|
Para kay Ron Ryan Reyes Kaninang
umaga ay dumaan ako sa Southwoods, halos limang buwan noong una at huling
beses tayong pumunta doon. Kasama ko ang aking bagong kasintahan papunta sa
seminaryo kung saan siya dati nag-aral. Kaarawan niya ang araw na ito, at
nais naming dalawa na simulan ang araw sa pamamagitan ng pagdalo sa unang
misa. Bagamat katabi ko siya at mahigpit ang hawak sa kanyang kamay, hindi ko
napigilan ang pagdaloy ng lungkot mula sa aking puso. Akala ko ay nakalimutan
na kita, naibaon ang galit at lungkot
sa baul ng mga alaala. Ngayon, sa pagdaan sa mga kalsadang dati nating
tinahak, tila nabasag ang baul at umaapaw muli ang mga alaala na nagsasabing
mahal pa rin kita. Tunay na isang kabalintunaan ang pag-ibig. Kagabi
lamang ay nilunod ko ang aking sarili sa pagmamahal ng iba. Hinayaan kong
mapuno ang aking katawan ng iba’t ibang halik na kayang ibigay ng aking
bagong kasintahan. Ngunit sa pagpikit ng aking mga mata upang mas lalong
maramdaman ang aking pagdating sa rurok ng kaligayahan, ang iyong mukha ang
aking nasisilayan. Tinanggap ko ang masakit na katotohanan—hindi ako magiging
maligaya sa piling ng iba. Kabaliwan ang bawat pag-gising umaasa akong
manunumbalik ang pagmamahal na ibinigay mo sa akin. May mahal ka nang
iba...alam ko iyon. At hindi mo na ako mahal...alam ko din iyon. Ngunit hindi
ko maturuan ang puso na limutin ka, na magmahal ng iba. Marahil ay ito ang
kaparusahang nararapat sa akin sa pagkamit ng isang relasyong hindi
nararapat. Mahal pa rin kita...ito ang mga katagang aking
nasambit nang pumalaon ay narating namin ang dulo ng Southwoods. |
|
Huling
Liham |
|
Pagod na ang pusong laging sinasaktan. |
