Piso lang ba ang halaga ni Rizal?
Piso lang ba ang halaga ni Rizal? Ako nga talaga'y nagtataka kung bakit sa piso inilagay ang ulo ni Rizal. Hindi ba dapat sa pinakamalaking halaga ng pera siya ilalagay dahil siya ang ating pambansang bayani? Ngunit bakit sa piso lang?
Siguro dahil ang karamihan sa mga mamamayang Pilipino ay meron nito... Dahil walang dalawang piso kung walang piso, walang sampung piso kung walang piso, walang isang daang piso kung walang piso, walang isang libong piso kung walang piso, walang isang miyon kung walang piso.... walang bonifacio kung walang piso???
Huh? Walang Bonifacio kung walang Rizal? Walang Andres kung walang Pepe? Walang Miong kung walang Pepe? O walang Pilipino kung walang piso?
Huh? Walang malayang Pilipino kung walang Pepe? Walang Nasyonalismo kung walang Pepe? Bakit nga ba nasa piso? Bakit nga ba Pilipino? Bakit si Pepe? Sa Piso?
..... Ikaw, may piso ka ba?
<<<<HOME>>>>
<<<<BACK>>>>
Hosted by www.Geocities.ws

1