Isang umaga, humahangos na bumaba ng trike si Superpekpek Red dahil na din late sya sa trabaho. Taena kasi, sobrang trapik.. Kailangan na talaga nyang lumipat ng house... Taena, dapat na nyang kausapin ang iba pang Superpekpek Heroes ukol sa problema nyang ito. Kaya naman nagtext ang pekpek na sosi upang tumawag ng isang emergency session. Sa toma session ng gabing yun.....
Superpekpek Red: Guys... I've been thinking... kasi I'm always late for work.. and hindi ko naman pwedeng araw araw sabihin sa boss ko na the streets are under construction... kaya..I think.. I'm going to rent a place near my work na lang...
Superpekpek Orange: Ano!? Taena, You mean you're moving out of the BathCave?
Superpekpek Red: *smile* Yep..sana.. kung papayag kayo...
Superpekpek Green: Taena naman... bakit di ka na lang mag resign?! *yosi*
Superpekpek Blue: Pano na lang pag me lakad tayo aber?!! *kuha cellphone*
Superpekpek Yellow: Ano ba kayo.. e nahihirapan na si Red eh... saka baka magsuffer na ng husto ang health nya...
Superpekpek Red: Hindi naman forever eh.. I would still come back every weekends....
Superpekpek Blue: Huuuuuuu.... *gaya* come back every weekends..come back every weekends...
Superpekpek Lavander: King ina.. pano kung kailangan ka sa operasyon??
Superpekpek Red: E automatic naman na lumalabas ang powers sa rings eh.. or I could always follow you guys naman sa location nyo....
Superpekpek Green: E kelan mo naman plan umalis?
Superpekpek Red: As soon as possible.... Feel ko kasi magrereklamo na si boss sa DPWH kasi laging sira ang daan sa dinadaanan ko..
Superpekpek Orange: O siya, sya... *patay yosi* magbotohan na tayo... Itaas ang kamay ng nagbibigay bendisyon ke red...
Mga Superpekpeks:*taas kamay*
Superpekpek Red: Yeheyyyyy!!! Thank you talaga guys.. ang supportive nyo.. naiiyak tuloy ako...
Dahil na rin sa sobrang saya ni Superpekpek Red ay niyaya nya ang mga Superpekpek Heroes na lumabas. Ke saya saya ng ating mga bida.... matama silang nagkukuwentuhan ng....
Superpekpek Red: My godddd.... we forgot to invite Elsa....
Superpekpek Orange: Okay lang yun... *inom*
Superpekpek Green: E, di naman umiinom yun eh.... naglulunod lang sa iced tea...
Superpekpek Yellow: Grabe nyo talaga... *hithit yosi*
Superpekpek Lavander: Unga... saka na sya...
Superpekpek Red: Bad nyo.. *giggles*
Superpekpek Green: Bad your ass... *sindi yosi*
Maya maya pa ay lango na ang mga babaeng walang hiya. Najijingle si Superpekpek Red, magyayaya sana sya sa CR pero ng makitang lango at walang balak na tumayo ng mga Superpekpek Heroes sa kanilang upuan ay mag-isa na lamang nyang tinungo ang CR. Taena, me nakauna sa kanya... Matagal tagal din naman syang naghintay, at dahil nga sa medyo lasing na.. e nagmamataray na naman ang pekpek na sosi.
Superpekpek Red: Helloo... Are you going to live there? There's a line out here....
Babae sa CR: Could you hang on? Can't you see I'm still using it????
Ay syet, nagmataray ang babaeng nasa loob ng cr, talagang kinainit ng ulo ni Superpekpek Red ang pangyayaring yun, feeling nya e sya lang dapat ang nag-iingles... walang kahit sino man ang dapat mag-ingles back sa kanya.. Taena huh...
Superpekpek Red: Really? Well... you've been using that fucking cubicle since forever!! *kalabog pinto*
Kakatok pa sana sya ng biglang pumasok si Superpekpek Lavander...
Superpekpek Lavander: O, kahapon ka pa umalis dun sa table ahh.....
Superpekpek Red: E kasi naman, the one inside is so tagal.. she's so inconsiderate....
Superpekpek Lavander: Ganun ba? King ina neto ah... *lapit sa tapat ng pinto* Hoy!! Ang tagal tagal mo naman jan!! *katok ang pinto* Pag di ka pa lumabas jan, sisirain ko tong pinto, Taena ka, parang ikaw lang ang dapat gumamit ahhh *kalabog* isa!! dalawa!!
