Contents:
man
pwd
cd
/, ../ at ~.
ls
mkdir
cat
whereis
whatis
ln
cp
mv
more
less
|
Ang man ay command na ginagamit upang makita ang manual nang isang program,
utility o kaya ay function.
Paggamit
man [command, utility o function]
Halimbawa
>man ls
Ipakita ang manual page ng ls na command/program.
>man fstab
>man inittab
Gamitin ang Arrow key [Up at Down] upang makita ang iba pang laman.
Para umalis sa manual page Gamitin ang 'q' key.
Ipakita o i-print ang kasalukuyan directory.
Lumipat sa ibang directory.
Paggamit
cd [Path sa Directory]
Halimbawa
>cd /
Lumipat sa root directory
Ito ay mga character na tumutukoy sa location.
Ang ./ ay tumutukoy sa kasalukuyang directory.
Ang ../ ay tumutukoy sa parent directory,
Kung ang kasalukuyang directory ay /home/sirjohn ang ../ ay tumutukoy sa /home.
Ang ~ ay tumutukoy sa home directory ng isang user.
Ang user directory ay naka-configura sa /etc/passwd.
Ang default na kinaroroonan nang user directory ay /home.
Halimbawa
>ls ~
Ito ay command upang malaman ang nilalaman nang iyong home directory.
>cd ../
Ito ay upang lumipat sa isang directory pataas nang kasalukuyang directory.
>./myprogram
Ito ay ang pag execute namg program sa kasalukuyang directory.
Ang ls ay command upang ipakita ang laman nang isang directory.
o detalye nang isang file
Paggamit
ls [OPTION]... [FILE]...
OPTIONS:
-a, --all huwag itago ang mga file na nagmumula sa '.'.
-l, i-lista ang mga nilalaman isang file bawat line.
--help, ipakita ang help page.
-X, ayusin naaayon sa alphabet.
-h, --human-readable ang size ay nasa 2G, 2M, 3K na format.
Para makita ang completong manual page, 'man ls' o kaya ay 'ls --help'.
Gumawa nang isang directory.
Paggamit
mkdir [OPTION] DIRECTORY...
OPTIONS:
-m [Halimbawa -m 700], --mode=770, Mag bigay nang permission mode sa directory [Katulad nang paggamit nang chmod].
-p, --parents, Kung ang parent directory nang directory na inyung gagawin ay wala pa, Automatikong maggagawa ang mga ito.
-v, --verbose, ipakita ang message sa bawat magagawang directory.
Halimbawa
>mkdir --mode=770 test
Gumawa nang isang directory sa kasalukuyang directory kung saan ang permission mode ay 770.
>mkdir -p ~/tmp/picture/2006
Gumawa nang isang directory sa home directory at gumawa nang parent directory /tmp/picture kung ito ay wala pa.
Pagdugtungin ang mga files at i-print sa standard output o screen. [...Ipakita ang nilalaman nang isang file]
Paggamit
cat [OPTION] [FILE]...
Halimbawa
>cat /etc/fstab
>cat /etc/inittab
>cat /etc/passwd /etc/group
Hanapin ang binary, source at manual
OPTIONS:
-b Ito ay ginagamit upang itrato na program file ang inyung hinahanap.
-m Ito ay ginagamit upang itrato na manual file ang inyung hinahanap.
-s Ito ay ginagamit upang itrato na source file ang inyung hinahanap.
Halimbawa
>whereis -b vi
Ang command na ito ay ipakikita kung saan nanduon ang vi program file.
>whereis -m vi
Ang command na ito ay ipakikita kung nasaan ang vi manual file.
Ang bawat manual page ay may maigsing paliwanag kung saan
ginagamit ang isang command, sa pamamagitan nang whatis ay
makikita nag maigsing paliwanag na ito.
Halimbawa
>whatis man
OUTPUT:
man (1) - an interface to the on-line reference manuals
man (7) - macros to format man pages
>whatis whatis
OUTPUT:
whatis (1) - display manual page descriptions
Gumawa nang link sa pagitan nang mga file.
Uri nang link
Symbolic links
Hard links
Paggamit
ln [OPTION]... TARGET [LINK_NAME]
ln [OPTION]... TARGET... DIRECTORY
ln [OPTION]... --target-directory=DIRECTORY TARGET...
Halimbawa
>ln -s /tmp
Gumawa nang symbolic link nang /tmp directory sa kasalukuyang directory.
sapamamagitan ng link na ito ay maari kang lumipat sa /tmp, >cd ./tmp