maligayang pagbisita

pasimula familia gabay mambisita ako komento

San Francisco High School

Ang aking alma mater.
Ang nagpatikim sa akin ng pagiging top 1 sa klase.
Dito ko naramdaman ang kontroladong pamumuhay dahil sa taas ng ekspektasyon sa akin.

Natuto akong umasa sa aking sarili--kahit alam ko na iyon nung simula pa
Pinagbubuti ang bawat likha
Inasam ang parating manguna kahit maging utak partikel*


SFHS unang taon

Nalaman kong malupit ang mundo sa mga di nito kauri
Kinukutya't nilalayuan ang maiba sa karaniwan.
Ipinakilala sa akin ang tunay na mundo.
Kaiingat dahil natitira lang ang matibay.

Natuto akong makiharap sa kahit sinong tao.
Tumaas ang moral ko.
Kinalinga rin ako kung gusto kong magkubli sa likod ng libro.
Pinasabik ako sa mga aklatan.


*Tawag ni Ate Judith (SIKAP) sa mga kaklaseng nerd

Karapatang Ari
2003
Liezl A. Mendoza
Unibersidad ng Pilipinas

Hosted by www.Geocities.ws

1