poems

Ikaw Yun

Habang yakap ang unan
Sa lalim ng gabi
Nangungunyapit sa kakarampot na pag-asa
Bigay ng iyong ala-ala

Pilitin man ibaon sa limot
Andito pa rin
Animo isang peklat
Nasa balat… di kayang ilihim…

Salamat sa lahat
Bigay mong saya
Noong panahon pa
na halos puno ng ligaya

Ang tamis mong lason!
Sa isip ko ay bumabaon
Di kayang pawiin ng panahon
Pilitin mang makaahon

Lumayas ka! liparin ng hangin!
Pakiusap ko sana ay tanggalin
Masalimuot kang alalahanin
Isip ko ay iyong lisanin...


::: back :::

Hosted by www.Geocities.ws

1