"PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO...."


nagising nalang ako isang umaga, naramdaman ko parang may kulang. kumain
 ako ng almusal, nakausap ko na lahat ng tao sa bahay, pero  bakit ganito
parang ang bigat ng pakiramdam ko.

pumasok ako sa  trabaho nagiisip parin muntik na nga akong matisod sa
 kakaisip lang  nito. tinanong nako ng mga katrabaho ko, ano ba meron
sakin bakit ang  tamlay ko. sabi ko hindi ko alam, di ko maintindihan.
 alam mo ba yung  pakiramdam na parang may malaking butas sa sarili mo,
tipong merong  kailangang makapuno? yun ang naramdaman ko nung araw na
yun, gusto ko  na ngang sumigaw, magwala, malay ko ba kung ano lang ito.
pero hindi  ko ginawa, hindi naman dapat.

mga bandang tanghali pagkatapos ng  tanghalian, tumawag siya, lam mo na
siya, yung lalaking minahal ko  buong buhay ko pero iniwan ako para sa
 ibang tao, wala lang nangamusta  lang labas daw kami pagkatapos ng
 trabaho, nagisip ako ng mabuti,  kung papayag ako o hindi, naisip ko ano
 ba namang masama, nasa malayo  naman nagtatrabaho ang girlfriend niya,
parang malalaman diba?

natapos ang araw sobrang excited ako, sinundo niya ako sa trabaho,
kumain kami, nagusap, binalik ang nakaraan, sabi ko nalang wag nang
pagusapan may buhay na siya, masaya narin ako sa buhay ko, kaibigan
nalang maibibigay ko, ang drama pa nga sabi niya mahal pa daw niya ako,
kumpara ba ako sa bago, mas mabait daw ako, mas maintindihin, mas
understanding, sabi ko nga aba eh bakit mo sakin sinasabi yan, ano  ito
bolahan, natawa lang siya kahit hindi nakakatawa, nainis nga ako  di ko
 nalang pinakita, pero kahit na nag usap kami nandun parin yung malaking
butas nararamdaman ko parin, hanggang sa naisip ko baka kulang lang ako
ng pagtawag sa kanya, pero hindi naman kse madalas  ako tumatawag sa
kanya, siguro namn kilala niyo na kung sino yun.

naglalakad nakami pauwi, papunta sa auto niya, nakalimutan ko kahit
 sandali ang kulang na nararamdaman. napatawa pako sa mga biro niya,
napalo ko pa nga sa kakatawa. biglang naring ang cellphone ko...kapatid
niya umiiyak, sabi ko bakit kasama ko kuya mo, pauwi na kami.

bigla siyang natahimik, tinanong ko bakit, at dahan dahan niyang
 sinabi..

 "pano nangyari yun eh si kuya nadisgrasya, na total wreck  sasakyan
niya..ate patay na siya"

nabigla ako hindi ko maintindihan  pano nangyari na patay na siya eh
kasama ko pa???

 pag harap ko sa likod  ko..nandun parin sha, ganun parin suot niya pero
 duguan na..napaluha  ako, ngumiti lang sha at sinabi na...

"naramdaman mo na ba yung  pakiramdam na parang may kulang hindi mo
 maintindihan kung bakit?"

 napa oo nalang ako habang patuloy na lumuluha..

"papunta ako sayo  ngayon, dahil gusto kung sabihin na ikaw pala yun,
yung kulang sa  buhay ko..gusto ko na sana pakasal tayo..pero diba sabi
ko naman sayo  kahit anong mangyari gusto ko bago ako mamatay ikaw ang
 nasa tabi ko"

tapos bigla nalang siyang nawala..bumigat lalo pakiramdam ko,napaupo ako
sa lapag, wala nalang akong nagawa kung hindi umiyak..bakit kung kailan
lahat ng sinabi niya tama sa pandinig ko, hangin nalang ang lahat ng
 ito...

"People may not remember exactly what you did or what you said but they
will always remember how you made them feel."

Contributed by: Amy

back

Hosted by www.Geocities.ws

1