Ng di pinansin ng babae ang bilang ni Superpekpek Lavander, binuksan ng huli ang pintuan sa pamamagitan ng pagsipa, Bumukas ang pinto at tumambad sa kanilang harapan ang opismeyt ni Red na hiyaw ng hiyaw...
Eyrin: Mommy!! mommyyyyy... fuckk..... helllppppppp!!
Superpekpek Lavander: Di ka titigil putang ina ka? Sasampalin kita!! *amba*
Superpekpek Red: *pigil si Lavander* Wag mare, she's my officemate... shucks.. no wonder she's so maarte... *tawa*
Superpekpek Lavander: Huh? Pano ngayon yan??
Superpekpek Red: E di remove it from her mind.. erase the memory of all this.... dali.. nakakahiya...
Superpekpek Lavander: Sandali *kuha sa bag ang mirror at tinapat sa muka ng babaeng hiyaw ng hiyaw* now na?
Superpekpek Red: Now na!!
Sinampal ng magic mirror ni Superpekpek Lavander ang babaeng naghihisterya...nawalan ito ng ulirat... iniupo nila ito sa banlawan ng mop, at sila ay matiwasay na gumamit ng palikuran. Paglabas ng dalawa, nag reretouch ang mga ito ng unti unti namang nagising si Eyrin. Nilapitan ni Superpekpek Red ang babae para di halatang may kinalaman sya sa pagkakawala ng ulirat nito.Superpekpek Red: Eyrin!! Eyrin!! Are you ok?? *tampal pisngi*
Eyrin: Ughh.. where am I?
Superpekpek Red: Dito ka sa banlawan ng mop... I think you passed out.. ok ka lang ba??
Eyrin: Shucks... too many drinks siguro.. my head aches... *isip* no.. its not my head.. parang sakit ng batok ko..
Superpekpek Red: *clears throat* sa ano yan... sa alcohol... naku Eyrin this is my friend nga pala, si Lavander...
Superpekpek Lavander: *ngiti*
Eyrin: *tingin lang ke Lavander, plastic na ngiti* hi... O sige *tayo* Una na ako sa inyo.. See you tomorrow sa office red..
Tumango lang ang ating mga bida, pagkuwa'y itinuloy nila ang kanilang pag reretouch. Nang papauwi na sila ay kinuwento nila ang insidente sa iba pang Superpekpek Heroes, ke lakas ang tawanan habang naglalakad sila mula sa kanto, ang mga aso naman ay tahulan ng tahulan ang ilan sa kanilang mga kapitbahay ay nagbukas ng ilaw at sinigawan sila. Sinigawan din nila ang mga ito.. Pagakapaligo ay nagsipagtulog na ang mga ito. Kinabukasan, Tanghali na naman nagising ang ating mga bida, kaya naman si Superpekpek Red ay late na naman. Sa opisina,
Eyrin: Good morning red!
Superpekpek Red: Good Morning din!! Haaay , I really need to move!!
Eyrin: Move? As in lipat?? Lilipat ka ng house?
Superpekpek Red: Oo, me alam ka bang place?
Eyrin: Galing naman!! I'm looking for a housemate eh... 2 bedroom kasi yung apartment ko. *smile* If you want, you can share it with me....
Superpekpek Red: I want! I want!!
Agad tinext ni Superpekpek Red ang mga kaibigan upang ipaalam na me malilipatan na sya.. Ng gabing iyon ay inayos na nila ang gamit ni Superpekpek Red. Di nag-ubos ng panahon ang pekpek na sosi, agad syang naglipat ng bahay. Lingguhan ang uwi ni Superpekpek Red sa BathCave. Isang araw, naisipan ng ibang Superpekpek Heroes na dalawin ang kaibigan sa nilipatan nitong bahay...Tinext nila ito bago sila namalengke. Bumili sila ng Fisballs dahil wala ng Squid balls. Nagdala ng mga alak at sangdimakmak na yosi. Pagkuwa'y sakay ng FX, sila ay nagtungo sa opisina upang sabayan si Superpekpek Red sa pag-uwi.
Superpekpek Orange: Sinabi mo ba sa kasama mo sa bahay na darating kami?
Superpekpek Red: Oo naman..
Superpekpek Green: Malayo pa ba?
Superpekpek Yellow: Baka nakakahiya naman....
Superpekpek Lavander: Nye.... bakit naman sya mahihiya e nagbabayad din naman si Red dun no!
