| KUMUSTA KA Nonoy Zuniga (W. Cruz & B. Gil) Kumusta ka ikaw ay walang pinag-iba Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na Kumusta ka may ibang kislap ang 'yong mata Halata na'ng daigdig mo ngayon ay kay saya Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo S'ya ba'y katulad ko nung tayong dalawa O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal Walang masabi kundi kumusta ka Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo Tinitingnan kita hanggang wala ka na Kumusta ka ano ba'ng dapat sabihin pa Dibdib ko'y malakas na namang kumakaba Dapat kayang malaman mong hindi nagbabago Hanggang ngayon sinta mahal pa rin kita O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka, mayakap at muli pang mahagkan Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal Walang masabi kundi kumusta ka O kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay Makita ka mayakap at muli pang mahagkan Nguni't ngayong nangyari na ako ay nauutal Walang masabi kundi kumusta ka Kumusta ka 'di ka ba sa 'kin natatawa Walang masabi kundi kumusta ka |