit ambilis lang nun (jc again, arlene pati ryan).. lapit na magpasko! 2 full days 2go, and 9 full days b4 new year! sesese
Song of the Moment Slipknot - Duality (Live on Jay Leno 05-17-04)
       
d-t: 122204 [ next ] [ prev ]
habits and font sizes
  not rili a blog.. im just typin down random stuff. nagiging habit na yatang magblog pag madaling araw.. haha. kya minsan ung date malabo feeling ko da night b4 pa, pero technically ay next day na (ah ulul, sige sabi ko eh)
lumaki ung font ano? i took this certain person's advice (request) (discreet pagpapadinig), lakihan ko daw ung font size sa blogs kac nakakatamad basahin *ahem*arlene*.. so eto ngyon. haha.
kanina ay nagstay home lang, except for da 3hrs i spent at dino's place kasama si neil. kulit nga eh dpat andun din si jc, kaso di dumating i wonder why.. pero nagtown si jc?? eh?! dapat pumunta ka dude! ayus ehh. buo ung isa. so un, stuff. dino left for xmas party sa church so un, wla na kmi magawa ni neil kundi umuwi. paguwi ay nagtv hanggang dinner.. weh. napanuod ko nga wimbledon finals replay ehh, ung kay sharapova at williams.. stig tlga yun ayus (i used to play tennis) (ah ulul)
after dinner nagsimula magchat, di na tinigilan hanggang ngaun.. hayy, adik! ayus ayus. malapit na pla talaga magpasko.. only 3 full days to go tapos un na!.. ewan ko, it's kindof a rising thingy for me, ang pasko. parang mas enjoyable ung build-up kesa sa actual day. imean, xmas day ay masaya solid lalo na sobrang daming pagkain at masaya sa pamilya. pero d build up, ung few days bago magpasko ay solid nakakagaang ng loob. parang, eto na, lapit na. cguro ayoko lang harapin na after pasko ay onti nalang ang panahon bago bumalik uli sa trabaho. pero ayus lang trabaho, it's just dat xmas time is so much happier, pano ba naman yan once a yr lang ngyayare ehh. so un, asteg.
Mga Pagbabati: binabati ko si dino at si neil.. tayong 3, (aek).. ayus! haha. 108 naman tyo sumtym ng buo! haha. d oder members of 108: jc at dale, *apir!.. tyka lahat ng nakachat ko ngaung ga-BEH! sina carla, gaille, arlene, nicco, neil, steph, jello, milio, melo, chloe, ryan!
Song of the Moment Slapshock - March of the Ants
       
d-t: 122004 [ next ] [ prev ]
so bored
  sa sobrang bored ko nakadalawang blog ako ngayong araw na ito.. well last night's blog was considered as one for d day b4 (sunday) kac gabi ko ginwa un ehh, mga 3am ko na napost.
so un, gumising ako wlang tao sa bahay, tapos pagdating ng parents ko ay kinuha ko ang ingredients ng brownies sa ermat ko at nagsimula magbake. ginawa ko ito para sa isa kong kaibigan na pinuntahan namin sa bahay kanina. i was eating lunch w/ mom and dad nung dumating si reo at si dino. reo was really impatient hahahaha. so un, i took a bath agad, dressed up, tinapos brownies tapos pumunta na kela ortuoste. pagkapickup ay pumunta na kela gaille. soundtrip on d way der, etc. tapos pagdating kela gaille ay movie marathon and tambay. sobrang daming food hahaha. asteg. paibaiba ang GHE every time magsama ehh.. GHE meaning Greatest Host/ess Ever pag may nagc-crash sa bahay. After about 2 movies reo ay hinahanap na sa bahay so we went home. Tapos ay tumambay kela dino for a while then i went home na rin tinamad aku ehh hahaha. tapos sobrang bored ngayun nagblog.
Mga pagbabati: in order of meeting them kanina - dino, reo; nicco; gaille; jc, jello; claire! haha, sulitin ang bakasyon. salamat sa mga hits nga pala.. ive been checking the hit counter and mga 30 ppl have visited since i installed it nung sunday morning. asteg asteg! \m/
Song of the Moment Dashboard Confessional - Only Gift I Need
       
d-t: 122004 [ next ] [ prev ]
plastik
  as promised, i will blog about plastik ppl. nakakaurat kac ang mga taong ganun ehh.. just like our first lesson in panitikan sa filipino for d 2nd term, ako'y kumbinsidong may plastik ang mundo. forgive my useless rantings on the last entry about making this blog 'interesting' or whatnot. it's just a blog, after all. kaya eto ang aking pinangakong thoughts:

