poems

Paglalagom

Pagpanaw
Pilitin man ay di maaninaw
Damdaming ramdam sa karimlan
Ilang gabing pinagpupuyatan
Kahit pangalan mo ay kakalimutan

Paglutas
Iguhit man ay di mabubuo
Lalim ng sugat ay humihilom
Pag-unawa, tungo sa liwanag
Tuloy ang buhay kahit hungkag

Pagtanggap
Haharapin ang bukas
Nalilito, walang umaagapay
Humayo ka at magpakaligaya
Anumang darating ako ay handa na

Pamamaalam
Salanat sayo, Oh! salamat
Pagnanais ko ay sadyang tapat
Dahil sayo, marami akong natutunan
Sambit ko ngayun...Paalam...Paalam...



::: back :::

Hosted by www.Geocities.ws

1