Superpekpek Green: Kunsabagay, syet... sa wakas makikita ko na din yung sinampal ni Lavander na Babae!! Yey!
Lumipas ang ilang minuto ay narating na rin ng ating mga bida ang kanto ng pinagtitirahan ni Superpekpek Red, Pagdating duon ay tinext ni Superpekpek Blue ang Pekpek na sosi. Maya maya pa ay humahangos na dumating si Superpekpek Red. Pagdating sa bahay ay di magkamayaw ang kwentuhan at talaga namang super excited ang ating mga bida. Sayang saya sila sa pag-iingay at pag-pakielam ng mga kagamitan ng biglang...
Eyrin: Could you please, lower your voice down? Kasi natutulog na mga kapitbahay natin, Red.
Superpekpek Red: Ayyyy... nagising ka ba namin?
Eyrin: Ok lang...
Ibang Superpekpek: *tingin lang habang hithit yosi*
Superkpek Orange: Lutuin na natin yung fishballs..
Maya maya pa ....
Eyrin: What's that smell? Ambaho naman....
Superpekpek Orange: *bulong* king ina... isa pa... *kalampag ang kawali ng syanse*
Superpekpek Green: Fishballs yun.. you like?
Eyrin: No thanks, I don't eat fishballs... Red, pasok na muna ako sa room ko. *talikod*
Superpekpek Orange: Nak ng puta, Red! Namumuro na sa akin ang babaeng yan..bibigwasan ko yan!
Superpekpek Red: I know mare... hindi naman ako ganyan pag sya ang me visitor..gee... so nakakahiya talaga...
Superpekpek Lavander: Ang arte lech....
Superpekpek Orange: Sabihin mo sa kanya, bago sya mag-inarte e ayusin muna nya yung likod nya. Taena, susuot sya ng ganun e pagtalikod naman nya puro pimples ang likod nya.. Yaaakk!
Superpekpek Lavander: Sabihin mo mag extraderm sya no!!
Superpekpek Green: Oo nga... kaskasin nyang mabuti ang likod nya! Leche!
Hagalpakan ang mga pekpek, wala silang pakielam kung me kapitbahay o kung mainis man ang lecheng si eyrin. Para naman kasing kaya nya ang ating mga bida.. Pagkatapos magluto ay lumabas sa may sampayan ang mga babae upang magpahangin at pag-usapan ang seks layp ni Superpekpek Lavander. Nagkaron din ng pulong ukol sa masamang asal na pinakikita ng babaeng nilagay sa labahan ng mop. Yosi dito, Yosi duon... inom ng alak at walang humpay na kwentuhan ng biglang....
Superpekpek Red: Eyrin!! What are you doing? Kami na maghuhugas nyan..
Eyrin: Me daga kasi .. *sabon mga plato*
Superpekpek Orange: *plastic mode* Kami na maghuhugas nyan...
Eyrin: No it's ok.. baka kasi dagain na ehh...
Hindi na pinansin ng ating mga bida ang pinagsasabi at pinaggagawa ng babaeng me nakakadiring likod. Umuwi rin ng gabing iyun ang mga Superpekpek Heroes. At naisip nila na kawawa naman pala si Superpekpek Red sa kamay ng hawsmeyt , biro mo hati sila sa ilaw gayong ang bentilador at tv lang gamit nya, samantalang ang Eyrin puta, me component na -- de computer pa!! Hinding hindi na sila babalik pa kahit kelan duon sa bahay na yaon. Unless pwede nilang gulpihin ang babae.
Isang gabi, ay bisita ni Superpekpek Red ang kanyang papa.. si Freddie. At dahil sa pag-aakalang di uuwi ang hawsmeyt, syet.. ke saya saya nila. Maya maya ay nagtext ang luret at sinasabing buksan ang pinto dahil daw may nakalimutan ito. Ang bisita naman ni Superpekpek Red ay tinago nya sa kanyang kwarto dahil na din ayaw makilala ng huli si Eyrin.
Eyrin: Asan na yung bisita mo? Di man lang ba sya lalabas to meet me?!
Superpekpek Red: Huh?
Eyrin: *sigaw* Akala nya ba tanga ako? Akala nya di ko alam na anjan sya?
Superpekpek Red: So what if he doesn't want to meet you? He's in my part of the house... Kaya wala kang pakielam. Goshh.... Why don't you just shut up!! I'm so fed up with your whining and thinking that you are always better than me!! Fuck you Eyrin, you can go straight to Hell! *taas ang dalawang kamay sabay sigaw* Superpekpek Powers Combineeee!!