   Bakit ba mayroong mga taong sadyang balot ang lahat ng gawain sa kaplastikan? Bat di nalang magpakatotoo? Bat ung mga ibang tao, kala nila ang ginagawa nila tama, kac mas konting nasasaktan. Di nila alam, the person who really matters to them, un ang kanilang higit na sinasaktan. Tapos when it's too late, mar-realize nila na what they really wanted was right in front of them. Bakt kelagn magkamali pa sila ng ganun, at magsisi sa mga ginawa nilang un? Why couldn't they just think rationally the first time around, para maiwasan nalng ung pangit na pangyayari? Bakit kelagn magdaan ang ibang tao sa sakit na napadama ng taong pinaka- importante sa kanila? Bakit ung ibang tao sobrang plastik na di nila alam na sila mismo ay naging biktima ng pagkaplastik?
   Yung iba naman, bakit nagpapakaposer pa? Bakit binalot ang intensyon sa mga sugary shit and promises of service to others? Why don't they just come out w/ the fact na iba ang dahilan nila kaya nila ginawa ang kanilang actions? Bakit kelagn pa nila magsinungaling tungkol sa kanilang true purpose? Di nalang sinabe agad na if they didn't do the tainted trickery and cheating, hindi nila sa totoo kaya makuha ung gus2 nila. That's why they cheat. And afterwards, when things start going the way they intend, does that give them the right to gloat? Bakit kelagn pa magparade ng kanilang so- called "success"? Isn't it bad enough na nangdaya ka na nga to get something? Paano kaya un kinaya ng kanilang konsensya? How come the people who do all the bad things always end up getting what they want?
   At bakit ung mga iba naman tlga sobrang tanga and sobrang na�ve to just accept all that trickery and cheating? How can they stomach it? Why don't they stop pretending, go with what they really want and tell all the people to their faces, 'eto ang gusto ko'. What are they all so afraid of? Bakit nila pabababain ang kanilang sarili para lang wala nalang masaktan? Akala nila na wlang nasasaktan, pero in reality, the person whom they are trying to spare is the person that they end up hurting the most. How does it feel to be caught in a situation wherein the only way out, is all the way? Ang kelagn lang talaga ay recognition. Kailangan irecognize ano ba talga ang gusto mo. Then, from there, you can start becoming more true to yourself.
       Sana magising na sa katotohanan. Katotohanan - it's all ull ever have at the end of the day.

Sapat na siguro yan, yoko naman ung sobrang haba ng nilagay ko. Ok na yan hahaha.
In other news, namahinga ako today, hindi ako lumabas ng bahay except nung simula ng araw, 4.30am para sa misa de gallo/simbang gabi. Nakita ko pa nga si vincent sa simbahan. Ayus naman din ang araw ko. I fell asleep nung hapon kaya pag-gising ko, sobrang alert ng utak ko at hyper magisip. Tuloy, sa puro kaiisip ay nakasulat ako ng 4 lyrics for songs pero wla pang pamagat ung 3. Hahaha. Asteg nga eh. Iba-iba pa yung pangyayari sa 3, pero pag-ibig all 4 hahahaha.
I'm off to gaille's house 2day, hahaha. Sana'y may transpo si dino papunta dun. And a thought hit me - it's xmas week na. Hayup! lapit na pasko, ayus! Ah, at isa pa palang bagay: meron bang marunong sa inyo gumwa ng tagboard? Msg nyo ko pls! sa ym: luis_medz
Mga pagbabati: mayroong isang tao na nalink ko ung kanyang experience for da week dun sa mga pinagsusulat ko tungkol sa plastik. Hahaha, binabati ko un. Ang isa pang binabati ko ay si rico! tsk bigla ka nalang umalis nun friday! sabik na ko ehh! hahahaha.
Song of the Moment Jars of Clay - Five Candles
       
