
IKAW ANG BUHAY
(You are Life)
Di ko maiwasan na ika'y hangaan
Maraming buhay sayo'y inilaan
Kagandahan mo'y alam ng karamihan
Minsan pa nga bigay mo ay karangyaan
Nais kung araw-araw kasama ka
Dahil alam ko ika'y nagbibigay ligaya
Sayong mga kamay aking mahal ay kasama
Sabay kaming dal'wa na sayo'y mag-aaruga
Sana'y mapunan, kakulangan sa iyong paligid
Aking susubukang maalis tarak mo sa dibdib
Malalim mong sugat sana'y maipinid
Ang buhay mo'y buhay ko, at ng aking mga kapatid
::: back :::