L U B A N G  I S L A N D :  Paradise Island Handog sa Pinoy

 (Mula sa Lathalain ng Philippine Information Agency. Region IVB. Vol.I,No.3)

 

 

                Bumisita kamakailan ang isang grupo ng mga kawani mula sa NEDA-IV-B sa Lubang Island upang magsagawa ng pag-aaral sa proyektong pangkaunlarang inihanda para sa dalawang pamayanan ng Lubang sa Occidental Mindoro. 

               Ang Lubang Islands ay matatagpuan 75 milya buhat sa Timog Kanluran ng Maynila, na ang hangganan sa hilaga, timog at silangan sa China Sea at sa Timog Silangan ng bayan ng Looc. Ito ay may lawak na humigit-kumulang sa 11,395 ektarya na binubuo ng 16 na barangay. Ang mga ito ay ang Likas Silangan, Ninikat ng Pag-asa, Araw at Bituin, paraiso, Banaag ng Pag-asa, Bagong Sikat, Maginhawa, Barangay , Binakas, Cabra, Maligaya, Maliig, Tagbac, Tangal, Tilik, Vigo at Sorville.

              Sa pakikipanayam kay Pablo Serrano, Occidental Mindoro Field Officer , sinabi niya na ang pangalang Lubang ay hango sa lumbang, isang uri ng punong kahoy na sagana sa isla nuong unang panahon. Matatagpuan anya sa barangay Sorville ang Gozar Air Station na nasa tuktok ng pinakamataas na bundok ng Lubang at nagtatanod ng 24 na oras sa Philippine Air Corregidor. Ang Parola naman sa Cabra Island na unang nasindihan nuong Mayo 1896 ay nagsisilbing giya sa ocean faring vessel na lumalaot sa Philippine Sea Corridor sa China. Mainit ang ginawang pagtanggap sa mga bisita ng mga mamamayan at opisyales ng bayan ng Lubang na nakikita sa mga streamers at T-shirts na kanilang suot. Ang mga salitang Lubang Islands :Paradise Island at Dream Big, Act Big ay nagbabadya ng isang libo't isang kahulugan sa Lubang at sa mga taong naninirahan dito. Nagbigay naman ng briefing si Mayor Johnny M. Sanchez, isang retiradong koronel tungkol sa kalagayan ng pamumuhay na sosyal at politikal sa Lubang. Binanggit niya na kung ang pagbabatayan ay kalakal at komersyo dito, diretso ang ugnayan ng Lubang sa Maynila. Ang pagkakaugnay lamang ng lugar sa lalawigan ay politikal. Sinabi rin ni Sanchez na kabilang sa flagship project dito ay ang pagpapagawa ng Tilik Port sa Lubang. Inaasahang ito ay matatapos makalipas ang dalawang taon na nagkakahalaga ng P53 milyon. Operasyonal na rin ang isang terminal na pampasahero at interesado din ang JICA na pondohan ang irrigasyon ng may 2,000 ektarya sa isla. Namigay din ang pamahalaang pambayan dito ng libreng palikuran at libreng instalasyon ng koryente sa mga mahihirap na pamilya.

Binisita din ng grupo ang apat na ektaryang Lubang Demo Farm at nagtuloy sa Hulagaan na kinalalagyan ng isa sa mga kilalang talon dito.

               Ang kanilang huling pinuntahan ay ang bayan ng Looc na sagana sa lamang dagat tulad ng pusit at danggit. At dito sa tinaguriang bantayan ay kanilang iprisenta ang pre-feasibility studies ng Fisherman's Wharf Project sa Looc at Lubang Island Community Aquaculture for Greater Economic Security (CAGES) project sa Lubang. Matagumpay na tinanggap ng mga lokal na mamumuhunan at ng mga mamamayan ang proyekto isang indikasyon ng pag-unlad ng pamayanan. Napakaraming potensyal na maihahandog ang Lubang Islands lalo na sa agrikultura at ecotourism. Kabilang sa kanilang produkto ang palay, bawang, mani, seafood o lamang dagat at asin. Kapag naipatupad ang modernisasyon ng produksyong pangsakahan at pangisdaan maaring maging food bowl ng Rehiyon MIMAROPA ang Lubang. 

              Naging bantog din ang isla ng Lubang noong Marso 9, 1947 nang ang kaisa-isang Japanese Straggle na si Lt. Hirro Onoda ay sumuko matapos ang 30 mahabang taong pagtatago sa kagubatan ng isla. Kailangan ayusin at paunlarin ang industriya ng turismo sa Isla. Malaki ang maitutulong ng Department of Tourism upang hindi na hanapin pa ng mga Pinoy ang paraiso, sapagkat ito ay inihahandog ng mala Kristal na Isla ng Lubang.

   More News ...

 

    Port Terminal

 
1