d-t: 121804 [ next ] [ prev ]
one week, an xmas partees, 2x udlot at isang friday night later.. bakasyon
  yehess bakasyon na ngayon! sa wakas, a break from all the stress, wla na mxadong hassle at ang tanging obligasyon na natitira ay ang obligasyon sa Diyos, maliban nalang ang ibang tao dyan na may "ibang" obligasyon.
i've decided to try and make things interesting for those who actually read dis blog. dun sa mga di ko pa nalilink ay pls mag-msg kyo sakin agad para malink ko kyo.. la ko celfone (holdap) pero pwde sa ym: luis_medz at sa friendster. anyway, ung interesting stuff sa blog ay just some things which i think ay di karaniwan na lumalabas sa blog ng isang tao. para naman it wont be just another blog. kahit papano, may leksyon o realization or just plain fun na naibigay other than magkwento ng aking mga gawain for d day. ewan bahala na nga. what follows is a recap of exam week for me:
  >Tuesday: had acctg and eco exams. may sablay nga ung aking eco reviewer ehh tungkol dun sa price elasticity ranges.. hayyy kakahiya. buti nalang at natanong ko pa kay ryan (tinaguriang "self-proclaimed hari ng eco") anu ba tlga ung tama. ung accounting ay isang nakakahilo na test. hassle na hassle ung iba dahil hindi nila natapos ung test. after nito ay umuwi ako agad, tinapos math reviewer tas pumunta kela ortuoste for grp study. went home sabay ke dino.
  >Wednesday: During the study group nung tuesday ay narealize ko mali nanaman ung info sa reviewer ko concerning where Jose Rizal grew up. I changed it in nicco's house (again) dahil it was correct the whole time pero di nagupdate ung geocities server for some reason. so inulit ko pa sa house ni nicco ung Kawit, Cavite to Calamba Laguna thingy. I found the Fil exam even harder than the math exam. Hassel ung ibang tanung na nakakalito.. pero onti lang. After that ay pumunta house ni iggy for study grp na physics at english. Nagbasket sandali, nothin great patira-tira lang. I had finished the physics reviewer before goin 2 iggy's pero ung find the angle part di ko pa nagawa. I figured it out w/ nicco's help kaso got 2 upload it mga 11pm na.
  >Thursday: I found out in the physics exam na sagad na sagad ung reviewer ko. ang dali lang pala nung test, hey admit it it was easy. si sir ezrel, after ko itake ung test, kinuha na nya ung papel ko at winasto na agad. Di pa ko tapos sa eng exam ay alam ko na ang score sa physics - w/c i had just finished taking! waaaah. I got a 68/70 pero ang dami kong mali, nabawi lang sa reflection and +pts sa class ni sir. The eng exam was the surprising exam. Nahirapan aku sa eng, dunno why it just seemed so confusing, specially poetic devices. ehhh. After the exams I went to town wid eles, halos wla ako ginwa. Nagkita pa kmi nila dino jc etc pero after awhile si dino lang sumulpot sa beConnected sa town. Turns out nagfesti na pla cla jc. Umuwi muna ku sabay ke dino tas tumawag kay mark para makasabay papunta ayala. We had a party sa bahay ni danilo - ung kada namin na bigla nlng nawala sa zobel. Makulit din ang gabi, it was different from the others, i guess. I got home mga 1am na tapos i had 2 sleep na agad dahil may pasok pa the next day. un ung last tulog ko starting from this pt in time.
  >Friday: xmas partee by section. Makulit dahil umalis ako sa bahay ng late kaso umabot parin sa mass. Wat d heck it's just a mass, ok lang naman ehh. Sat with dino and anjuli and i regret that i didn't really pay attention to the readings and the homily. so un, nagxmas partee, including giving of gifts to ppl, maghakot ng gifts sa mga ppl, mang-asar, umikot, nag slipknot sound3p, tas eventually it was over na. I got some cool gifts din hahaha. may nagbigay sakin ng mace pepper spray para daw next time na ma-holdup ako handa nko hahahaha! nice 1! anyway, maayos naman xmas party. tas nun ay nagpunta uli town ksama eles, after konting tambay sa skul at paggawa ng mga pinapagawa sakin ng mga tao. Sa town ay wala nanaman halos nangyari. nag-ikot lang at nagisip. mostly with ryan. tas nun ay sumama ke jc janeca adrao reo at gaille para tumambay kahit san. ended up bumming at nicco's house tas nanood ng movies. tapos nun ay umalis sa bahay ni nicco at kumain sa pancake house. saw a few batchmates there na papuntang house ni john. umalis na din and nicco brought myself, jello and gaille sa bahay ko. tumambay dun si adrao at gaille halos ginawa lang ay nag-paint sa pc at laruin ang aking pusa na siamese. eventually jello got picked up na, and after a few minutes ay si gaille din ay sinundo. i took a bath and started typin all this shit down.
masaya talaga ako na bakasyon na. i'm not really planning anything special sa break pero i hope na meron naman mangyaring astig at karapatdapat maalala. the xmas is fast approaching and in about 2 hours aalis nanaman aku ng bahay at mags-simbang gabi. so cguro tapusin ko na ung blog. next tym ako magblog, asahan niyong ilagay ko ang aking opinyon sa mga taong PLASTIK . u think ur so cool at kala mo na kaya mo lokohin lahat sa iyong kaplastikan, by wrapping it up in sticky stuff and tryin to be all sugary and shit. heh! magpakatotoo ka! ang mga dahilan mo, un ung panindigan mo gago!
yea, it goes sumthin like that. hahaha. basta, next time na.
Mga pagbabati: binabati ko ang buong batch. asteg! sunod na binabati ko ang mga tao sa study group: nicco dino jc gaille reo iggy diaz. asteg! sunod ay ang mga nagbigay sakin ng mga gifts 2day! maraming salamat! specially si ryan, si nicco, si dana, si adrao, si joseph, si arlene, si carla, si treeya, si janina, si auds, si cristina, ung mga kaexchange gift sa class at kada. ung mga ibang spesyal na pagbabati ay para sa mga nakasama ko kanina si jc adrao nicco at gaille. isa pang pagbati ke adrao at gaille for coming over to my house and chekin out d cat, at muling si gaille for being d very last person na nakasama ko for d day. binabati ko ang aking ate, ang aking mga kabanda, ang mga nasa other sr bands, at isang spesyal na tao na siguro makakapagpasaya o makakapagpalungkot ng pasko ngaung taon.
> > >kung pwede tawagan ninyo ko sa pasko, jus keep me company. wla ko selpon ehh (holdap) at dahil dito magiging malungkot kung wlang tumawag sakin sa bahay. ayun. alamin niyo nalang number hahahaha! ok un na un sesesesese. < < <
Song of the Moment Blink-182 - I Won't Be Home for Christmas
       
