Kung ako nalang sana
(SOC VILLANUEVA)
performed by: Bituin Escalante
heto ka na naman
kumakatok sa 'king pintuan
muling naghahanap ng makakausap
at heto naman ako
nakikinig sa mga kwento mong
paulit-ulit lang
nagtitiis kahit nasasaktan
ewan kung bakit ba
hindi ka pa nadadala
hindi ba't kailang lang nang ika'y iwanan nya
at ewan ko nga sa iyo
parang balewala ang puso ko
ano nga bang meron siya
na sa akin ay di mo makita
kung ako na lang sana iyong minahal
di ka na muling mag-iisa
kung ako na lang sana ang iyong minahal
di ka na muling luluha pa
di ka na mangangailangan pang
humanap ng iba
narito ang puso ko
naghihintay lamang sa iyo
(kung ako nalang sana..)
heto pa rin ako
umaasang ang puso mo
baka sakali pang ito'y magbago
narito lang ako
kasama mo buong buhay mo
ang kulang nalang
mahalin mo rin akong lubusan