chmod-chown

Paggamit nang chmod


[Kodiko]
RWX
000 - > 0
001 - > 1
010 - > 2
011 - > 3
100 - > 4
101 - > 5
110 - > 6
111 - > 7


[Mode nang isang file]
r - Read, maa-ari nating mabuksan ang file.
w - Write, maa-ari nating mabago o mapalitan ang laman nang file.
x - Execute, maa-ari nating i-execute ang file, kung directory naman ay maa-ari nating I browse ang laman.

[Ownership nang isang file]
u - user, o ang user na nag mamay-ari nang file.
g - group, o ang grupo na nag mamay-ari nang file.
o - others, ang lahat nang user na naka rehistro sa /etc/passwd

chmod

Ang command na ginagamit sa pagpapalit nang mode nang isang file.

Paggamit:
chmod [option] [0 to 7][0 to 7][0 to 7] [filename]
or
chmod u=[rwx],g=[rwx],u=[rwx] [filename]


Halimbawa:

Filename - > test
Surin natin:
> ls -la test [ Ito ay mag bibigay nang detalyadong information tungkol sa test file]
-rwx------ 1 sirjohn sirjohn 1192 Sep 5 15:21 test

ang unang bahagi ay nag tutukoy sa karapatan sa isang file.

'd' ang file ay isang directory
[rwx] [rwx] [rwx] - ang mode ay ganito ang pagkakasunod sunod [Karapatan para sa user][Karapatan para sa grupo][karapatan para sa lahat]

[-rwx------] ang user lamang ang maaaring mag basa, baguhin ang nilalaman at I execute ang file. Ito ay resulta kung ang command ay.

>chmod 700 test

[-rwxr-----] ang user ay makarapatang mag basa, baguhin at I execute, ang grupo naman ay may karapatang basahin lamang.

>chmod 740 test

Karagdagan:
Kung ang inyung file ay isang directory, at nais ninyung baguhin ang attribute nang lahat ng file sa loob nang directory na binanggit maa-ari kayung gumamit nang -R na option.

>chmod -R 740 testdirectory

sa pamamagitan nang command na ito lahat nang file sa loob nang testdirectory ay mababago ang attribute.

Paggamit nang chown

chown ay command na ginagamit upang palitan ang user o grupo na nag mamay-ari sa isang file.


Paggamit:

chown [option] [username]:[groupname] [filename]


Halimbawa:

>chown sirjohn:admin test

Ang resulta ay ang file na test ay maggigin pagaari ni sirjohn[as user] at nang grupong admin.

Kung nais na baguhin ang pagmamay-ari sa isang folder gayundin ang laman nito ay gumamit nang -R na option.

chown -R sirjohn:admin testdirectory.

Exercise


> man ls
> ls
> ls -la
> ls > test.txt
> man pwd
> pwd
> mkdir test
> cd test
......


Author: Sir John Nueva
Date: 2005-11-19
Email: [email protected]
Hosted by www.Geocities.ws

1