d-t:121304 [ next ] [ prev ]
exams, stress, fun
  it's exam week. this week im guessin will be stressful, pero ayus lang un. ang tlgang nakakapagpasaya sakin ay isang week nalang and it's practically xmas na! x-miss for some of us, specially ung mga depressed dyan! umayus kayo! masaya ang pasko! this yr ay ang huling xmas of highskul. cguro ay hindi pa tatama ang reality until mag-graduation na. it's just a few months away at ung usual mixed feelings ay andun. I wanna go to college, but i don't wanna leave high school. hahaha. un naman din yata ang mga nararamdaman ng iba sa atin ehh. u wanna go na u wanna stay.
anyway, ngayong araw na ito ay masaya. nagstudy kela ortuoste kanina tapos ap lang halos ung naaral. astig pala talaga ang ap.. sobrang magka-link lahat ng lessons w/ each other. kanina ay kasama sila jc, dino, ortuoste, jello, gaille, reo, iggy at diaz. after studying ay nagpunta bahay ni dino. ang adik tlga sa tantra ng isang to. parang bagong ragna na ehh. haha. sa tingin ko ay di na naga-aral un ehh! hahaha. pero masaya din tlga kanina. may chismoso, may chismosa, may 108, may gitara, may 90average, may inaantok, may matakaw!! lalo na sa siopao! hahahaha! kulit na study grp tlga.
Mga pagbabati: Paumanhin nalang sa mga taong di naniniwala sa kapangyarihan ng study group. Nakakatulong naman tlga ito ehh, pero for certain people lang. Kaya binabati ko ang mga nakasama ko kanina! sesese, godbless sa exam wk!
Song of the Moment lostprophets - Burn Burn
       
d-t: 120904 [ next ] [ prev ]
exams, christmas, waaahh
  exam week na next week. bukas nga me exam na ehh sa fl at sa cl.. hayy. nakakastress pero ayus lang. ang studies tlga, ang hirap balansehin. sometimes, it's so high up on your list of priority pero minsan, ang hirap tlga magaral. anyway.. im just blogging now para hindi na mxado solid ung makita nyong blog pagload ng page.
im over d holdup thingy na. it happens. commuting sucks. dat's life. ang lipunan natin ngyon (nako, napa-AP na ngayon.. wag na yan).. basta basically, ung holdup ay setback. pero ganun tlga, ngayun pa tlga nangyari eh malapit na magpasko. owell.. may way parati. kac andyan si god.
oonga no.. ang lapit na ng pasko! waaaahh. hayup. sana ay ganto ka-"kool" lagi ang pasko. pero, im kinda worried na ang pasko ngyon just d same as all the other christmases.. eh last pasko na ng "freedom" kac next yr college na.. hmmm.. tapos sympre sa family things will change. kulang na kmi ng dalwang tao dis yr.. my lola and my cousin. parang napapaisip ako ehh, kac yoko mag-aral.
nakuha ko na ang battle of da bands cd ke joseph. asteg! ang kulit ng mga sounds! kaso nga lang sayang putol ung sa 108.. hayy, ung last song na hataw pa tlga ehh. owell, i guess ill just borrow d video ni ann.
anyway, gotta study/work/gawa reviewer/print ap proj/chat/etc.... heh.
Mga pagbabati: binabati ko ang mga taong online sa panahon na ito. \m/ ninyo. dami ehh. pero un mga kachat ko ngaun arlene gaille at neil. may belated hapi bday pa pla anar at clairej! si ana lola na! pde na manood ng anu?! haha. charlene javier pa. happy 18th bday 2day. note: kung di naman mxadong abala pakibigay naman sakin links ng sites nyo oh. salamat. tyka add nyo ko sa ym: luis_medz pero pakilala muna kyo salamat uli. ayus
Song of the Moment 1o8 - Sunburn (Fuel cover at the Battle of the Bands 2004)
       