Ng mga oras na iyun ang mga Superpekpek Heroes ay nagsisispanuod ang tv sa sala.. kaya't nagulat sila ng magkislapan ang kanilang mga singsing. Samantala si Elsa naman ay namamahinga na dahil sa pagod sa trabaho... Pumasok ang kanilang powers sa katawan ng natutulog na si Elsa. Pagkuwa'y nagpalit nang anyo at lumipad sa ere upang ipagtanggol ang naaping pekpek ni Red sa kamay ng hawsmeyt. Nagulat babaeng me problema ng acne sa likod.
Elsa the Superpekpek: King ina mo ahh... masyado kang pakielamera.
Eyrin: Huh? Who are you? Where did you come from? San si Red?
Elsa the Superpekpek: Pa-ingles ingles ka pa! E puro acne naman likod mo leche ka!! Hwag kang maarte at di mo carry.. *sampal si Eyrin*
Eyrin: What the hell are you talking about? Hindi yun acne no? Skin discoloration yun no..
Elsa the Superpekpek: I don't care! Masyado kang feeling.. Ano ba gusto mo ha? Mainggit sayo si Red? Ano ba kaingit-ingit sayo?
Eyrin: Well.. yeah.. Because I have a rich boyfriend... and love ako ng family nya.. di ba kaiingit inggit yun?
Elsa the Superpekpek: E king ina ka pala eh.. bakit maiingit sayo si Red eh.. impotent ang boyfriend mo!? Panong di ka mamahalin ng in laws mo eh, ikaw lang nagtyaga sa anak nila na me problema sa patayuan!!
Eyrin: My god!! How did you know about that?!!? Puta talaga nyang si Red, kinakalat nya pala...
Elsa the Superpekepek: Don't ever call my friend names, you bitch! *sampal si Eyrin*
Eyrin: Fuck you! *sabunot Elsa the Superpekpek*
Elsa the Superpekpek: E Fuck ka din one thousand times tantado!! *tanggal kamay ni Eyrin sabay labas ng magic mirror*
Eyrin: MY GOD!! Ikaw yung sumampal sa akin ng mirror!!
Elsa the Superpekpek: Huh? Hindi ah.. *tago mirror labas extraderm products*
Eyrin: Ikaw yun! *freaks out*
Elsa the Superpekpek: Alam mo tama na to, hahaba lang exposure mo eh! *squirt extraderm ke Eyrin* Dapat sayo matunaw leche ka!!
Umikot ikot si Elsa the Superpekpek sabay binitbit ang babaeng nagfe-freak out ng di tumalab ang extraderm na bimuhos nya. Taena fake pa ata yung nabili nya ah... Lumipad ito at dinala sa pabrika ng Splash, duon ay nilaglag ang babae sa asido na nakakapagpalit ng balat. Dahil masyadong konsentrayted pa ang naturang kemikal ay di nakayanan ni Eyrin ang lakas nito, nalalapnos na ang likod nya... taena.. Sigaw ng sigaw ang babae habang napayosi naman ang ating bida, Pagkuwa'y tinapon ang kanyang sigarilyo duon sa kemikal. Taena, me alcohol pala yun? Nagliyab at nasunog ang buong pabrika. Di malaman ng ating bida kung pati si Eyrin ay napasama kasi dali dali itong tumakas upang di mapagbintangan. Umalis na sa katawan ni Elsa ang mga Superpekpek Heroes. Pagod na pagod sila dahil nadehaydrate sila sa init ng apoy. Samantala si Freddie naman ay tumakas ng makitang wala na ang babae sa sala.
Lumipas ang mga araw, di naman napansin ang kawalan ni Eyrin. Bukod sa paghahanap sa kanya ng kanyang biep e wala namang ibang naghanap pa. Dahil na din sa pagkawala ni Eyrin ay nadagdagan ang trabaho ni Red kaya ng di na nya kaya ay nag-resign ito, pero kinuha muna nya ang mga bonus syempre. Bumalik muli si Superpekpek Red sa BathCave.
Hanggang sa pagbabalik ng Adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:ANONG MERON SA LOOB NG TRIKE NI MAHAL NA ARI 1? SAGOT: MGA DAGA.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: SAN UNANG NAGKARON NG ENGKWENTRO SI EYRIN AT SI SUPERPEKPEK RED?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!