ARALIN 1


Pinagmulan ng Daigdig

Panimula
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming tribong-etniko tulad ng Ifugao,
Bontoc, Tboli, Bagobo, Marano, Yakan at iba pang pankat na may sari-sariling kultura na pinagyayaman.
Ang kanilang mga talino at kahusayan ay nakikita sa mga disenyo na kanilang inilalagay o iniaangkop sa mga gamit at kasangkapan.
Ang mga ito ay tinatawag na katutubong sining.
Ang mga katutubong sining (folk art) na maituturing na pamana ng lahi ay maipagmamalaki ng ating bansa.

Ito ay tumutukoy sa sining na nilikha ng mga malilikhaing pangkat ng Pilipino na nagtataglay ng kakaibang kagandahan
at disenyo na hanggang sa kasalukuyan ay lumalaganap pa rin. Ang ilan sa mga ito ay Bulul ng Ifugao, nililok na kahoy ng Paetenos
at Okkir ng Maranao.


Layunin
1. Naipagmamalaki ang mga katutubong sining (folk art)
2. Natutukoy at natatalakay ang mga katutubong sining na patuloy na pinagyayaman sa ating bansa.
3. Naipakikita ang pagpapahalaga sa mga katutubong sining sa pamamagitan ng paglikha ng mga gawaing pansining at pagpapaunlad
ng mga disenyo nito.


Paksa 1: ANITO NG IFUGAO
Ang Mountain Province ay kabilang sa Cordillera Administrative Region (CAR) ng Luzon.
a lalawigan ito, pangunahing atraksyon sa mga turista ang Hagdang Hagdang Palayan ng Banaue.
Ifugao ang kinilalang lumikha ng hagdan hagdang Palayan gamit lamang ang kanilang kamay.
Noong 1995, Ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanag Lugar sa Mundo (World Heritage Site)
at natanyag din bilang 8th Wonders of the World.

back to home