d-t: 120404 [ next ] [ prev ]
nawitness firsthand ang corruption ng Pilipinas
  i just think this day is worth documenting. first blog of d month and agad ang topic natin ay napakabigat...
    naholdup ako today.
yep. dat's true. hassel SOLIDO PUTANGINA. i feel rili bad. and everytime, i guess di mo alam kung ano na mgyayari sayo, kung pano mo iso-solve itong nangyari during the time it's happening. and then after it's done na and your stuff is gone, mare-realize mo "ah, i should've done this", etc.. that's d way i feel. however, habang ngyayari un, di mo naman alam to what extent ung pagkakaholdup sayo. of course ull cooperate, ehh kung saktan ka pa? cympre kelagn ibigay mo na, para naman hindi ka na saktan. i guess, that's what i'm most thankful for. dapat ay pupunta sana akong bahay ni jerry para sa acctg. proj. namin kaso eto, nauwi lang sa ganto.
my mom says nahypnotize daw ako. i actually knew what i was doing naman ehh. sa totoo, magaling lang sila magnakaw tlga. may fake story pa ehh. para daw i-"ensure" na hindi mawawala ung gamit ko. they even gave me my money back nung nabilang na nila magkano. or so i thought. un pala, ung laman nung panyo ko na binalik sakin, papel lang. argh. puta! so un, dey got my xmas money, my selpon, tyka worst of all ung atm card ko! fuck! eto ay isang napakaseryosong setback para sakin. aside from my own problems, nadagdagan pa neto: wla na kong pera! sa mga nanghold-up: mamatay na kyo! puta! sana ung mabili niyo gamit yang pera ko, mabulok at masira at isumpa sana kyo ng diyos! sana ung pagkain na kinakain niyo maglasang panis, at ung mga kamay niyo magkulay itim parallel sa mga maduduming mga ginawa niyo! sana kainin kayo ng inyong kunsensya hanggang sa hindi niyo na makayanang makatulog sa gabi.
dat's about it. hayy. don't bother texting. kung gus2 niyo, bigyan nyo naman aku pera oh! haha. para makabili ko gifts para sa inyo! wehehehehe. shit pare dis sucks. owell, dat's life. siguro dahil d2 ay mababawas-bawasan na ang aking paglabas. commutin sucks!
stay tuned nalang dito para sa new no. ko. di ko pa lam kung kuha ako ng plan or still be prepaid. in d meantime pde nyo ko kontak.. online, tawag kyo sa bahay or sa isa pang selpon di ko pa nga lang lam w/c one papagamit sakin ni mom.
Mga pagbabati: Dun sa mga dapat babatiin ko d last time i thought about blogging pero di ko tinuloy.. specially si gaille! sabi nya sakin magblog ako para batiin ko sya, di ko ginawa hahahaha! sa mga acctg grupmates ryan, dana, jerry and chris: paumanhin at hindi ako nakadating. sa totoo ay papunta na nga ko dyan eh na-waylay ako netong holdup na to. krappy day.
Song of the Moment Papa Roach - Between Angels and Insects

on christmas morning outside it was pouring all was hopeless in this home and no one speaking no one creeping to see if she was on the phone and u were quiet this routine riot is all but practical to me and if we see it why can't we be it, can we let each other be? //forget december it won't be better than i remember it before and this month only would be so lonely and not so homely anymore// new years eve came but nothing had changed all the problems just got worse we sat in silence the routine science could heal the sickness we rehearse and if im talking my words are mocking the deaf ears they have fallen on these words are tainted with years of jaded in a sense thats all but gone // anymore...anymore...anymore... // forget december it won't be better than i remember it before a silent night won't feel quite right its not so silent anymore.. anymore.. anymore.. anymore.. on christmas morning outside it was pouring all was hopeless in this home
Something Corporate - Forget December
Hosted by www.Geocities.ws

1