*************** ========== H U L A S C O P E ========== ***************




Aquarius (January 20 - February 19)


Mag-ingat sa pagsakay sa taxi-kad. Kung hindi man mabaho ang kili-kili ng kasabay mo, ay maaaring mabaho ang driver ng trisikad na sinasakyan mo.



Pisces (February 20 - March 20)


Iwasan ang magalit sa susunod na mga araw sapagkat ikaw ay makatanggap ng masamang balita. Sosorpresa daw ang nanay mo sa iyong tinutuluyang boarding house na may dalang pera. Pero ang masaklap dito, dahil sa iyong pagka-galitin dahil hndi maalala ng nanay mo ang iyong tinitirhan nagmamadali siya at pabalik-balik sa pagsakay sa tri-sikad hanggang sa maubos ang perang dala nito. At hindi mo rin naman siya masundo dahil may removal exam ka sa Algebra... Hmp.. how sad.



Aries (March 21 - April 19)


Malilito ka kung sino ang pipiliin mo. Boyfriend mong gwapo, o instructor na may hawak ng grades mo. Tandaan, piliin ang sinisigaw ng bibig hindi ang puso, dahil ang puso ay walang bibig. Haha.. Importante, wala kang gagawing masama! Yun lang..



Tuarus (April 20 - May 20)


Mamalasin ka pag tumabi ka sa mga taong puti ang damit na nakaupo sa Student centers. Sila ay mangungulangot sa araw na ito at ang malas dito sa'yo matatapon ang dumi nila. Yuck! Pero may swerte na pangontra sa malas. Mag dala lang lang ng panyo para may magamit kung sakali mangyari ang nakagigimbal na sakuna.



Gemini (May 21 - June 21)


Kasiyahan ang darating sa iyo sa mga panahong ito. May makikilala kang lalaki na BSECE. Magugustuhan mo siya at siya ay manliligaw sa'yo. Ngunit hanggang dyan lang ang kasiyahan mo dahil sa kanyang panliligaw para syang sira-ulong scientist kung magsalita ex. Girl, I love you like a tangential component meets the normal force at the critical point. Kaya mo??



Cancer (June 22 - July 22)


Take care of your health and of course your body.........odor. Dahil kung hindi, well,wala namang masama kung hindi swerte ang darating sa'yo despite of the fast approachng christmas! Lifetime supply of tawas sponsored by tawassupply, inc. No offense ^^



Leo (July 23 - August 22)


May swerte at malas na paparating sa buhay mo sa mga susunod na araw. Maswerte ka ngayon dahil hindi ka makakatanggap ng 3.0 na grade sa sem na ito. Pero ang masaklap wala ka rin naman palang matatanggap dahil hindi mo pa napasa ang project mo sa Webpage Design & Development na Website. Ayun tuloy wala ka list ng mga pumasa.



Virgo (August 23 - September 23)


The virgin ika-nga. Freshmen usually has the young minds which is prone to infection kaya super ingat sa mga ins*******rs. Marami dyan ang mapagsamantala. Be wise, do not be fooled by fine talk. Give them yout fooling smile para sila ang ma torete hindi kayo. You still have a bright future ahead.



Libra (September 24 - October 23)


Huwag itapon ang mga bagay na mahahawakan mo sa mga oras mula 11:00 am hanggan 1:00 pm dahi ito ay malas. Bakit? Obvious! Kasi kalakip dun ay pera na pambili mo ng lunch sa cafeteria. Malas mo subalit swerte sa makakapulot nito.



Scorpio (October 24 - November 21)


Ayon sa isang pinag-uusapang movie na kumakalat noon at kumakalat parin hanggang ngayon sa campus, the only secret to top the exams is to elevate your score or if not, lower the others. Pero some piece of advice lang para sa mga Scorpio, hindi mo magagamit ang lahat ng ito dahil hindi ka makapag handa dahil sa pagbabad mo sa facebook kasi ginawang open to public access sa ICT. Ganito na lang ang gawin mo. Bumili ka ng x-ray vision glasses para makita mo ang sagot tuwing may exam kayo.



Sagittarius (November 22 - December 22)


Mula din sa pelikulang pinag-uusapan na nabanggit sa Scorpio, para sa mga Sagittariius tandaan, "if your friend fails, you feel sad. If he tops, you feel worse". Totoo naman diba? Don't let them reach the top ahead of you because you deserve more than them.

Capricorn (December 23 - January 19)



It's your lucky day. Ang dapat mo nga lang gawin ay huminga ng malalim at ipikit ang mga mata. Kaya't sige na managinip ka na maya-maya ano mang nais mo'y mapapa sa'yo.... Mangarap ka broooooo!!!!



P.S. huwag kang pauuto sa mga sinabi dito.










back to Home