Ano and Processes?
Ang process ay kahit anong program na ini-execute nang inyung PC. Sa Linux pag nag start kayo nang isang process, binibigyan nito ang process nang numero mula 0 hanggang 65535, kung saan ang numerong ito ay inyung magagamit upang i-terminate o i-monitor ang status nang process.
Bakit kailangan ang process?
Ang Linux ay isang multi-user, multitasking na OS , Ang ibig sabihin nito ay ma-aari kayung mag execute nang mga program nang mahigit sa dalawa nang sabay.
Halimbawa:
>ls / -R | wc -l
Ang command na ito ay hahanapin kung ilang bilang nang file na nasa root "/" directory. Dahil sa madaming file sa inyung OS ay matagal ang magiging proseso. Lagyan nang "&" katulad nito upang mag run ang process sa background.
>ls / -R | wc -l &
Ang "&" sa hulihan nang command ang nag sasabi sa shell na i-start ang command at i-execute sa background. Ang bilang na i-print nang shell ay ang PID o "process ID".
Mga command na magagamit sa process:
>ps
Upang ipakita ang mga gumaganang process.
>kill 101
Ito ay command para pahintuin ang isang process na may PID na 101.
>ps ag
Ito ay upang alamin ang mga informasyon tungkol sa mga gumaganang process.
>kill 0
Pahintuin lahat nang process maliban sa shell na inyung ginagamit.
Kadalasan ang mga input sa isang program ay nangagaling sa keyboard. At ang output naman ay i-print sa screen. Sapamamagitan nang redirector ay maaari nating ilagay ang output sa file o kaya ay kunin ang input mula sa isang file.
> Redirector Symbol
Paggamit: Linux-command > filename
Halimba:
>ls -la > my_list_of_file.txt
Ang command na ito ay ilalalagay ang output nang "ls -la" sa my_list_of_file.txt
kung mayruon nang file na "my_list_of_file.txt" ito ay ma overwrite o mapalitan.
>> Redirector Symbol
Paggamit: Linux-command >> filename
Ang command na ito ay idadagdag ang output nang "ls -la" sa my_list_of_file.txt kung ito ay mayruon na.
< Redirector Symbol
Paggamit: Linux-command < filename
Ang command na ito ay ginagamit upang gamitin ang laman nang "filename" na input sa "Linux-command".